Chapter 05

3K 61 0
                                    

We settled between the two tables in the very corner of the restaurant, nasa itaas na parte siya pero dalawang hagdan lang naman ang kailangan akyatan para makarating sa mga lamesa.

Sa gilid ay magsyota at yung nasa malapit na sa hagdan ay dalawang babae—pero yung tatlong babae ay nakatingin sa kanya, yung nobyo ng isang babae ay seryoso sa pagkain pero walang kaalam-alam na sa iba nakatingin ang nobya niya.

Pumwesto na kami ni Oxford, ang liit ng pwesto para sa kanya na parang higante na dahil sa tangkad at laki. Mabuti nalang at kasya pa siya sa silya na inukupahan niya.

Lumapit ang server at inabot samin ang menu. Binuklat ko yun at tinignan para mamili. I heard Ox cleared his throat. Napatingin ako sa kanya mula sa itaas ng menu.

"What's the best seller here?" he asked while he's still scanning his eyes on the menu.

Napatingin ako ulit sa menu. Mayroon silang best seller, yung pinakasikat nilang pagkain pero kada Lunes at Martes lang ang menu na yun. "Mayroon pero kada Lunes at Martes lang. Personal favorite ko yun dito." sagot ko.

"I see. Let's just order what's on the lists." he said coolly.

Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa menu para mamili. Nang magbalik ang server ay pinadalhan kami ng malamig na tubig na nasa bote at baso atsaka niya tinanong kung ano ang gusto namin. When the server rushed off to get our orders, Oxford looked around the restaurant like he's examining it for the second time around.

"It's surprising that most older people are inside and younger people are outside. Ganito lang ba talaga dito?" he asked, crashing his curiosity.

I shook my head and folded my hands together. "Hindi naman. Kapag walang pasok ang mga estudyante kinabukasan ay dito sila sa alley na'to tumatambay mula sa kabilang streets."

"Kaya pala. Ilang beses palang akong pumunta dito. One of my guys' recommended me this place because he's hanging out sometime here after work hours."

He meant his friend. May mga kaibigan talaga siya pero parang ayaw niyang bigkasin kanina na mga kaibigan niya. Siguro ay masyadong mang-asar ang iba kaya ganun nalang ang reaksyon niya kagaya sa manners ni Easton.

"There's something I like this alley that's why I'm working here. Kahit maraming tao kada gabi ay masaya parin. This area, is the hang-out area as most people like younger ones choose to gather up and have fun."

"Dito ka ba naglalagi dati noong nag-aaral ka pa?" He tilted his head, asking me with his charming smile.

"Hindi. Pinapagalitan ako ni Nanay kapag pumupunta ako dito para makipagkita sa mga kaibigan. Ang rason niya lang sakin ay palagi naman kaming nagkikita." Natatawa kong sagot, naalala ko kasi noong university days ko na ayaw ni Nanay na umaalis ako ng apartment namin tuwing gabi.

He chuckled then rubbed his forehead again. Napansin ko na ilang beses niyang ginawa yun. I thought that's his mannerism pero may naalala ako sa kanya na palagi ding ginagawa ang pagkamot sa itaas ng kilay gamit ang daliri.

Sina Skim lang ang palaging nasa street na'to dahil napaka-independent niya noon. Their parents died early when she's seventeen and Santina became their only guardian because she's eighteen at that time, may mga kamag-anak naman sila na nasa tabi lang ng bahay nila dati pero hindi sila inaasikaso, nang magkatrabaho silang magkapatid ay saka lang sila kinikilala ng kanilang kamag-anak.

"Pinapagalitan ka pa talaga ha? Paano ngayon yan at gabi na, hindi ka ba pagagalitan?" he teased.

Umiling ulit ako, nakangiti ako habang nakatingin sa table cloth. "Nagtext ako sa kanya kanina." sagot ko saka nagtaas ng tingin.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon