HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheCRUSH 5: 'Kwintas'
Hi IrishEve14 Thanks..😊
Ilang araw ang lumipas at gaya nga nang inaasahan ko, nabalitaan kong bumalik rito si Kasey para makipagbalikan kay Jelo. Ramdam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa dahil nagpalipat pa ng mga klase si Jelo para makasama lang si Kasey.
Nakikita ko silang magka-holding hands habang naglalakad sa building namin. Civil engineering din pala ang course nya katulad ng sa amin.
"Uy..." ang tawag na gumulat sa akin at kilala ko siya. Hindi ko na nga siya pinapansin pero patuloy pa rin siya. "Suplada!" ang tawag nya na nagpabalik sa akin at binigyan ko siya nang nakamamatay na titig.
"Suplada ka pala sa personal." ang pambubwiset nya.
"Pasensya na, masama lang kasi ang pakiramdam ko." kinapitan nya kaagad ang noo ko at tumawa.
"Wala ka namang lagnat, ah." umiling pa siya.
"Ang sabi ko, masama ang pakiramdam ko at wala akong sinasabing may lagnat ako." ang pagtataray ko. Fresh na fresh kasi ako sa katatapos lang na debate sa classroom about DEATH PENALTY. Kung gilitan ko kaya ang isang 'to?
"Chill ka lang." hinimas-himas nya ang likod ko. "... Mainit ang panahon, baka maheat stroke ka." ang pagbibiro nya.
"At 'pag nangyari 'yun, kasalanan mo!" kumaripas lang ako at lumihis ng daan. Kaya nga ba ayaw na ayaw kong makakasalubong ang isang 'yun, eh.
Malapit na ako sa isang study shed sa school of education ng mapatungtong ako sa basa at nagdire-diretso hanggang sa malapit na akong mapaupo sa sahig kung hindi lang may kumapit sa kamay ko.
"Jelo?" sumimangot siya.
"Hindi ka kasi nag-iingat. Sa susunod, tingnan ang nilalakaran. Next time na madudulas ka, ipagkakalat ko na hindi kita kilala." inakbayan nya ako ng saglit pero tinanggal nya rin agad ng makita nyang papunta na si Kasey.
Minsan nagtataka pa rin ako kung paano sila nagkaayos.
Sa bagay, mahal naman nila ang isa't-isa kaya given na 'yun. Given na rin 'yung katiting na sakit na nararamdaman ko. Mukhang nagkakagusto na ako sa kanya pero mali ito, may girlfriend na siya at malabo namang maging kami.
Nagpakawala na lang ako ng sunud-sunod na buntong-hininga. Masyado na kasing puno ng nakasasakal na hangin ang baga ko.
May mga nakasalubong akong babae na mukhang naaawa at nandidiri sa akin. Kasi nga naman, bumalik na ang totoong reyna ni Jelo, at hindi naman talaga maaaring maging AKO 'yun dahil iisa lang ang babaeng mahal niya at Kasey ang pangalan nya.
Isinumpa kong hindi ko siya magugustuhan pero nilulunok ko na nang buo ang lahat ng sinabi ko. Kung pwede nga lang na ibalik ang oras na wala akong pake sa kanya. Yung oras na wala kaming ginawa kundi ang magbwisitan at magpakita ng pagkainis sa bawat isa. Kung pwede lang na si Taze Joseph Lee na lang ulit ang tanging laman ng isip at puso ko.
Bukas na ang Campus King & Queen at sila ang representative ng school namin.
Nagkakagulo na naman sa bulletin ng dumaan ako.
"Uy, grabe bagay talaga sila noh." ang usapan ng mga tsismosa na narinig ko."Sabi ko na, eh. Utusan lang 'yung Ysabelle, feeling maganda lang 'yun." dagdag nung isang palaka.
"Guys, wag kayong maingay. Kalapit natin siya." tiningnan ko sila nang parang manlalamon ng buhay kaya nagtahimikan sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/41613834-288-k930974.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...