Tinapos namin ni Nanay ang pag-uusap tungkol sakin at kay Oxford. Iniligpit ko na yung container na wala ng laman, ako lang ang nakaubos nun kasi kunti lang ang kinain ni Nanay. Hindi naman mahilig si Nanay sa ganung matatamis gaya ng cakes o fruit salad. Okay lang sa kanya yung mga kakanin gaya ng puto at kutsinta.
Nagulat nga ako dahil naubos ko yung isang container, hindi din ako mahilig nun pero okay ng naubos ko kaysa sa hindi makain. Yung mga bata ay hindi din pwede na kumain ng masyadong matatamis. Nahihirapan nga akong pakainin sila ng gulay kaya pinagbabawal ko sa kanilang kumain ng matamis o maalat.
May junk foods kami sa aparador pero minsan lang namin binubuksan kung pati kami ni Nanay ay kumakain para hindi lang sila ang makaubos. Yung mga bata kasi ang bilis kumain ng sweets o di kaya ay junk foods na maalat pa pero pagdating na sa kanin o tinapay ay ang hina na lalo na kapag gulay ang pares.
That's why I became so creative when it came to my cooking because of my children.
Iniligpit ko na lahat na mga kalat sa kusina pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Naabutan ko na natutulog ang dalawang bata. Napailing ako at bumuntong-hininga hininga sa posisyon ng dalawa. Tinanggal ko ang braso ni Kamp na nasa leeg ng kapatid niya, baka hindi makahinga yung kapatid niya nun.
Naglagay ako ng unan sa pagitan nila para hindi sila magkalapit. Minsan kasi ay nagkakasipaan na ang dalawa habang tulog. Kaya palagi akong nasa gitna para matantiya ko yung mga kalikotan nila habang tulog.
Iniisip ko talaga na kapag mabili namin ang apartment na'to ay pwede akong magpaayos. Pwede pa kaming magdagdag ng isa pang kwarto o kahit dalawa man, magpapadagdag narin kami ng isa pang floor para maluwag sa baba.
Nagbihis ako ng pambahay. Inilagay ko sa hamper yung damit na sinuot ko mula sa lunch kanina para malabhan ko kapag nakapagpahinga na ako ng maayos. Naglatag ako ng isang folded foam mattress sa sahig at kinuha ang isang unan na ginawa ko. Ipinikit ko ang aking mga mata pero patulog na saka ako nang gumalaw si Kamp.
"Mama?" he called me.
"Nandito ako sa baba, Kamp." sagot ko at mahinang pinagpag ang kama.
Umupo siya mula sa higaan namin at inaantok na hinanap ako. Binaba niya ang kanyang mga paa at tumalon sa akin. Sinalo ko siya at napahiga din sa tabi ko.
"Where have you been, Mama?" he asked almost like a hoarse whisper against my chest.
Niyakap ko siya at itinanday naman ang isang paa niya sa tiyan ko. "Sa restaurant kasama ang kakilala ko." sabi ko at nagtanong ako. "Ano bang kinain niyo kanina ng kapatid mo, hmm?"
"A fish?" sabi nito, halatang inaantok pa pero pinilit lang na sumagot.
Hinimas ko lang ang likod niya at hindi na ulit nagtanong para makabalik siya sa pagtulog. Mag-aalas dos pa lamang ng silipin ko ang oras sa cellphone ko. May magagawa pa sana ako kung hindi lang ako inaantok gaya ng gawaing bahay pero linggo naman ngayon at gusto kong magrelax. Ayokong abalahin ang sarili ko sa ibang bagay.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ay ang bigat na ng pakiramdam ko, yun pala ay dalawang bata na ang halos pumatong sakin. Pareho silang nakayakap, parang mga takot na baka umalis na naman ako. Si Nillie ay lumipat pala siya sa amin at tulog pa. Ganun din si Kamp.
Pagsilip ko ulit sa oras ay alas tres bente na. Hindi na ako inaantok pero hindi ko pa gustong bumangon kaya nanatili lang muna ako sa higaan. Paggising ni Kamp ay bumangon na kami pareho. Hindi ko ginising si Nillie para hindi magyamot kung sakali. Kaming dalawa ni Kamp ang lumabas.
Paggising ni Nillie ay saka ko sila binigyan ng ice cream para hindi mag-away. Si Nanay ay iniwan muna kami para pumunta sa kapitbahay. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya doon sa bahay, siguro ay magtsitsismisan naman.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...