Totoo nga ang sinabi ng mga bata na hindi maganda ang pakiramdam ni Nanay dahil paggising niya ay hindi parin siya bumangon dahil ang bigat daw ng ulo niya na parang kapag tumayo siya ay umiikot ang kanyang paningin kaya hindi ko lang muna siya pinababa pa para makapagpahinga.
Ako yung nag-asikaso sa mga bata pagsapit ng gabi. When I tucked my kids in our room, I also left them to go to my mother's room. I wanted to check on her before I fell asleep. Pagpasok ko ay nakaharap si Nanay sa bintana at nakapikit ang kanyang mga mata. Nakahiga siya. Kumain din naman siya kahit kunti lang.
"Nay, wala na ba kayong kailangan?" tanong ko nang makapasok sa silid niya.
Tumikhim muna si Nanay. Nagkaroon na siya ng ubo, maaaring nagkaroon din ng trangkaso. "Wala na." sagot niya sa magaspang na boses. "Yung mga bata, tulog na ba?" tanong niya.
"Tulog na si Nillie. Si Kamp hindi pa."
"Mayroon ka daw dinala na lalaki dito? At may tatu?"
"Hindi naman ho siya masamang tao. Si Oxford lang po yun yung palaging naghahatid sakin dito sa apartment kapag nagkikita kami."
Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Nanay bukod narin sa sakit niya. Kumunot lang ang kanyang noo. "Sigurado ka bang hindi ka nililigawan ng tao na yun?"
Agad akong tumanggi. "Hindi 'nay." tipid kong sagot.
"Hmm, kung hindi man ay sana respetuhin ka nalang bilang babae na may mga anak."
Tipid akong ngumiti at tumango kay Nanay. "Alam naman ni Oxford na may mga anak ako 'nay." Paulit-ulit nalang namin 'to na usapan dahil paulit-ulit lang ni Nanay tinatanong sakin na baka daw nililigawan ako ni Oxford.
Wala namang may pinapakitang motibo ng panliligaw sakin si Oxford. Isa pa sino ba ang magkakagusto sakin na mayroon akong dalawang bata. Hindi naman mababaw na tao si Oxford kaya mas pipiliin nun ang babaeng walang anak at mayaman at maganda.
Pagkatapos kong kausapin si Nanay ay lumabas na ako ng kwarto niya. Pinatay ko lang ang ilaw na nasa kisame bukas din naman ang lumang lampshade niya na matagal na niyang hindi pinapalitan ng bago. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay chineck ko muna ang mga bintana at pinto kung nalock ko na. Pinatay ko ang ilaw sa sala at kusina at hinayaan ang ilaw sa labas para hindi madilim sa apartment namin.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay naabutan ko pa si Kamp na gising. Nakayakap siya sa cushion na kinuha niya sa sala. Humiga ako sa gitna nilang dalawa. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang ibinagsak ang ulo ko sa unan.
"Tulog na Kamp, may school ka pa bukas." Mahina kong sabi sa kanya para hindi magising si Nillie.
Humarap siya sakin. "Mama, who's that guy from earlier?" he asked, he sounded so curious.
"He's a friend, Kamp."
"He has tattoos, Mama."
"Were you scared of him earlier?" I asked.
Surprisingly, he shook his head with a pouted lips. "No but... a little maybe? But he's not so scary at all. He seems nice, Mama."
Ngumiti ako sa kanya at tinabing ang buhok na nasa noo niya. "Hindi siya masamang tao pero kahit na kilala siya ni Mama ay hindi niyo parin siya kilala kaya okay lang na kausapin niyo siya pero huwag kayong sasama sa ibang tao lalo na't hindi niyo kilala okay?" bilin ko sa kanya.
He nodded curiously.
Kahit inimbita ko na si Oxford sa apartment namin ay hindi parin siya kilala ng mga bata. Even male friends of mine couldn't be trusted when it came to my children. Mabuti pang yung mga kaibigan kong babae na nasa tabi lang ng shop ko dahil kilala ng mga bata simula noong maliit pa ang mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/357557160-288-k854257.jpg)
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...