Tumunog ang bell sa pinto nang pumasok ang customer namin. Mula sa ilalim ng aking pilikmata ay nakita ko kung sino ang pumasok. Napangisi ako sa babaeng pumasok. I turned off the machine and then adjusted the cloth on the table.
The woman was wearing a beautiful pencil cut style red dress and a red heels. Her hair was tied in a clean bun. She looked like a rich woman but we knew that she's not wearing an expensive dress.
Nang makita ako ni Farren ay agad siyang lumapit sakin. Farren was Santina's schoolmate and friend pero hindi sila minsan nagbabonding dahil may trabaho siya na medyo malayo sa tinitirahan niya, kapitbahay ko siya pero hindi kami madalas magkita. May binaba siyang plastic bag na ang laman ay ipaparepair yata.
"Hi Farren, anong atin?" tanong ko na sumandal sa monoblock chair na kinauupuan ko. "Tin bigyan mo nga kami ng isa pang monoblock, salamat." sabi ko kay Tin na nakatayo sa tabi nito ay may isa pang monoblock chair na bakante at binigay yun kay Farren.
"Hay salamat." sabi ni Farren at umupo. "Slacks ko yan na hindi na nagagamit. Papagupitan ko sana yan yung hanggang tuhod lang para maging pambahay ko, sayang kasi." sagot niya.
"Oo naman. Ilang piraso ba ito?" tanong ko saka kinuha ang plastic bag na may laman. Ako na ang nagbukas para kunin ang slacks niya na pinapaputol.
"Dalawa lang yan pero bukas ko na sana kukunin kasi may interview pa ako."
"Interview? May bago ka namang trabaho?" Nakakunot-noo kong tanong.
She sighed dramatically, her hand clasped upon her chest. "Oo. Yung una ko kasing trabaho ay biglang nagsara ang factory, tapos yung sideline ko sa Avon ay hindi gaanong malaki ang sweldo, kakalas nga ako sa membership kasi ako na halos ang nagbabayad ng mga hindi marunong magbayad. Hay, naku ang hirap na talaga ng buhay ko ngayon." saad niya na halos mamroblema na sa paghahanap ng trabaho.
"Eh yung trabaho mo sa call center, ano bang nangyari." tanong ko habang itinataas ang slack niya para tignan agad yung dapat putulin.
"Apat na buwan lang ako doon dahil ang manyakis ng isang kasamahan ko doon na lesbian."
"Ang ganda mo kasi—gusto mo lagyan natin ng maliit na slit sa gilid sa bawat legs part?"
"Huwag na close lang yan" sagot niya tungkol sa slacks. "Pero alam mo naman na ganito ako manamit at syempre maganda ako." May halong pagyayabang niyang sabi.
Lahat ng kababaihan sa loob ng shop ay napatawa sa sinabi niya, pati yung naunang customer na pumasok ay napatawa sa kanya.
"Oo na. Pero ganyan talaga ang panahon ngayon, ang hirap na. Kapag makapasa ka sa interview mo ngayon ay bumalik ka ulit dito para may maibilita na may trabaho ka na ulit."
"Sure babe." she said and standing up from her seat. "Mauna na muna ako, bukas ko na yan kukunin." sagot niya at binuksan ang bag na dala. "At babayaran ko na yan ngayon bago ko pa magastos ang pera ko, magkano bang dalawa?"
"Bigyan mo nalang ako ng sixty." Mabilis kong sagot.
Gulat siyang napatigil sa paghulakay ng wallet niya. "Seryoso ka?"
"Oo okay na yan."
"Siguro ka ha, salamat Bill." sagot nito at binigyan ako ng sixty pesos para sa bayad niya.
Umalis na siya nang makabayad siya dahil may lakad pa pala siya. Inilagay ko lang muna sa tabi ang kanyang pinapaputolan na slacks para tapusin ang una kong ginagawa. Alas dos ay nakatapos ako sa tinatatahi ko. Uminom muna ako ng tubig bago sumabak ulit sa panibagong tinatahi. Mabilis ko lang pinutulan ang slacks ni Farren at mabilis na tinahi, linagyan ko ng butones sa gilid para may desinyo at para magandang tignan.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...