Kinagat ko ang aking daliri habang nakatingin sa labas ng bintana. Kung may anak man siya ay bakit hindi niya sinabi sakin? Inamin ko naman na may mga anak ako at hindi ko yun ikakahiya dahil yun ang totoo.
"Dahan-dahan lang, Kamp." sabi ko kay Kamp nang huminto ang taxi sa apartment namin at palabas na siya.
Pagkaalis ng taxi ay binuksan ko yung gate para makapasok ang dalawang bata. Naghabulan sila hanggang makapasok sa harap ng pinto ng apartment. Nilock ko muna ang gate bago sumunod sa kanilang dalawa. I unlocked the front door and let them in. Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa kusina at inilagay ang galon ng ice cream sa refrigerator para hindi agad matunaw.
Naglakad ako para pumunta sa kwarto ni Nanay. Narinig ko siyang tinawag ako. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Billie ikaw ba yan?" My mother called.
"Nandito na kami 'nay. Nagugutom ho ba kayo?" tanong ko.
"Pakikuha nalang ako ng isang bowl ng lugaw." Pakiusap niya.
Tumango ako. "Gusto mo bang buksan ko ang bintana?"
"Huwag na. Bukas naman ang ceiling fan." sagot niya.
Sinunod ko nalang sinabi niya. Hindi siya gumamit ng aircon dahil ayaw niya sa amoy dahil nasusuka daw siya kaya siguro ay mas lalo siyang nilagnat dahil dun. Inayos ko lang ang kurtina sa may bintana bago ako lumabas para kumuha ng isang bowl ng lugaw para sa kanya.
Pagdating ko sa sala ay nakita kong tinatanggal ni Nillie ang sapatos niya. "Nillie ilagay mo sa shoe rack yung shoes mo at ilagay mo sa hamper ang medyas mo."
"Okay Mama." sagot nito sa mababang boses.
Sinilip ko si Kamp kung nagbibihis siya sa loob ng kwarto namin. Nakita ko siyang inilalagay sa hamper yung uniform niyang puti. My children knew where to put the white ones so I didn't have to worry about it when it came to separating the white clothes and the colored ones.
Hinayaan ko si Kamp sa loob ng kwarto namin. Naghanda ako para sa tanghalian namin. Una kong pinagdalhan si Nanay ng pagkain niya dahil nagugutom na siya. Nirefill ko rin ang pitchel para may tubig siya. Sunod kong ginawa ay yung mga bata ang inasikaso ko sa pagkain.
"Mama gusto ko niyan."
Napatingin ako kay Kamp nang nginuso niya ang lugaw.
"Mama meeee too." Then the sister also suggested.
Bumuntong-hininga lang ako at binigyan sila ng lugaw. Pero kaunti nalang yun dahil yung iba ay kay Nanay ko binigay. Para hindi sila mag-away pareho ko sila binigyan kahit kunti lang, curios lang naman sila kung ano ang lasa kaya humingi sila. Si Kamp ay naubos niya yung l popugaw pero si Nillie ay hindi niya naubos. Gaya-gaya lang siya sa kapatid niya pero hindi niya kayang ubusin yung pagkain na hindi niya naman gusto.
Natapos kaming kumain na yung dalawa lang ang dumadaldal. Hanggang sa makapagpahinga ako sa sofa ay tahimik lang ako. Hindi maalis sa isip ko yung nakita ko sa may eskwelahan. Hindi man malabo na magkaanak si Oxford sa ibang babae dahil sa taglay niyang itsura. He might looked like a bad boy but I knew he's not that bad at all.
Kung inamin niya lang sakin ang totoo ay hindi naman ako matuturn-off. Aside from that, I wasn't a judgy person, I knew how to handle and understand the situation whatever it was.
"Personal na buhay niya yun, baka pribado lang siyang tao." bulong ko sa sarili dahil ang lalim ng iniisip ko tungkol kay Oxford. Ang hirap niyang alisin sa utak ko.
Huminga ako ng malalim para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ako makapaniwala na umusbong yung pagkirot sa dibdib ko nang maisip na mayroon siyang babae noon sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...