HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheHindi Kita 'CRUSH' 3: 'Tissue'
"Anong ginagawa mo rito? Di ba dapat nasa America ka pa?" Mariin ngunit nagtatakang usal ni Jelo na narinig ko habang papalabas nang salon. Pagkalabas ko, nasulyapan kong umupo si Kasey sa bakanteng iniwan ko.
Napakaperpekto talaga nilang pagmasdan. Mukha lang silang artista na may L.Q.
Sa labas ng salon, may katapat na isang fast food chain at doon ko napagpasyahang umupo. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mukha nila. Ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon ni Angelo. Karaniwan na lang kasi sa kanya na ngumingiti nga pero malungkot naman ang mensahe ng mga mata niya. But this one is diffent, napansin ko tuloy ang soft side niya. Naisip ko tuloy, baka ibang Dylan Angelo ang nasa harapan ko? Kakaiba kasi siya ngayon. Malayung-malayo kapag magkasama kami.
Hindi kasi siya gentleman 'pag magkasama kami. Pero kapag magkaharap sila ni Kasey, parang nawawala siya sa sarili niya. Parang nagiging malambing siya.
Nakatingin lang ako sa kanila nang may maamoy akong kakaiba.
ALAM NA...
May nag-fart..
Ayoko talaga ng nakakaamoy ng kung anu-ano kaya nangangati na naman ang ilong ko. May asthma kasi ako. Ayoko ng mabaho. Hindi ako makahinga.
"Ha...hachingggg..." napabahing ako pagtayo ko. Maa-out of balance pa nga ako pero salamat na lang at may kumapit sa akin.
"Ikaw?" napatitig ako sa mukha niyang puro laway ko.
Nakakahiya man ang ginawa ko ay hindi pa rin ako makaalis dahil sa higpit ng kapit niya sa braso ko. Nakakatakot na naman ang mga titig niya.
"Sorry.." yun na naman ang salitang tanging nasabi ko pero hindi gaya dati nagkaroon na nang lakas ang kamay ko para makuha ang panyo sa bulsa ko at mapunasan ang gwapo niyang mukha.
"Sanay na ako na palagi mong ginagawang tissue paper ang mukha ko." tumawa siya ng pabiro.
"Sobra ka naman." pabiro ko rin siyang hinampas. Paano ko magagawang gawing toilet paper ang gwapo niyang mukha? Lie... Naala-ala ko tuloy yung una naming pagkikita, its been 5-6 years ago. Nung Grade 6.
"Kamusta ka na, tissue girl?" pagbibiro niya. Tawag niya na sa akin 'yun dati pa simula nung bumahing ako sa harap niya. 'yun ang most embarassing moment ko, ang bumahing sa mukha ng lalaking kinaaadikan ko.
"Okay naman ako. Teka, sinabi mo bang tissue girl?"
"Oo, bakit may bago ba sa sinabi ko?"
"Ayoko na nu'n palitan mo, ang pangit kaya, college na 'ko parang uhugin pa rin." tumawa siya hanggang sa mamula ang buo niyang mukha at ang mga tenga niya.
"Pa'no kung ayoko?"
"Basta baguhin mo!" ang protesta ko.
"Eh, dun na ako nasanay, eh." sa 6 years halos na pagiging magkaklase namin, parang hindi ko pa nga naririnig na tawagin niya 'ko sa pangalan ko. 'tissue girl' lagi ang tawag niya kaya nagtataka palagi yung mga kaklase namin dati na baka may something sa 'tissue' kaya palagi niyang binabanggit.
"Tjay naman." hinampas ko siya ng palad ko. Kaya nagkunwari siyang nasaktan.
"Ouch ang sakit, bakit ka ganyan sa tissue mo.." 'tissue ko' napatingin ako sa paligid namin na nakanganga lang at hinihintay ang susunod na kabanata. Mukhang gusto yata nila akong ka-BANATAN.
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...