HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheHATE 3: 'Stolen Shot'
Kinalimutan ko kaagad lahat ng nangyari nung araw na iyon, tutal malabo na rin namang magkita kami ng hinayupak dahil sigurado akong sa mas sikat na private school siya napasok.
Nakanganga pa rin ako habang nakaupo sa bleacher sa tapat ng stage at minumuni-muni ang hitsura ni Tjay habang nasa kabilang bleacher at nagtatakip ng kalahati nyang mukha. Nakasuot siya ng red cap at plain yellow v-neck shirt at nakashorts. Peste 'yang lalaking 'yan, hindi nya yata alam na mas nagugustuhan ko siya dahil sa mga galaw nya.
Naiimagine ko pa kung paano nya tinanggal 'yung cap nya at biglang nagslow-mo ang paligid ko dahil sa pag-iling-iling nya. Nakakaloko din siyang ngumiti pagkatapos. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos basta bigla na lang akong napatili.
"Ahhhh....." Sure akong napakalakas nu'n.
"Hoy! Babae, akala ko ba dun ka sa kabilang team? Eh ba't nagtutumili ka nung nakathree points 'tong dilaw?" Colors nga pala ang batayan ng teams. Inter-colors kasi 'to.
"Ah, sorry... Ang gwapo nya lang kasi." Napadulas kong sabi. Itinuro ko pa si Tjay pero wala na siya dun.
"Nasaan? Belle, wala naman, ah." Napakamot na lang sa ulo si Aireen.
"Nandun lang siya kanina, eh." Napakamot din ako ng ulo. Uso yata ang kuto ngayon. Luminga-linga ako at hinanap ko siya sa buong paligid. Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi ko siya nahanap.
"Sinong hinahanap mo?" Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
"IKAW! este wala..." Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa naging reaksyon ko.
Tinawanan nya lang ako gaya ng lagi nyang ginagawa kapag nagugulat ako.
"Magugulatin ka talaga." Tumatawa pa rin siya.
"Oo at aatakihin ako sa puso ng dahil sa'yo." Tumigil siya sa pagtawa at bumulong sa tenga ko pero akala ko lang 'yun dahil hinipan nya lang 'yung tenga ko.
Ang kulit nya talaga kung minsan pero madalas, seryoso siya.
Naglalakad na kami pauwi at ihahatid nya ako sa amin kase solo akong umuwi dahil nagpaalam si Ai na pupunta pa siya sa kaibigan nya.
"Bakit nga pala laging nakatakip 'yung mukha mo kanina?"
Napangiti siya. Nakita ko ang reaksyon nya sa peripheral vision ko dahil nakatingin pa rin ako ng diretso sa nilalakaran ko.
"Tsk... Nalaman ko rin na kanina mo pa ako tinitingnan." Pinalo ko siya.
"Hindi, kase medyo nagtataka lang ako, ang gwapo mo naman tapos nagtatakip ka nang mukha. Bakit may mali ba sa mukha mo? Wala ka namang blackheads at tagihawat. Kung ganyan siguro kakinis at kagwapo ang mukha ko, magiging proud ako." Tinawanan nya lang ako. Totoo naman ang sinabi ko.
"Tawa ka nang tawa, nakakainis ka!" Pinaghahampas ko siya.
"Hindi naman ako nahihiya sa mga tao. Ayoko lang kasi na makita mo ako."
"Bakit naman?" Nakatingin ako sa kanya pero nagdiretso lang siya sa paglakad sa unahan ko at dahil kauulan lang at putol pa ang simentadong kalsada ay napadulas ako at nabangga sa likod nya.
"Ayoko kasing mahulog ka sa akin." Ang sabi nya habang inaalalayan ako mula sa pagkakabanggaan naming dalawa. "Ayokong mawala sa akin ang bestfriend ko. Ayokong mangyari iyon." Natigilan ako sa sinabi nya. Paano ko pa mapipigilan ang sarili ko na hindi siya magustuhan kung may amats na ako sa kanya? Tama nga siguro siya, dapat mapigilan ko na 'to bago pa masira ang friendship na matagal naming iningatan.

BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
Literatura FemininaCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...