HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche'SPECIAL CHAPTER: 'Ang plano ni Krishna Cassandra'
Thanks for the follow!
RhaiynielAnne, AlexaRia, hotmodel01 :)Time Zone: HIDDEN story ito bago maihanda ni Dylan ang garden. Naganap ito ilang oras bago magising si Ysabelle.
ON Angelo's POV
Tinawagan kaagad ko ni Joseph ng malaman niyang ako ang nagsugod kay Belle sa ospital. Walang tono ang boses niya. Malamig pero hindi katulad ng nakakatakot na tono niya sa ibang tao. Kahit naman ganu'n 'yung tono niya, ni minsan ay hindi ako natakot sa kanya. Insecure siguro, medyo.
"Gusto kong makalaro ka sa isang basketball match.." Ang paghahamon nya. Himala dahil sa aming magkakaibigan 'NOON' ay ako ang mahilig manghamon. Siya ang pinakamabait sa amin kaya tameme lang siya pero ngayon, siya na itong naghahamon.
"Call! Wala naman akong gagawin bukas.." Ang sabi ko. Friendly game lang siguro 'to. BASKETBALL 'to, aatras ba ako?
"Sige. Kita na lang tayo sa court bukas.."
ON Joseph's POV
"Ano, Krishna? Masaya ka na ba?" Ang kulit-kulit kasi ng isang ito. Gusto niya talagang makitang muli sa iisang court ang mythical 5.
"Yes, Joseph." Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa pisngi. "Thank you, my dear brother."
"Ano bang binabalak mo?"
"Malalaman mo rin.."
ON Krishna Cassandra's POV
"Malalaman mo rin.."
Palihim na tumingin sa direksyon ko si Joseph. Kapatid ko siya, alam ko pero may isang taong nagsakripisyo na nang matagal na panahon para sa aming dalawa ng kapatid ko.
Ngayon ko lang masasabi ang lahat ng nasaksihan ko, tungkol sa dalawang lalaking pinakahinangaan ko sa buong buhay ko, ang Kuya ko at ang Ex ko.
Si Joseph. Wala siyang katulad. Naspoiled nya ako at mahal na mahal nya ako. Protective at napakamaalaga nyang tao pero ayaw nyang hinahangaan at minamahal siya.
Si Dylan. Wala siyang ginawa kundi unawain at unahin ang iba. Ayaw nya ng patalikod kung lumaban. Pinoprotektahan nya ang lahat ng mga mahal nya pero sa huli, iniiwan nila siya. Para ko tuloy sinampal ang sarili ko dahil sa sinabi ko.
Halos pareho sila ng personality, pati ang babaeng mahal nila ay iisa na rin. Sumpa na yatang maituturing na sa ikalawang pagkakataon ay parehong babae na naman ang minamahal nila. Ang una ay si Ysa at ang ikalawa ay si Belle.
Nakaupo kami ni Joseph sa bench sa garden habang nakatingin siya sa mga bituin at ako naman ay nagmumuni-muni.
"Joseph, gaano mo kamahal si Belle?" Ang biglaang tanong ko. Bigla na lamang iyong lumabas sa bibig ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa alam."
"Ikaw, gaano mo ba kamahal si Dale at nagawa mong ipagpalit si Dylan para lang sa kanya?" Napailing ako. Hindi ko inaasahang ibabalik nya ang tanong ko pero alam ko kung ano ang isasagot ko. Alam nyang laro lang naming ni Dylan 'yung sa amin pero nagkamali kami na paglaruan ang feelings ng isa't-isa dahil may isa sa amin na nagmahal ng iba. AKO 'yun.

BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
Romanzi rosa / ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...