HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche5254 (MAHAL na MAHAL KITA)
Thanks for your support prinsesamoooo! ♡♡♡
JamaicaLimbaga, thank you for adding this story to your list. Hope you'll like it. ♡♡♡TIME ZONE: Fast-forward, isang taon ang nakalipas matapos ng dramatic scenario ni Ysabelle, Dylan at Joseph. Nakapagpagawa na nang bagong mansion si Dylan. Nakatapos na nang isang specialization si Joseph at CEO na rin si Ysabelle ng company nila.
ON Ruth Ysabelle's POV
Binasa ni Jelo ang nasa net. May picture ng dalawang sea otter na magkahawak kamay. Tumingin siya sa akin at hinila ako paupo sa lap nya. Kinapitan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko kaya nakayakap na siya sa akin ngayon.
"Ang cute nila, noh?" Panimula nya.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Cute nga sila pero ang gwapo mo naman." Kinapitan ko ang pilik mata niya, ang matangos nyang ilong pababa sa labi nya."Hoy! SPG ka na!" Kinapitan nya ang kamay ko.
"Maka SPG naman 'to."
"Ayaw mo?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Ayaw mong ikaw ang maging Simply Pretty Girl ko?""Ayoko. Gusto ko ako ang maging sea otter mo." Hinug nya ako.
"Sure at hindi na kita bibitawan pa para hindi ka na makawala, mahirap na baka madala ka pa ng iba."
"Ang sweet naman ng Hudas ko.." Pang-aasar ko.
"Queen naman, pumapayag na 'kong 'Angelo' ang itawag mo sa 'kin tapos tatawagin mo pa akong 'Hudas'." Frustrated na siya nyan.
"Bakit ba ayaw mo?"
"Feeling ko kasi, ang laki ng kasalanang nagawa ko dati. Ipinaaalala kasi sa akin ng pangalang iyon na minahal kita kahit alam kong bawal dahil ang akala ng marami ay magpinsan tayo. Medyo guilty lang ako." Nahihiya nyang paliwanag.
"Ayos lang. Alam mo bang katulad mo ang ideal man ko kahit mga bata pa tayo dati? Ang weird lang kasi hindi ko na pala kailangang humanap ng katulad mo, kasi I finally have you kaya wala ka nang kawala sa akin kahit palitan mo pa nang million names ang pangalan mo." Pinisil ko ang ilong nya. Namula iyon.
"Rudolf the red nose reindeer..." Kumanta pa ako. Naaasar siya pero natatawa na lang dahil sa pinaggagagawa ko. Para kasi akong sutil na bata na nang-aasar sa kapwa ko.
Naghabulan kami sa garden paikot sa buong bahay. Para kaming mga batang sabik sa takbuhan. Hindi namin namalayan ang oras. Ang saya kasi nang araw na ito. Para ngang ayaw ko nang lumubog ang araw kanina pero wala naman akong magagawa dahil natural phenomenon 'yun.
Ilang oras din kaming humiga sa damuhan ng mansion nila. Gusto ko pa sanang manatili kami ng ganu'n pero mukhang alam niya nang nililibang ko lang siya. Nagbabakasakali kasi akong makakalimutan niya ang flight niya. Ayoko kasing umalis siya.
Maya-maya ay tumayo na siya. Sakto namang lampas na ang oras para sa flight niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Itinago ko din ang ticket niya in case na mamalayan niya kaagad ang flight niya.
"Aalis na 'ko.." Ang sabi niya habang akmang kukunin na ang maleta niya.
"Engot pa'no ka makakaalis, eh wala kang ticket?" Ang sabi ko habang nakacross arms at nakataas ang isang kilay.

BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
Literatura KobiecaCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...