Isang malutong na tawa ang narinig ko mula sa mga taong nasa labas ng shop na nag-uusap. Isa na doon ang nakita ko ay si Sack. Mga customer niya siguro ang kausap niya dahil nandoon siya. Hindi ko naman kilala ang mga taong yun kaya maaaring customers niya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paggunting sa sleeve ng dress. Mahaba kasi ang sleeves ng dress na nirerepair ko, ang gusto ng customer ay sleeveless daw para maiba naman. Habang nagrerepair ako ng dress ay wala na akong narinig na ingay sa labas. Pag-akyat ng tingin ko sa labas ng shop ay wala ng mga tao.
Huminga ako ng malalim at nagpokus sa pagtatahi para may matapos. Naging productive naman ako sa araw na yun dahil mga apat ang natahi ko at mabuti nalang ay kinuha na. Alas tres ay nasa counter na ako at kinukwenta ang kita ng shop ng araw. Umabot din ng limang libo, sobra pa dahil may coins din akong pinabayad para may pansukli ako.
Bago ako umuwi sa apartment ay sinabi ko kay Nanay na bibili nalang ako ng pagkain sa Skantxu para hindi na siya magluto. Nakita ko kasing busy siya sa trabaho sa restaurant kaya alam ko na hindi na siya makakapagluto pa. Ang sabi ko sa kanya ay huminto nalang sa restaurant para makapagpahinga na siya.
Hindi na biro ang edad niya dahil nasa sixty na siya, nagrereklamo na nga siya sa arthritis niya kaya huwag nalang niya hintayin yung bonus sa December kasi matagal pa yun.
Nasa Setyembre palang naman at may tatlong buwan pa siya, eh paano kung lumala yung arthritis niya at hindi siya makalakad agad? Hindi na siya makakapagtrabaho pa. Kaya plano ko talagang pahintuin si Nanay sa pagtratrabaho sa restaurant para makapagpahinga na siya. Relax nalang sana siya ngayon para hindi ako mag-alala sa kanya.
Pag-uwi ko ay kumain din kami agad dahil nagugutom na ang mga bata at hindi nila kayang maghintay pa ng matagal. Mabuti nalang at may binili akong Chile Verde na isang special na menu sa Skantxu, ininit lang ni Nanay ng tatlong minuto saka nagsandok ng kanin sa mga plato ng mga bata at sa amin.
"Dahan-dahan sa pagkain, Nillie. Mainit pa yan." saway ni Nanay kay Nillie nang hablutin nalang nito ang kutsara para isandok sa kanin.
Hindi naman naituloy na isubo ang kanin ni Nillie. "Nagugutom na po ako." Matamlay na sabi nito kay Nanay.
"Hipan mo muna para hindi mapaso ang dila mo. Iiyak ka na naman kapag mapaso ka." sagot naman ni Nanay sa malumanay na boses.
Umupo ako sa tabi ni Kamp para narin kumain. Pinagmasdan ko ang mga bata sa pagkain. Nanlulumo ako kapag nakikita ko silang lumalaki, gusto ay hanggang bata lang sila pero excited din akong makita ang paglaki nila at kung ano ang gusto nilang gawin.
Nang makatapos kami sa pagkain ay sumunod ako sa mga bata sa banyo para linisin ang kanilang mga katawan at para narin maghanda na sa pagtulog. Sabay ko silang dalawa lininisan. Si Kamp ang inuna kong punasan at si Nillie naman ay sunod. Sinuklay ko ang kanyang kulot na buhok bago siya kinarga papasok sa kwarto namin.
"Sigurado ka bang wala kang homework, Kamp?" tanong ko kay Kamp habang tinutulungan sa pagbihis.
Umiling siya at napangiwi. "Tapos na po ako."
"Good. Pray muna bago matulog." sabi ko at hinalikan siya sa noo.
Sinablay ko ang tuwalya na ginamit nila sa likod ng pinto ng banyo. Bumalik muna ako sa kwarto namin at pinatulog sila. I read them their story book. Si Nillie ang unang nakatulog at natulog din si Kamp pagkatapos ng ilang minutong pakikinig sa pagbasa ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakita si Nanay na nanunuod ng paborito niyang drama sa TV. Umupo ako sa single couch.
"Nay."
"Hmm?"
"Hindi ka pa ba hihinto sa restaurant?" Yun agad ang tanong sa kanya nang makaupo ako.
Gusto ko na siyang huminto sa pagtratrabaho para naman hindi siya madala agad sa sakit na inaaray niya tuwing uuwi siya mula sa trabaho. Yung malalim na buntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...