Yumuko ako habang papasok sa Threads. Hindi ko pinansin ang tingin nina Sandy. Dumiretso lang ako sa loob ng opisina ko at mabilis na kinuha ang aking bag. Kumuha ako ng tissue paper para ipunas sa basa kong mukha at maging sa leeg. Sinuklay ko ang buhok ko dahil medyo nagkalat na ito.
Sinukbit ko ang bag at lumingon sa pinto pero hindi ko pa man nahahawakan ang seradura ay bumukas ito at pumasok si Oxford na humahangos ang hiningang tumingin sa akin.
Kaya ako umalis sa harap nila dahil nahihiya ako, nahihiya ako sa kanya. Sa lahat ng tao sa mundo siya ang nakasama ko sa gabing yun at ano man ang gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang panahon na yun.
"Billie. Can we talk?"
Hindi ako tumingin sa kanya. "Pwede bang huwag muna ngayon? Gusto kong umuwi. Gusto kong magpahinga."
"Yeah I'll give you that but please let's talk for a moment. It's about us."
Matalim na tingin ang ginawad sa kanya. "Bakit alam mo na ba? Ang sabi ng mga kaibigan ko ay hinahanap mo daw ako? Para ano?"
"Hindi ko pa alam yun. I swear, Billie! Si Phinneas ang nagsabi sakin at kung hindi ako lumapit sa kanila ay hindi ko pa malalaman!"
Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa nagsusumamo niyang mukha. I just couldn't look at him because I everytime I looked into his eyes all I could see was my son. Nang makompirma nga na siya ang ama ni Kamp ay nakikita ko na si Kamp kay Oxford kaya hindi ako makatingin ng diretso at hindi din nagtatagal ang tingin ko sa kanya kapag nakaharap na ako sa kanya.
Nailabas ko ang pagkabigla nang harapin niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa magkabila kong balikat. Pinaharap niya ako sa kanya at hinanap ang mga mata ko.
"Listen Billie. I tried searching for you the day I realized that it's wrong not to talk to you. The night after something happened. Umalis ako agad ng makatulog ka dahil hindi ko kayang harapin ka. I was broke and I didn't know what to do until I changed my mind. Nagsisisi ako ng hindi kita ginising o hinintay na magising. I was stupid—"
Tinaas ko ang aking kamay at tinapat sa kanyang bibig. His wetted lips glued on my fragile fingers.
"Huwag na nating pag-usapan pa yan Oxford. Nakaraan na yan at kahit anong gawin natin ay hindi na natin maibabalik pa yun."
"But I want to explain! I want to tell you what's my reason when I didn't show my face to you all of the sudden."
Umiling ako para magmakaawang hindi na niya sabihin pa yung gusto niyang sabihin. Umalis ako sa harap niya at gumilid. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko at kahit gustong umiyak ay pinigilan ko lang. Ayokong umiyak sa harap niya.
"Billie we need to talk about this." Humarap ulit siya sakin.
Naiinis kong sinuklay ang buhok ko. "Mag-uusap tayo pero hindi ngayon, naiintindihan mo ba?! Hindi ko muna gustong kausapin ka ngayon!" sigaw ko.
Napatigil siya at nagulat nang masigawan ko. Kinagat ko ang dila ko dahil nakonsensya ako bigla nang sigawan ko siya pero hindi ko na mababawi pa yun. Kahit pa man magsorry ako ay nasigawan ko siya.
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. He caressed his stubble roughly and frustratedly.
Hinayaan niya akong umalis sa shop ko. Iniwan ko siya sa loob ng opisina ko. Siguro naman ay wala siyang gagawin doon. Tinext ko lang si Sack na siya lang muna ang mag-asikaso sa shop ko. Sumakay ako ng taxi pauwi. Hindi alam ni Nanay na uuwi ako. Hindi din ako sinundan pa ni Oxford. Mabuti na yun kaysa naman makita niya akong hinang-hinang sa harap niya.
"Nay?" tawag ko sa kanya.
"Billie?" sagot niya.
Lumabas siya mula sa likod na may dalang mga damit, hindi ko tiyak kung marurumi o malinis. Sinilip niya ako at takang naglakad palapit sakin.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...