HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheHi kina Jilyan143, HopelessStranger LhorraineBarrera at steffyeol!! Thanks for the follow, comments and likes!
COMPLICATED 5: 'Game: Do or Die?'
Pumasok na ako sa loob ng court. Saktong-sakto lang ang dating ko dahil iniaabot pa lang ng referee ang bola at nasa gitna na ang mga center. Sino pa nga ba ang CENTER ng Green Hills, hindi ba? Si Jelo at nagulat ako nang makita ko kung sino ang kalaban nila, sila Tjay. Nagtitilian ang mga tao kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Ganoon ka intense ang larong ito pero mas malala ang kabang nararamdaman ko, wala akong pwedeng panigan sa kanilang dalawa dahil isa ako sa technical committee at lalong hindi ako pwedeng pumanig sa isa lang dahil pareho silang importante sa akin.
"Ysabelle, huy, nasa Green Hills na ang bola." Ginising ako nang kalapit ko mula sa malalim na pagkakatulala. Halos malaglag ang ballpen na kapit ko. "Naku naman, tulala ka na naman. Crucial game 'to." Ang paalala niya. Inagaw niya na ang ballpen sa kamay ko nang matantsa niyang nangingimi na iyon. "Ako na nga muna ang mag-score sa third at fourth quarter ka na lang."
Alam na alam kong crucial game ito at bawal ang tatanga-tanga kung ayaw mong mamura ka nang mga taong nanonood pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi mag-isip kung sino ba ang gusto kong manalo. May masasaktan at masasaktan kasi kapag may pinili ako sa kanila. Pareho silang mahalaga sa akin.
"Belle.." Ang sabi nang lalaking bumulong mula sa likuran ko. Mapapatalon pa ako sa gulat kaya nasapok ko siya kaagad pagkalingong-pagkalingon ko.
"Bwiset ka, mamamatay ako sa nerbyos!" Ang nasabi ko na ikinatawa niya.
"Mamamatay ka sa nerbyos o sa pamimili kung sinong kakampihan mo?" Ang ibinulong niya. Kinabahan tuloy ako bigla. Kumuha siya nang bangko at umupo sa kalapit ko. "Sabi ko na nga ba at mangyayari ang araw na 'to, na mamimili ka at mahihirapan ka. Tsk, ang tanga kasi ni Joseph, eh. Iniwanan ka pa kasi niya at sa karibal pa niya. TSK..TSK.. TSK.." Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Ang lalim nu'n, ah.." Ang sabi niya.
"Oo, tama ka." Nahihirapan talaga ako sa kanilang dalawa.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga player sa court. 'Yung dalawa ang nagbabantay sa isa't-isa. RIVAL. Ang saklap naman. Naagawan ni Jelo nang bola si Tjay. Ni hindi ako makareact gaya nang lagi kong ginagawa sa ibang players ng game. Hindi ko talaga alam kung paano magrerespond.
"Thorn between two LOVERS.. You're like a FOOL." Inaasar pa ako nang maigi nitong si Dale. Lintsak na 'to! Naiinis na nga ako sa sitwasyon ko, nambubuwiset pa siya.
Hindi ko napansin na hindi gumagalaw sa harapan namin si Tjay at si Jelo. Masama ang tingin nang dalawa sa kalapit ko, parang manlalamon nang buhay ang dalawang 'to. Sinamaan ko sila nang tingin para itigil nila ang pagtitig sa amin at para bumalik na rin sila sa game. Para kasing mga timang na nakabantay sa akin ang dalawang 'yon.
Iwinasiwas ni Dale ang kamay niya na parang nagtataboy ng aso at tuluyan nang lumayas ang dalawa at nakipaghabulan na sa may hawak ng bola si Jelo. Nasa team kasi ni Tjay ang ball possession. Bago umalis si Tjay, nagbitaw siya nang makahulugang titig na parang nangangahulugang, 'Patay ka sa 'kin, mamaya. Maghintay ka lang.'
Tumawa lang ang kalapit ko pero namumutla siya sa takot. Si Tjay ba naman kasi mismo ang nagbanta kung hindi ka ba naman talaga kilabutan.
----------
Dikdikan ang labanan. Mas mainit pa sa pakiramdam ko ngayon kahit gabi na at nakatutok pa sa akin ang electric fan. Pawis-pawisan rin ako na gaya ng mga player sa harapan namin. Daig ko pa ang nakipaglaro sa kanila.
91/89 Nanalo sila Angelo. Panalo ang Green Hills at nainjury pa si Tjay. Nasprain 'yung ankle nya kaya nasa bench nila ako sa kasagsagan ng fourth quarter. Si Clarisse na ang nagpatuloy ng pag-score dahil alam nyang hindi rin ako makakapagpokus dahil sa lagay ni Tjay.
3 minutes na lang ang natitira noon, panalo dapat sina Tjay kaya lang, nainjury siya kaya wala ng tatapat sa galing ni Angelo.
Pantay ang laban nilang dalawa kaya wala namang lumamang ng malaki pa sa 4 points sa ball game na ito.
"Mahal..." Ngumiti sa akin si Tjay habang nakaakbay siya sa akin palabas ng court.
"Huh??" Tiningnan ko siya at kapit ko pa din ang braso nya. Inaalalayan ko pa rin siya dahil napasama yata talaga ang bagsak nya kanina bukod dun sa sprain na natamo nya.
Umiling lang siya bilang tugon. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad kami. Nakasalubong pa namin si Kasey habang nakayapos ang isang braso sa bagong bihis nyang boyfriend.
"Krishna!" Ang tawag ni Tjay sa kakambal nya.
"Joseph..." Kumaway siya sa Kuya niya at nagthumbs up. "Good Job..." Ang sabi nya.
Napakaclassy talaga ng babaeng 'to. Kitang-kita mo rin ang fashion sense at kasexyhan sa kanya kahit naka-hanging blouse na light green at maong na mini-skirt lang siya. Nakamessy ponytail siya at may sling bag. Prada. Chix na chix ang dating. Dyosa talaga!
Habang naglalakad kami, ni hindi ko maialis sa isip ko ang perpektong imahe ng magkasintahang 'yaon.
Hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Dyosa ang dating nya, ako naman, mukhang napadaang vendor ng tinapa. Classy siya, padaskal ako kung kumilos. Mahiyain ako pero siya, napakaconfident sa sarili, sa bagay, ano nga naman ba ang ikahihiya niya? 'Yung legs nya na kasing kinis ng ulo ni Wally Bayola at kasing puti ng gatas o 'yung kili-kili nyang pangmodel ng Nivea? Sa kahuli-hulihan napabuntong-hininga ako. Kasing lalim ng iniisip ko. Wala talaga akong panama sa kalibre nya. Kung sa brand ng cellphone, orig na Iphone siya, ako naman, 'yung made in China. Ganu'n kalayo ang social status at differences namin, langit at dagat (lupa) ang pagitan.
Napangiti na lang ako kaysa malungkot. Ayos na naman ang lagay nya at masaya ako para sa kanila. Perpekto si Kasey para sa kanya. Bagay na bagay sila.
"Mahal mo pa siya, hindi ba?" Nagulat ako sa tinanong niya kaya napatingin ako sa mukha nya. Nakita ko kung ga'no siya kaseryoso sa sinabi niya at ayoko namang biguin siya sa sagot ko kaya nagsinungaling ako kahit ayokong gawin 'yon.
"Dati 'yun. Nawala na ngayon, salamat sa'yo, Tjay." Ngumiti ako ng pilit na kulang na lang ay kapitan ko na nang kamay 'yung mga pisngi ko para gawing kapani-paniwala. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/41613834-288-k930974.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...