Binalak kong dalawin ang Threads sa araw na yun pero si Nanay ang nagsabi sa akin na siya nalang daw muna ang bahala sa shop. Nawala sa isip ko yung tanging kabuhayan ko. Mabuti nalang at si Nanay ang nagboluntaryo na mag-asikaso para makapagpahinga daw ako ng maayos mula rito.
Dalawang oras lang kami ng mga bata sa apartment ni Farren dahil kailangan din niyang umalis saglit dahil dadalhin pa sa doktor si lola Aneng para sa check-ups nito.
Para hindi na kami makaistorbo pa ay umalis na ako kasama ang mga bata para umuwi sa apartment namin.
Nakaupo ako sa silya sa kusina nang lumapit sakin si Kamp sakin at umupo din sa tabi ko. Iniwan niya si Nillie na mag-isang naglalaro sa sala.
"Oh, bakit ka nandito? Ayaw mo na bang maglaro?" tanong ko habang sinusuklay ang nakatabi niyang buhok sa kanyang mga mata.
Umiling siya bilang sagot. "Kailan pupunta dito si Papa, Mama?" tanong niya sa maliit na boses.
"Hmm, mamaya." I said.
He cocked his head on the side. "Anong mamaya?"
"Mamayang hapon. After nap niyo ni Nillie."
He pouted his lips and then his eyes moved in any directions, he's thinking. That's how he thought—with lips pouting and eyes liked searching for words in any directions he across upon.
Then he smiled with his lips pursed together. "Okay."
Tumaas ang isang balikat ko sa pagtawa sa ginawa niya. He was so cute. I pinched his check softly then combed his hair.
"Gusto mo bang kumain? Ano bang gusto mong kainin natin?" tanong ko.
"Can we have chicken nuggets, Mama?"
I chuckled as I saw how he made cute faces. "Of course. I'll grant that just for this once."
His nose wrinkled when he smiled widely. "Yes! Thank you Mama!" sabi niya.
I nodded and then I kissed his cheek. Tumayo kami at umalis sa kusina para samahan si Nillie sa kanyang paglalaro.
Nang hapon ay naunang gumising si Kamp. Naging aktibo siya ng sabihin ko na dadating ang Papa niya sa hapon. Isang oras lang ang tulog niya pagkatapos ng tanghalian namin. Sobra siyang excited pero hindi ko lang siya pinapakialaman dahil siguro sabik sa ama kaya siya nagkakaganun.
Nang marinig namin ang ugong ng sasakyan sa labas ay biglang dumagundong ang puso ko. Sumilip ako mula sa bintana.
He's finally here.
Inayos ko ang manipis na puting kurtina ng bintana saka tinawag si Kamp. "Kamp, nasa labas na si Papa." anunsyo ko.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa kagalakan. Agad niyang iniwan ang nilalarong laruang eroplano sa sofa saka tumakbo papunta sa may pinto. Hindi yun nakalock dahil paggising namin pagkagaling sa pagtulog ay sinarado ko lang ang pinto para mabuksan ni Kamp.
"Dahan-dahan lang baka madapa ka." I warned him.
Agad akong naglakad papunta sa likod ng apartment namin para tignan kung makalat. Wala naman akong nakitang basura na pwedeng itapon, mga sinampay lang namin na damit ang nasa likod.
"Papa! You're here!" I heard Kamp exclaimed.
"Hey my prince." I heard the baritone voice of his father. "Where's your Mama and sister?"
"Nillie is still sleeping and Mama... I think she's at the backdoor cleaning."
I felt proud of Kamp's answer. That kid of ours was smart. Pumasok ako sa may kusina at nakita silang papalapit sa akin. Binuhat pala ni Oxford si Kamp. Nagkalapit agad sila. Hindi na nahihiya sa kanya si Kamp. Mabuti nalang at hindi nahirapan si Oxford na kunin ang loob ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...