Prologue

8.3K 123 0
                                    

Kinagat ko ang labi ko habang matamang kinukuskos ang carrot sa grater, bukas ang telebisyon at mula sa kusina ay dinig ko kung ano ang pinapanood ng dalawang batang kasama namin ni Nanay pero hindi dun ang focus ko dahil kailangan kong matapos ang ginagawa ko para makapagluto ako. The day was Saturday and I needed to cook early even Saturdays because I still had work to do.

Nang maabot hanggang sa ulo ng carrot ay tinapon ko na yun sa trash bin sa tabi ng lababo. We had trash bins inside of our apartment because my children could not go outside just to throw the trashes. Natatakot din ako na baka pumunta sila sa kalsada baka ano nalang ang mangyari. Maaksidente man o makidnap, kahit ano pa man ay kailangan mag-ingat dahil sa panahon ngayon ay hindi na mapagkakatiwalaan.

Hinalo ko ang grated potatoes sa grated carrots at linagyan ko ng cheese. I was making Mac and Cheese as our breakfast for the day.

My children did not like vegetables but they had to eat vegetables. It might tasted bad for them but I made sure their bodies had it that's why I grated carrots and potatoes to mix it with my Mac and Cheese. Nakita ko lang 'to online at pwede palang ihalo. Dapat creative ka, I'd been cooking since I was a teenager and I became a master chef in our own kitchen.

Nang maipasok ko sa loob ng oven ang Mac and Cheese ay bumalik ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ng banyo ay narinig ko na nag-aaway ang dalawang bata dahil sa pinapanood.

"Kung mag-aaway kayo ay papatayin ko ang TV. Mamili kayo, papatayin ko ang TV o tahimik lang kayo habang nanunuod." May pagbabanta kong sabi.

Napanguso si Nillie sa pagbanta. "Pero Mama gusto ko ng baby sharks, ayaw ni kuya." My four years old daughter complained as she pointed her older brother.

"Pero Mama gusto ko ng paw patrol." angil ng isa kong anak.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Nillie. "Nillie, diba gusto mo ng puppies? Puppies naman ang paw patrol kaya mag-eenjoy. Kung ayaw mong manuod ay hintayin mo nalang ako at kakain tayo, diba you like Mac and Cheese?"

"Mac and Cheese!" Her eyes sparkled and jumped gleefully as she heard what I said.

"Magbibihis lang si Mama then kakain na tayo. Ikaw Kamp niready mo na ba ang shoes mo? Aalis tayo."

"Opo Mama." Matamlay niyang sagot pero nakatutok ang mata sa TV.

Pumasok ako sa kwarto namin at nagbihis ng jeans at medyo maluwag na t-shirt na ginawa ko. Kulay pink yun at may daisy flower na nakaprint sa dibdib. Ako ang nagprint nito dahil gusto kong subukan and surprisingly I had a talent on printing the t-shirts. I also knew how to dye t-shirts and I was proud of it because I was able to do it.

"Billie tumawag si Sandy sa cellphone ko, ang sabi ay nasa harap na siya ng shop mo."

"Sabihin mo 'nay hintay lang muna. Papakainin ko pa ang mga bata." sagot ko habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel, nasira ang hair dryer ko dahil may kalumaan na, hindi na pwedeng paandarin dahil sira na yung wire niya. Bigay lang yun sakin pero wala na kaya nagtitiis nalang ako sa towel.

"Baka mainip yun, anak. Ako na ang magpapakain at umalis ka nalang pero huwag kang umalis na walang laman ang tiyan mo." Dinig kong sabi ni Nanay.

Yung tote bag ko ay nakahanda. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagsuot ako ng sapatos at hinanda ang mga gamit ng bata. Agad akong lumabas para pumunta sa kusina pero nandun na si Nanay at sinilip ang Mac and Cheese na hindi pa luto sa oven.

Matagal pa yun maluto kaya sinuklay ko ang buhok ni Nillie at tinalian yun para hindi magkalat. Kulot kasi ang buhok niya at kapag hindi nakatali ay parang binagyohan. Pagkatapos ay sinuotan ko ng sapatos si Kamp at inayos ang sintas, he's five but he still  didn't know how to tie his shoes properly so I just did it for him.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon