HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheCRUSH 7: 'Sadako'
Hi, ibarrasgirlfriend101! Smile. Always take care!
Nanigas ang mga kalamnan ko nang makita ko ang lalaking pumasok sa pintuan. Tumatawa rin siya na kasing lakas ng tawa ng anak niya. Mag-ama nga sila. Pareho rin ang shape ng mga mata nila kapag tumatawa. HALF MOON.
"Hija, bakit ka natulala. May mali ba sa sinabi mo? Nanghihingi ka lang naman ng kiss mula sa anak ko." Tumawa-tawa pa siya. Nakakahiya. Ang pervert ng labas ko.
Namutla ako. "Sir Edward.." Tumingin siya ng matalim. "Este, Tito Edward pala, mali po ang iniisip nyo, hindi po ako nanghihingi ng kiss kay Jelo kasi po.. *MWUAPP*" Natulala ako. Lecheng Angelo 'to!
"Yes, Dad. Hindi na siya manghihingi sa akin ng kiss dahil binigyan ko na siya." Hinalikan niya ulit ako sa noo at sa dalawang pisngi. Pinaghahampas ko siya ng dalawang kamay ko nung natauhan ako. Ang manyak niya kasi.
"Bwiset ka, hindi naman ako nanghihingi nang ganoon!!" Ang pagmamaktol ko habang pinupunasan ang mga labi ko.
Nakatingin lang si Tito sa amin at pinababayaan niyang mabugbog ko si Jelo. May kinuha lang siya sa cabinet sa kalapit ng T.V. at umalis na rin. Pero bago siya umalis ay nagbilin siya.
"Galingan mo, Angelo. Gusto ko nang fraternal twins." Tumatawa-tawa pa siya habang lumabas sa kwarto. Ang labo naman ni Tito. Ano kayang koneksyon ng kambal?
Pinalo ko naman ang kalapit ko dahil tawa pa rin siya nang tawa hanggang ngayon. Tanga lang, hinayaan niya kasi akong magmukhang manyak sa mata ng tatay niya. Nakakatuwa lang dahil at least magkasundo na silang mag-ama at wala na ang malungkot na aura sa mga mata ni Angelo. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Bumalik na kami sa lamesa at pumwesto ulit sa dati naming ayos bago dumating si Tito.
Hindi kami nagkukwentuhan hanggang sa mainip na ako.
"Angelo..." Ang panimula ko.
"Hohh.." Ang sabi niya habang libang na libang pa ring nakatingin sa kinakain niya.
"Tumingin ka sa akin.." Ayaw pa rin niyang tumingin kaya nilapitan ko na siya. Niyuyugyog ko na ang braso niya pero kain lang siya ng kain hanggang sa nakaisip ako ng paraan para makuha nag atensyon niya.
*sprinkle* *sprinkle*
Winisikan ko siya ng tubig.
At tama nga ang desisiyon ko at nakuha ko kaagad ang atensyon niya.
"Bakit ka ba nambabasa?" Ang pagalit niyang tugon na tinawanan ko lang. nakakatawa kasi talaga 'yung mukha niya parang nalugi.
Inasar-asar ko pa siya hanggang sa tuluyan niya na akong habulin. Paikot-ikot lang kami sa guessroom na para mga sira ang tuktok hanggang sa madulas ako. Napapikit na lang ako at hinihintay na may lumagutok na part sa pwet ko. Inaabangan kong sumalampak ako sa sahig pero naramdaman kong nakatayo pa rin ako. Iniisip ko kung paano ba 'yun nangyari samantalang ang tanging akala ko ay babagsak na ako sa sahig. Pagdilat ng mga mata ko at naaninag ko ang alalang-alalang mukha niya. Akala ko ay tatawanan niya ako pero iba ang naging reaksyon niya kasya sa inaasahan kong mangyayari.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ka nag-iingat! Paano kung nahuli ako at natuuyan kang madulas at napilayan ka?!" Galit na galit siya sa hitsura niyang iyon para siyang leon at kahit anumang oras ay pwede niya akong lapain ng buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/41613834-288-k930974.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
Chick-LitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...