2 is to 5 (Au revoir): Graduation

240 18 1
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

2 is to 5 (Au revoir): Graduation

Note: Tapos na ito this week! Finally after a year..
Hello, 4-C BSEd Social Science!

ON DYLAN ANGELO'S POV

Its been a year magmula nung malaman kong buhay si Mommy.

Its been a year of cups of joy, of sorrow and of agony.

Marami din pala talagang nangyayari sa loob ng isang taon. Maraming pagbabago. Biruin mo, magtatapos na ako at dalawa pa ang diploma ko. Malungkot ako na masaya. Alam kong pagkatapos ng araw na ito, makakasama ko na ang pinakamaalagang tao sa buong mundo pero pagkatapos din nang araw na ito, tuluyan ko nang iiwan ang taong pinakamamahal ko. 

Nakatingala ako ngayon sa langit sakay ng sports car na regalo sa akin ni Mommy. Katatapos ko lang magdrive test kahapon at hanggang sa mga oras na ito ay hindi matahimik ang diwa ko. Hindi ako mapalagay lalo na at alam kong iiwan ko na siya makalipas ng eksaktong dalawampu't apat na oras. 

Kinuha ko ang plane ticket ko, minasdan iyon. 'Ganito ba talaga kasakit ang umalis?' Ang tanong ko sa sarili ko.

Akala ko iyon na ang pinakamasaklap na tanong pero hindi pa pala dahil may isa pang tanong.  'Ganito ba talaga kasakit ang iwan ang taong mahal mo na hindi mo alam kung babalik ka pa o hindi na?' 

Paraan na rin siguro ito para maitama ang lahat. Para maiayos katulad nang dati ang eksena. 'Yung mga panahong wala pa ako sa buhay nya. 'Yung mga oras na sila lang ni Joseph ang magkasama. 

Kabaklaan daw ang umiyak pero hindi ko na kayang pigilan ang sakit. Kung huhusgahan ng kahit sino ang pagiging emotionally weak ko ay marapat kong tatanggapin dahil totoo naman talaga. Baka nga mahina talaga ako.

Papasok na ako ng bahay at iniwanan ko na ang kotse sa labas ng salubungin ako ni Mommy. 

"Dy...." Tiningnan nya ako nang diretso sa mata. 

"Mommy..." Napayakap ako sa kanya. Ayoko kasing mag-alala siya at makita niyang umiiyak ako. Ayos nang ako na lang ang magdala ng problema ko, ayoko nang magdamay ng ibang taong malapit sa puso ko.  Hinaplos nya ang likod ko. Wala siya binanggit na salita pero dama ko ang walang maliw niyang suporta at pagmamahal. 

-----------------------------

Nasa kalagitnaan na nang programa ng tawagin ako ng aming Dekana para sa isang maikling speech bilang magtatapos na may pinakamataas na karangalan. Summa cum laude. 

"Let's call on Mr. Dylan Jude Lim." Nakangiting sabi ni Ninong este ni Dean Miguel Maglapuz.  

Kumakaway pa siya sa direksyon ko ngayon kaya nagtinginan sa akin ang mga estudyante. Halos malaglag naman ang mga mata ni Belle nang makita ako. Hindi siya makapaniwala na ako si Jude Lim. Ganu'n din ang reaksyon ng karamihan pero pinakamalala talaga ang reaksyon niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa direksyon niya. Mas kumunot ang noo niya.  Nagsimula na ako sa maikli kong talumpati.

"Sa lahat ng mga guro na nagtiyaga, sa mga estudyanteng nagsikap na makarating sa puntong ito ng pagtatapos, sa mga magulang na walang sawang sumusuporta. Sa Daddy Edward ko at kay Mommy Anj, maraming salamat. Ito na yata ang pinakamasayang graduation ko." Naging mas seryoso ang aura ko habang lumalaon ako sa aking talumpati.

"..... Engineers. We are the builders of the bright pathways. The creator of those famous roads, of some ideas in the field of Mathematics and of logical discipline. We are the creator of the worlds. Worlds with fun and excitement. Isang mundo kung saan panandalian nating makakalimutankung sino talaga tayo. We aim to make it real. When reality is better than our dreams." Nawala na ang mga confusion sa mga mata nilang lahat at naipokus nila ang kanilang pansin sa mga pananalitang binibitawan ko. Ganoon ang nangyari hanggang sa malapit na ako sa kasukdulan nang maikling talumpating matagal kong binuo at isinulat sa puso ko. 

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon