COMPLICATED 7: 'Alak'

243 20 6
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

COMPLICATED 7: 'Alak'

'Pag may ALAK, may VALAK. Alam na!
Miss you, steffyeol! See you!

ON RUTH YSABELLE'S POV

Naglalakad akong magsolo papunta sa amin nang may makasalubong akong dalawang lalaki sa daan na mga mukhang bayawak. Nakakaaduwa ang mga hitsura nila. Lalampasan ko na lang sana sila ng harangin nila ako.

"Ms., ang suplada mo naman. Ang ganda mo sana." Napangiwi ako. Nagpapatawa ba talaga siya?

"Tsong, pakitigil na, ho ang pag-aadik gamit ang 420, nasisira na ho ang mata nyo pati na ang utak nyo." Pagkasabi ko nu'n, kaagad nyang hinablot ang braso ko. "Bitawan nyo nga ako!" Nagpupumiglas na ako pero matibay pa rin ang pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko.

"Hindi kami adik. Lasenggo lang." Ang sabi nung isa. Mga tanga talaga ang mga 'to, adik din sila. ADIK SA ALAK.

"Puro laklak ang alam nyo, bitawan nyo na nga ako!" Binitawan nila ako. Patakbo na ako ng kapitan muli nila ang braso ko.

"Nakakaastig kasi ang laklakan." Ang sabi naman nung isang bayawak. Sumang-ayon naman 'yung isa. Biglang may sumabat, salamat at dumating siya.

"Astig nga talaga dahil wala na kayong atay. Mawalang galang na, bitawan nyo siya!!." Hinablot nya ako sa kamay nila. Ang bilis nya lang na natanggal ang marurumi nilang kamay.

"Sino ka bang payatot ka, ha? Saka bakit mo kami pinakikialaman? Nagpapakasaya lang naman kami." Ang himutok nila. Mapapamura pa sana si Jelo pero tinitigan ko siya ng matalim kaya hindi nya naituloy.

"Leche! Nagpapakasaya? Eh, mga tanga pala kayo. Bakit pati ang asawa ko ay idadamay nyo?" Napakamot ako ng ulo ko. Bakit ba lagi nya akong ipinapakilala bilang asawa nya?

"Wala kaming pake kung asawa mo siya. Hihiramin lang naman namin siya at ibabalik din agad." Hinila muli nila ako pero hinila ako pabalik ni Jelo.

"Ang kukulit ng lahi nyo, may hindi ba kayo naintindihan sa sinabi ko? TAGALOG naman, ah." Inis nyang turan.

Umalis 'yung isa sa mga lalaki at paalis na sana kami ng may kahoy na inihataw sa likod ni Jelo ang isa sa mga lasing. Akala ko ay mawawalan siya ng malay ng dahil sa lakas ng hampas na iyon pero mali ako. Lalo lang nag-init ang ulo nya sa dalawa.

"Kumuha ka lang pala ng dos por dos, ha." Naagaw nya ang kahoy at ipinalo sa kulugong nasa harapan nya. 'Kala yata nila ay hindi 'to napatol sa matanda. Kahit nga bata, inaaway nyan.

Nakatulog ang mga bayawak. 'Yung isa ay dahil sa suntok at yung isa ay dahil sa dos por dos.

"Sino ako? Ako lang naman si DYLAN GIL." Ang sabi nya at umalis na kami. Nakakatakot pala siya 'pag galit, mas malakas pa sa nakadrugs at nakalaklak.

"Ayos ka lang ba?" Ang sabi nya habang kinukuha ang bike nya sa tabi ng daan.

"Oo naman. Salamat sa'yo kung hindi ka dumating, siguro..." Umiling siya at ngumiti ng pilit. Makikita mo ang totoong emosyong nagtatago sa malungkot nyang mga mata.

"Shhh..." Pinaangkas nya ako sa mountain bike nya at yumakap ako sa bewang nya. "Mag-iingat ka parati, para kahit wala ako sa tabi mo, alam kong magiging ayos ka lang."

May masakit na parte sa akin ang mas lalo pang nanakit. May alcohol yata ang mga salita nya at maging ang puso kong nadurog nang dahil sa kanya ay muling kumirot.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon