SPECIAL CHAPTER: 'Listahan'

201 19 9
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

SPECIAL CHAPTER: 'Listahan'

Thank you for reading this story, guys! 😊 Love lots! Enjoy 😀

Hi kay Supportertagahangamo! Thank you for following me! Hope you will read this story.

ON DYLAN ANGELO'S POV

Grabe 'tong babaeng 'to, ibang klase. Mahilig talaga siya sa basketball. Napatawa na lang ako ng makita ko ang pangarap nyang napakaimposibleng mangyari.

PANGARAP KONG MAKASAL KAY KOBE PARAS.

Laugh trip talaga ako kahit alas-tres na nang madaling araw at nagtitilaukan na ang mga manok. Panay kalokohan kasi ang nakasulat dito sa listahan nya ng utang (Journal nya daw).

AYOKO KAY ANGELO GIL.

Bigla akong natigilan sa page na 'yan. Mukhang malaki talaga ang galit nya sa akin dati pa.

NAIINIS AKO SA BAWAT GALAW NYA.

AYOKONG NAKIKIPAG-AGAWAN SIYA NANG BOLA.

Ano naman kaya 'yun? Basketball, di ba? Pagalingang mang-agaw!

KASE ANG LAMPA NYA.

AYOKONG NASASAKTAN ANG UNGGOY NA 'YUN, KASE MAS MASAKIT.

Napangiti ako. May pag-aalala pala siya sa akin kahit katiting at kahit lagi ko siyang iniinis.

DAHIL SA KANYA, NAGMUMUKHA AKONG ENGOT.

WALA SIYANG GINAWA KUNDI GULUHIN ANG MUNDO KO.

Ganun ba talaga ako kasama sa paningin nya? Napalaki ang ngiti ko dahil ang lakas pala ng impact ko sa kanya.

PERO KAHIT GANU'N, NAGIGING MASAYA AKO KAPAG KASAMA KO SIYA.

Hindi ko mapigilang mas mapangiti. Napapasaya ko pala siya kahit papaano.

NUNG BUMALIK ANG MAHAL NYA, UMASA AKONG SANA HINDI NA SILA MAGKABALIKAN PERO NABIGO LANG AKO.

MAHAL NILA ANG ISA'T-ISA.

NADUROG ANG PUSO KO.

BUTI NA LANG, MAY TAONG PALAGING HANDANG SUMALO SA AKIN.

Alam ko kung sino ang taong iyon, si Joseph. Sayang! Dapat pala ay nalaman ko kaagad na espesyal din pala ako sa kanya. Eh, di sana, kami na ngayon at walang SILA.

Hindi ko na naituloy ang binabasa ko dahil medyo kumirot ang puso ko. Inaantok na rin ako.

Parang 60 minutes lang ang naitulog ko dahil sa sobrang atat kong matapos ang mga ipinagsusulat nya roon. Mabuti na lang at naipagawa ko na 'yung camera ko kaya napagkukuhanan ko na ang bawat page ng notebook na ito.

Maganda talaga siyang sumulat. Pero kahit pangit pa 'yan at kahit mukhang sulat ng babaeng MANOK, pagtityagaan ko pa ring basahin hanggang dulo. Mahal ko kasi, kaya ganu'n. Malala na talaga ang tama ko sa kanya, fatal kung baga.

Nagulat pa ako ng isang page na lang ang pipicturan ko nang tapikin ni Dad ang balikat ko.

Napailing pa siya dahil sa gulat ko.

"Malala ka na talaga, Anak. Pati ang stalker mode mo palaging naka-on." Tumawa lang ako. Ganu'n rin ang ginawa nya.

"Dad, naman. Observer ako. Hindi stalker. Magkaiba 'yun saka ang gwapo ko naman para maging stalker lang." Ganyan ako, eh. Mahilig magbuhat ng sarili kong bangko. Wag kayong makikialam.

"Aba't detective ka na pala ngayon at libre pa. Sige, ituloy mo 'yan at magiging notorious stalker ka ni Belle, anak." Tumawa pa siya ng mas malakas kaysa kanina. Ngayon, makatitiyak na kayo na anak nya talaga ako dahil may proof na, sa kanya lang naman kasi ako nagmana ng kapilosopohan sa buhay.

"Sana, Dad, hindi nya lang ako maging notorious stalker. Sana maging owner nya rin ako para mamahalin ko siya ng higit sa kayang ibigay ng lahat ng tao para sa kanya. Ang hiling ko lang, mahalin niya rin ako at dumating ang tamang panahon para sa aming dalawa." Ginulo ni Dad ang magulo ko nang buhok.

"In the creator's perfect timing, in the right momentum, accurate calculation, average speed and continuous force, everything will be in place. *BANG*" Umarte pa siya na parang nagt-three points sa mini ring sa pader ng kwarto ko.

May ring hanggang sa kwarto ko kasi sinabi ko noon sa sarili ko na 'BASKETBALL ang FOREVER ko.' kaya lang kahit sa bagay na iyon, nasasaktan ako.

Pagpasensyahan nyo na ang mga banat ko dahil alam kong bagong harvest sa maisan. Ganu'n talaga, eh. IN LOVE! Ang bading tuloy nga napag-iiisip ko.

Nakabukas rin ang social networking site ko sa page nya. Pati 'yung mga note nya roon ay sinusundan ko. Kulang na nga lang, masaulo ko na ang lahat ng iyon. Palagi akong tumitingin sa account nya kung may bago ba siyang pictures pero once in a bluemoon lang siya mag-upload at pang-isang taon yata ang cover at profile photo nya. Ayan tuloy, napipilitan akong mang-stolen, imbes na magdownload.

Napakadalang rin nyang magstatus. Hindi rin siya pala reply sa message. Seen-zone queen 'yan. Non-sense naman kasi ang mga PMs ko sa kanya.

DYLAN:

Hi!

5:08 pm Thurs

*Seen 5:10 pm Thurs*

DYLAN:

Anong mas malaki, ang bulsa ni Doraemon o 'yung bag ni Dora?

10:47 pm Sat

*Seen 5:24 am Sun*

Pero 'pag siya ang nagmessage sa akin at hindi ko sinagot at sineen ko lang rin, katakot-takot na dami ng message at karumal-dumal ang post sa wall ko, kaya pati notification ko ay balak nyang pasabugin. Nangyayari lang naman 'yan kapag nagpapahard-to-get ako. Sermon din ang inaabot ko kapag ganu'n ang ginawa ko sa kanya.

Kahit napakakulit nya minsan, alam mong nag-aalala talaga siya sa'yo kaya paulit-ulit siya. 'Yun ang isa sa nagustuhan ko sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay ipinrint ko na 'yung mga picture sa camera ko. May siyam na scrap book na akong nagagawa para sa kanya.

Ang tagal ko na rin palang interesado sa kanya. Dati nga, nagtatampo si Cassandra dahil iginagawa ko daw ng scrap book ang isang babaeng hindi ko lubusang kakilala. Pero ngayong lubusan ko na siyang nakilala, alam ko na kung bakit ginagawa ko 'to, iyon ay dahil matagal ko na siyang MINAMAHAL mula sa 'malayo'. Korni, pero iyon ang totoo.

Kaya pala natutuwa ako kapag inaasar ko siya. Nalilibang ako kapag naiinis siya at ang ganda-ganda nya sa paningin ko kapag beast mode siya, nakasimangot at nakakunot ang noo. Mahal ko na pala siya noon pa.

Ang engot ko lang para hindi agad malaman iyon. Akala ko kasi, trip-trip pa rin ang lahat pero naging totohanan na pala para sa akin. Matagal na akong binabalaan ni Herald tungkol sa mga bagay na pwedeng mangyari pero pinagtatawanan ko lang siya. Ni hindi ako nakikinig sa kanya pawang 'kalokohan' ang lahat sa pandinig ko, ngunit ngayon, ito na pala ng katotohanang dapat kong harapin.

Inabot ako nang hapon sa pag-aayos ng scrapbook na ginawa ko. Pinagtatawanan pa nga ako ni joshua at ni Herald ng makita nila iyon. 'Ang bakla daw ng theme.' Sila nga pala ang pinakaclose kong kaibigan sa sampung iba pa. Sila lang kasing dalawa nag nakakatagal sa akin kapag malakas ang elisi at heplak ko.

"Tumahimik nga kayo!!" Ang pagsaway ko sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagtawa. "Bading na kung bading, eh mahal ko, eh.."

Napailing lang silang dalawa.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon