WAKAS

636 32 6
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

WAKAS

This last piece is dedicated to my good friend Patricia Llagas. I hope you'll like it. Love lots! We miss you so much. Always take care.

ON ANNERICHE'S POV

Ilang metro na lamang ang layo ni Dylan sa fiancee' ng hindi na nakatiis ang lalaki sa kalapit na table ni Ysabelle. 

"Hi, Ms.. Ang tagal naman ng hinihintay mo, kung ako na lang kaya ang i-date mo?" 

Sakto namang dating ni Dylan sa napagkasunduan nilang pwesto. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili, 'Bakit ba kasi ang ganda ng magiging Misis ko.' 

"Hoy! Pakitigil-tigilan ang paglalandi sa fiancee ko. Sa isang linggo na ang kasal namin. Don't you dare!" Pinanlisikan niya ng mata ang estranghero at mukhang effective naman dahil paalis na ito ng walang anu-ano ay bigla itong bumalik. 

"Sayang. Kung mas nauna mo 'kong nakilala, Ms., siguro ako ang papakasalan mo." Nanghihinayang nyang sabi. Kung alam lamang niya ang pinagdaanan ng dalawa ay paniguradong ni sa panaginip ay hindi nya masasabi 'yon. 

"Malabo. Dahil kung ikaw at hindi siya ang nakilala ko, paniguradong hindi kita papansinin at hanggang ngayon, NBSB at man-hater pa din ako. Matutupad din ang propesiya ni Jeffry na 40 years old na ako makakapag-asawa. Tara na nga, Jelo!"

Naku, mukhang may pagbabanta sa huling litanyang sinabi ni Ysabelle. Nahintatakutan tuloy si Dylan. 
'Bakit ba kasi naplatan pa ako?! Kainis!' Ang bulong nya sa kanyang isip. 

"Pasensya ka na." 

"Okey lang 'yun. Naexcite lang naman ako kaya ang aga kong pumunta, hindi ka nga late, eh, may 30 minutes pa." Komento ni Ysabelle ng mapansing nahihiya ang kanyang minamahal.

"Hindi ka galit?"

Umiling ang dalaga. 
"Hindi. Why would I? Pero napaisip lang ako sa sinabi nung kumag kanina." 

"Don't tell me, you're breaking up with me at ssama ka sa kanya. Please, don't do this, don't backout, next week na ang kasal natin." Nag-aalala si Dylan na baka natauhan na ang kanyang fiancee'.  Pero taliwas ang iniisip ni Ysabelle sa sinabi ng 'STUPID' Jock nya kaya natawa na lamang siya. 

"Ano ka ba, bakit ko naman gagawin 'yun? Naisip ko lang kung hindi ulit tayo nagkita nung araw na iyon, na akala ko ay napakaraming pangit na nangyari dahil hinika ako matapos mo akong paliparan sa mukha ng shoe rugs. Siguro, kung hindi mo 'yun ginawa dati, kay Tjay nga ako magpapakasal ngayon." 
"Oo nga. Kaya nga thankful ako sa shoe rugs na 'yun. Hulog talaga ng langit." Nalaglag kasi mula sa second floor ng school nila nung highschool. 

"Pero, I'm sure, tayo pa rin ang magkakatuluyan kahit hindi nangyari 'yun." 

"Talaga, Queen?" Ngumuso pa siya. 

"Oo." Pagtiyak ng dalaga. "Nalaman ko 'yun kasi una pa lang pala, gusto na kita kahit nung mga bata pa tayo." 

"Sinong nagkwento?" 

"Si Krishna, may sinabi siya kaya naalaala ko, dapat sa iyo ko talaga ibibigay 'yung hairpin pero kay Tjay ko ibinigay dahil natakot akong hindi mo tanggapin iyon kasi nireject mo ng maraming ulit ang ibang mga bata noon at isa na dun si Krishna. It's incest nga na nagka-crush ako sa pinsan ko, di ba?" Natatawa pa si Ysa. 

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon