Hindi Kita 'CRUSH' 5: 'Charger'

444 23 7
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche'

Hindi Kita 'CRUSH' 5: 'Charger'

Hi, gerlieannr! :)

Kinaumagahan, dumaan ang kotseng kulay itim sa tapat ng bahay namin. Medyo natakot ako kasi baka 'yun na 'yung bumbay na pinagtataguan ni Aireen, ang pinsan ko. May utang kasi siyang ten thousand na ginamit niya pampa-facial, ang arte kasi.

"Ma'am kayo po ba si Ysabelle?" Ang tanong ng Mama.

Nailang akong sumagot pero parang namumukhaan ko si Manong. "Opo, Bakit po?" Hindi na niya sinagot ang tanong ko at iniabot ang isang kahon...

"Pinabibigay po ni Sir Joseph.." Si Tjay talaga. Hindi nakakalimot sa ipinangako.

"Pakisabi sa kanya, 'Salamat...'."

"Tatawagan na lang daw niya kayo..." Pagkasabi niya noon ay nagring agad ang phone ko este niya. Pero akin na 'to, binigay na niya, eh...

VIDEO CALL...

MAHAL ON CALL... ('yan ang iniregister niyang name. 'Wag na wag ko raw papaltan, sasabog daw.)

"Oh..." ang sabi ko. "Kasasabi pa lang ni Manong, tumawag ka na kaagad. Ano ba 'to may scientific calculations?.." Nagtaka tuloy ako.

"Yup... velocity over time..." Tumango pa siya at isinenyas ang formula.

"Acceleration 'yun, 'di ba?" Pa'no niya natantsa gamit lang 'yun?

"Yup... Hindi mo na kailangang mag-isip kung paano ko natimingan. May camera kaya yung T.V. sa kotse kaya nakapag-skype kami ni Manong Berlee..." Tumatawa na naman siya. Nauto ako ng isang'to, ah. Matalino kasi, eh.

"O siya, sige... Salamat..." Ang bigla ko nalang na nasabi.

"Sa charger?" Nanliit yung mga mata niya, halatang nag-iisip. "Wala 'yun, para sa'n pa 'yung cellphone na ibinigay ko kung hindi mo naman magagamit dahil walang charger. Ang mahal naman kapag bibili ka pa." Ngumiti siya.

"Okay lang kahit 'di mo binigay yung charger, i-didisplay ko na lang. Bigay mo 'yun, eh." Tumawa siya. "Pero hindi ako nagpapasalamat dun sa charger kundi..." Ngumiti ako. "Sa'yo" Lalong lumawak ang ngiti ako. Nakita kong ganu'n din siya. Medyo namumula na siya katatawa sa iba't-iba kong reaksyon.

"Tsk... Pilosopo ka pa rin hanggang ngayon." Umiling-iling siya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago.."

"Sabi mo, wag akong magbago tapos ngayon rereklamo ka. Ano ba talagang gusto mo?" Napangiti na naman siya.

"Ikaw..." Natulala ako at natuluyan na siyang humalakhak. Naisahan na naman ako.

"Nakakainis ka talaga! Palagi ka na lang nagbibiro ng ganyan.." Kumunot ang noo niya.

"Alam ko, pero totoo naman na Mahal ki..." Naputol ang sasabihin niya. Nang marinig niya at narinig ko ang isang boses ng babae. "Joseph, we're going. Can you make it fast? Mom and Dad are waiting..." Mukhang boses ni Krishna. Ang sosyal kasi ng boses, eh.

"Bye..." Ang sabi niya at pinatay ang call.

"Teka.." Ano naman kaya yung sasabihin niya... Ang galing talagang tu-miming ni Krishna, hay!

--,,--,,--,,--,,--,,--

"Manong, salamat rin sa inyo.." Bumaling naman ako kay Manong na nakatingin lang habang nakikipagvideo call si Tjay sa akin.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon