Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Katahimikan ang bumalot samin ilang segundo lang ang nakalipas nang magtanong siya sakin kung saan ako galing. I just simply answered him about about my work but I didn't really tell him I was at work and I was going home.
"You're quiet. Are you okay? Masakit pa ba ang balakang mo?" Pagbasag niya sa katahimikan.
Agad akong umiling sa kanya at sinagot siya. "Hindi na masyadong masakit. At ganito lang talaga ako, tahimik." simple kong sagot.
He chuckled as he bit his forefinger in an appealing way. "That's good to hear." he answered. "Anyway, hindi mo ako tinawagan. Naaresto narin ang driver na nakasagi sayo. Buti nalang at hindi na yun maglalasing pa dahil nasa kulungan na siya. I didn't get your number, by the way."
"Ah sorry nakalimutan kong tawagan ka. Busy lang ako sa trabaho." sagot ko.
He slowly nodded. "Busy din ako pero may time parin akong makinig sa boses mo."
Nakapagtaas ako ng kilay sa sinambit niya. Parang may nagrambulan sa tiyan ko. Umiwas lang din ako ng tingin pero sumagot naman ako.
"Hindi ko dinadala ang calling card mo kapag nasa trabaho ako kasi kapag nasa trabaho na ako ay nandun na talaga ang atensyon ko."
I told him the half lie and half truth. I lied 'bout his calling card. Palagi yung nasa bag ko dahil doon ko sinuksok para hindi mawala. Baka kasi may importante akong kailangan sa kanya, tanungin o ano lang kaya tinago ko yun pero hindi ko talaga nahahawakan ang calling card niya kapag nasa trabaho na ako dahil kanina lang ay nasa monitor ang tingin ko.
Marami din akong customer na inentertain. Maraming nagpapatahi kaya paano ko nga ba maiisip yung calling card niya.
"I see. But call me when you have time. Let's have some nice dinner at the nearest restaurant nearby. May alam akong restaurant na magugustuhan mo." sabi niya.
Tumango ako. Dinner lang naman at walang malisya. "Kapag may free time ako."
"Kapag? Sa gabi kita susunduin."
Nag-isip ako. Kapag gabi kasi ay marami pagod na ako nun palagi at baka wala na akong time para icheck ang homeworks ng mga bata. Gusto ko kasi ay wala silang maiwan na homework para kapag pumasok ulit sila kinabukasan ay handa na nilang ipacheck yun.
"You know, may iba din akong ginagawa kapag gabi sa apartment namin. At hindi din ako pwedeng mahuli ng dating sa apartment."
Kumunot ang noo niya at kinagat ang labi niya. "Well then, sabihin mo nalang sakin kung kailan ka may free time. Kahit breakfast o lunch sabihin mo lang sakin basta may free time ka."
"Sure. Sasabihin ko agad sayo."
"Thanks." Malawak na ang ngiti niyang sagot.
Huminto siya sa pagmamaneho sa tapat ng gate namin. Agad akong bumaba para hindi na siya bumaba pa para pagbuksan ako. Dati ay okay lang yun dahil mayroon naman akong sakit sa bewang. Pero okay na ako. Sinarado ko ang sasakyan niya. He also got out from his car, leaving it open and he pocketed his hands in two pockets of his shiny gray slacks.
He really looked like a business man or a lawyer because of his suit. Sa ilalim ng suot niyang sleeveless cover na shiny gray din ay may puting long sleeves shirt siyang suot. And his shoes were so shiny black too.
"I'm sorry sa curiosity ko ha pero ano nga bang trabaho mo?"
Malutong siyang napatawa na parang nang-aakit, parang sinadya niya. Isang daliri ang ginamit sa pagkamot sa itaas ng kilay niya na nakatingin sa semento bago nagtaas ng tingin sakin at binalik sa loob ng bulsa ang isang kamay na inangat.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...