Mahina lang ang pagtakbo ng sasakyan ni Oxford sa basang kalsada para iwas aksidente. Kahit ang tagal namin makarating sa apartment ko ay balewala lang yun. Ang importante naman sakin ay hindi kami maaksidente.
Sa kapal ng buhos ng ulan ay nag-aalala ako na baka mapano kami lalo na't maraming mga sasakyan ang nakakasalubong namin. And I felt worried about Oxford too if he wanted to go home with a heavy rain like that. Napahinga ako ng malalim nang makaabot na kami sa harap ng apartment namin.
Lumingon ako kay Oxford at kinalabit siya para mapalingon sakin. "Papasok ako sa apartment para kumuha ng payong. Sa apartment ka lang muna hanggang sa tumila ang ulan. Delikado kapag magmaneho ka sa ganitong lagay ng panahon." Medyo nilakasan ko ang boses ko kasi malakas na nga ang ulan ay malakas din ang ugong ng sasakyan niya.
Napaawang ang labi ni Oxford saka unti-unting tumango.
Napatango din ako sa sagot niya. "Dito ka lang." sabi ko saka kinuha ang coat na nasa ibabaw ng hita ko—yung hindi niya tinapon sa likod. Sinukbit ko rin ang bag ko sa balikat para agad na malabas.
I opened the door and then I threw the coat on the top of my head. Lumabas ako ng kotse niya at agad yung sinarado. Patakbo akong lumapit sa gate para buksan yun. Maingat akong humakbang papasok. Sa kakamadali kong humakbang papunta sa pinto ng apartment ay muntik na akong madulas sa semento. A strong grip captured my arm to stopped me from slipping down on the sloppy floor.
Lumingon ako kay Oxford nang ayusin niya ang coat sa ulo ko. Yung coat niya na tinapon sa likod ay nasa ulo niya bilang panangga sa ulan. Bumuntong-hininga lang ako sa pagsunod niya. Ang sabi ko ay hintayin lang ako dahil kukuha ako ng payong. Mas nabasa pa siya lalo dahil sa pagsunod sakin.
"Let's go." I woke from my deep gaze from him when he talked.
Hindi na ulit ako tumakbo pa para hindi na ako madulas, knowing the slippery floor, it could injure me and I wouldn't like it. Kumatok ako sa pinto para tawagin si Nanay. Nakadalawang beses lang akong kumatok dahil narinig ko ang pagbukas niya ng pinto. Pero nasurprisa ako nang makita si Nillie ang nagbukas ng pinto.
When she saw me she exclaimed. "Mama!" Madungis ang kanyang itsura na tumambad sakin.
She hugged me as she saw me. "Nillie! Nasaan si lola? Bakit ikaw ang nagbukas?"
Nataranta agad ako sa kanya dahil paano kung ibang tao ang kumatok at pasukin ang apartment namin and worst, makidnap. Hindi pa naman mapagkakatiwalaan ang ibang tao ngayon dahil sa pera.
"She's sleeping because she's not okay, Mama." sumbong nito sakin.
"Ah sandali lang. Basa si Mama, Nillie." sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sakin kasi basa ang suot kong pantalon. "Nasaan ang kuya mo?"
"Oh he's sleeping, Mama—"
Hindi natapos ang sasabihin niya dahil napunta sa likod ko ang tingin niya. Kinagat niya ang isang daliri at nahihiyang nagtago sa gilid ng binti ko. Nahihiya akong ngumiti kay Oxford. "Pasensya ka na, ito si Nillie ang bunso ko. Yung isa kong bata ay nasa kwarto namin at natutulog." sabi ko.
Oxford nodded a little then his eyes darted to my daughter. He slightly smiled at her but Nillie was so shy so she didn't smile back to the man.
"Pasensya ka na. Hindi kasi sanay na may bisita dito sa apartment kaya nahihiya."
"It's okay. Kids are kids." he answered.
I motioned my hand to him to get inside to our humble apartment. Sinarado ko ang pinto para hindi pumasok ang malamig na hangin. At home, we didn't have heater but our apartment was concreted and it's cozy enough for all four of us.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...