Maraming tao ang may tatung dragon sa braso at hindi lang siguro si Oxford yun. Isa pa ay madilim sa parte sa bar na pinuntahan namin kaya imposible. Pero may posibilidad dahil ang sabi ni Farren mukhang mayaman daw ang kasama ko ng gabing yun.
Kung si Oxford nga ay ano nalang ang gagawin ko?
Pero mukhang malabo yun.
Pero paano nga kung siya?
Mabait na tao si Oxford at alam ko na hindi niya kami sasaktan. Pero kung siya nga ay paano ko kaya sasabihin sa kanya? Kung hindi naman siya ay malayo pa ang tsansa na makilala ko ang ama ni Kamp.
Pinilig ko ang ulo ko sa nakakalitong palaisipan. Nahihirapan akong hanapin ang lalaking yun. Yung sinabi ni Farren tungkol sa taong yun ay si Oxford lang ang tangi kong naiisip.
Nang sumunod na araw ay pumasok ako sa shop na dala parin yung mamahaling relo ni Oxford. Tinapos ko na yung uniporme na pinapatahi niya para sa inaanak niya. Siguro anumang oras ay kukunin niya na yun. Binalotan ko yun ng plastic para hindi madumihan at ipinasok sa paper bag.
Hindi muna ako nagsimulang magtahi. Nanatili lang ako sa loob ng opisina. Kinuha ko ang relo ni Oxford mula sa bag ko. Habang nakatingin ako doon ay hindi ko maiwasang mamangha sa desinyo ng relo. Sa loob ay nakaukit ang pangalan niya.
He must be so talented that he created a beautiful thing such as this Oxford watch.
I sighed.
Kinuha ko ang cellphone ko. Tinago ko sa maliit na pocket sa loob ng bag ko ang relo para hindi mawala saka inilagay ang bag sa likod ko. I searched on Google the Oxford Jewelry. Mabilis naman lumabas ang napakaraming impormasyon tungkol dito. Ang sabi sa isang artikulo ay siya mismo ang nagdedesinyo ng mga pinapalabas niyang alahas. Mula sa mga pambabaeng accessories hanggang sa mga lalaki.
Oxford was named as the first youngest jeweler who became billionaire under thirties. Nakakamangha siya dahil sa edad niya ay nakuha niya ang ganung titulo. He's just thirty years old and I thought there's still more opportunities ahead waiting for him to grab it.
Tinanggal ko ang tingin sa cellphone ko nang may kumatok sa pinto ng opisina.
"Bakit?" sagot ko.
"Miss Bill may naghahanap ho sa inyo dito." boses ni Tin ang narinig ko.
Pinatay ko ang cellphone ko at ipinasok yun sa bag bago ko pa man makalimutang hindi ipasok. Minsan kasi ay nakakalimutan ko yung ipasok sa bag at ilang beses narin akong nawalan ng cellphone sa pagiging makalimutan ko.
Lumabas ako ng opisina at mahinang napasinghap ng makita ko si Oxford na naghihintay sakin. Nasa tabi siya ng sewing machine at nakaupo. Parang hindi siya komportable pero tinitiis niya lang para makaupo ng maayos.
"Oxford! Mabuti at dumating ka ngayon, hinihintay kasi kita." Masigla kong saad.
Napatigil siya at parang nanigas sa kinauupuan ng sabihin ko yun. Parang nabigla ko yata siya. My eyes snaked to his neck. It's obviously red and I didn't know why.
Paglapit ko sa kanya ay tumikhim siya. "Hey, salamat sa pahintay mo sakin." Mahinahon niyang sambit.
Malawak ang ngiti ko ng sumagot. "Okay lang no, nga pala dala ko ang relo mo. Nakakatakot na dalhin yun dahil mukhang mamahalin at kapag mawala yun ay baka hindi ko mabayaran." Natatawa kong biro sa kanya.
He waved his hand which was sitting upon his knee. "No it's okay. I actually don't have an intention to get it."
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong at umupo ako sa harap ng sewing machine.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...