143 (I WANT YOU): 'Maling Equation'

261 19 13
                                    

HINDI KITA 'CRUSH '! PERIOD.
©Anneriche

143 (I WANT YOU): 'Maling Equation'

Tumakbo na nang mabilis ang araw at parang wala namang masyadong importanteng nangyari bukod sa General Quiz bee na sinalihan ko. Katulad ng inaasahan, nanalo ako dahil wala namang lumaban sa akin at walang D.J. Lim na lumitaw.

Naging punong abala din ako sa booth ng School of Engineering para sa 'Festival of Schools' sa University namin. Maikli lang ang preparations kaya mas nakakastress. Buti na lang at may Tjay at Dale na palaging naandyan para tulungan ako.

"Joseph, ako na ang bahala sa booth ng first at second year." Ang usal ni Dale. Marami-rami din 'yun dahil sampung participating courses nang Engineering ang kasali. Industrial. Sanitary. Civil. Chemical. Electrical. ECE (Electronics and Communication). Computer. Petroleum. Bio Chemical. Mechanical.

"Okey.. Ako na sa booth ng third at fourth year." Ang tugon naman ni Tjay.

"Teka..." Napatigil ako dahil inilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko.

"Wag ka nang umangal. May registration at fifth year pa. At 'yun na lang ang isipin mo. Kami nang bahala ni Dale dun sa iba. Sigurado naman akong hindi siya papalpak, di ba?" Tiningnan nya ng weird at nakakatakot na tingin si Dale na kahit ako ay mapapatango at mapapasunod. Napakabossy nya talaga sa ibang tao maliban sa akin.

"Oo na, Mahal." Ngumiti siya at nagsimula nang hilahin si Dale para makapagtayo na sila ng 10 booths per year level.

"Hindi kami papalpak. Takot ko lang dito sa boyfriend mo. Baka ipakain ako nito sa alaga nyang leon kapag pumalpak ako." Ang dinig na dinig kong pahabol ni Dale.

Sira talaga ang isang 'yun! Bestfriends sila kaya malabong gawin 'yun ni Tjay sa kanya. Saka hindi siya murderer. Sadyang O.A. lang talaga 'tong si Dale.

Ayun, nakutusan tuloy siya ng kaibigan nya.

Nagsimula naman akong maglakad papunta sa Dean's office para maghanap ng general masterlist ng lahat ng estudyante nang School of Engineering. Mukhang limpak-limpak na sulatin at type-type na naman ito. Buti niregaluhan na ako ni Tjay ng iMac. Gift nya 'yun sa akin dahil daw sa consistency ko sa Dean's Lists. Ayaw ko pa ngang tanggapin dahil masyadong expensive pero ininsist nya dahil kailangan ko raw 'yun saka pera nya raw ang ginastos nya mabili lang 'yon.

Nasa harapan na ako ng Dean's office nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob. Pumasok na rin ako para malaman kung anong sasabihin nya sa loob.

"Mr. Lim..." Ang sabi ni Dean.

"Ninong, ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na 'Gil' na ang apilyedo ko ngayon. Katulong ka pa nga ni Dad sa pagpapalit ko nang surname, di ba?" Humalakhak si Dean. Mukhang alam nya ang sinasabi ng Mokong.

"Sorry, mukhang makakalimutin na talaga ang Ninong mo." Tumatawa pa rin siya.

"Hay, naku.." Napakamot pa siya sa ulo nya.

Nakikita ko sila kasi malapit ako dun sa portion ng office na walang nakatabing na blinds at cabinet lang nakatakip sa kanila. Usisera lang talaga ako. Nag-usap pa sila nang medyo matagal-tagal at napagod na ako sa pag-uusisa kaya aalis na sana ako at babalik na lang sana mamaya kaso may humarang sa akin.

"Ms. Delos Santos!" Ang sabi nya. Nagulat tuloy ako. Para akong may ginawang krimen dahil gulat na gulat ang hitsura ko at hindi ko maintindihan kung tatakbo ba ako o maninigas na lang dun.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon