Chapter 37

2.2K 50 1
                                    

Dalawang linggo na ang nagdaan nang makita ko sa personal si Cassidy Reyes. Nakaahon narin ako sa sinabi niya noong araw na yun. Agad akong nakabawi mula dun dahil inisip ko na kung magpapadala ako sa sinabi niya ay baka makababa sa akin.

Yung nangyari na yun ay hindi ko inilihim sa mga kaibigan ko. Mabuti nalang at tahimik lang silang nakinig sa akin habang sinasalaysay ko ang lahat ng yun.

Sinabi ko rin sa mga kaibigan ko na may relasyon kami ni Oxford. The two youngest sisters of Santi's weren't looked surprise because they said they're expecting it base on Oxford's action. Basically, they just based on the man's action. Ganun katalim ang pang-obserba nila.

Pagdating ko sa loob ng maliit na opisina ko ay nakahinga ako ng maluwag. Isinandal ko ang sarili sa silya. Kahit matigas ang sandalan ay tiniis ko para maipahinga lang ang likod sa kakayuko kanina.

Maaga palang akong pumunta sa Threads para makabawi sa ilang araw ko noong nakaraang linggo na wala ako. Mula umaga hanggang hapon ay nakayuko lang ako at nagtatahi. Umayos ako ng upo at pinukpok ang aking likod gamit ang nakakuyom na kamay para mawala ang pangangalay nito.

Naglakad ako papunta doon sa may bintana at tumingin sa labas. Maliit lang ang ginawa kong siwang para hindi masyadong makita ng ibang tao sa labas na may tao sa loob.

It's was a glorious Thursday because the sun was aiming down on Earth. Hindi ako lumabas dahil mainit. Mabuti nalang at pinaayos ko ang air-condition sa shop para hindi kami gumamit na ng ceiling fan dahil nadadala ng hangin ang aming mga tela at naiistorbo ang trabaho namin dahil dun.

Inayos ko ang kurtina ng matapos ako sa pagsilip sa labas. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at kinuha ang bag para kunin ang cellphone. Pagtingin ko ay may nakita akong dalawang message mula kay Oxford ang isa at yung isa ay sa isang customer ko.

Inuna ko muna ang kay Oxford. I read his text message. He's just asking if it's okay if could take the kids with him at his house. Sampung minuto ng nakalipas ang mensahe niya. Agad ko itong nireplayan dahil baka naghihintay siya sa reply ko.

Billie:
Pwede. Huwag mo lang masyadong pakainin ng matatamis.

Sabi ko sa text message ko sa kanya.

Sunod kong binuksan ay ang mensahe ng customer ko at nireplayan. Bago ko pa man masend ang mensahe sa customer ay may reply na agad si Oxford sakin.

Oxford:
Got it.

Oxford:
Can I fetch you later? Let's dine at your apartment. I'll buy dinner for us.

I shrugged my shoulders. I sent the text message first to my customer before I typed another reply for him.

Billie:
Ikaw ang bahala.

Yun lang ang sabi ko saka ko binaba ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Nanatalili muna ako sa loob ng opisina bago nagpasyang lumabas para maglinis. May isang nirerepair na pants nalang ako at matatapos na ako sa pagtahi.

"Madam alis na po kami." Pagpaalam ni Sandy.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat Sandy sa pag-aayos. Ingat kayo. Bukas naman ha, maaga tayo." Paalala ko sa kanila.

Tumango sila at nauna ng umuwi kaysa sakin. Naiwan ako sa Threads dahil naglinis pa ako sa loob ng opisina ko. Yung ibang natapos ng tahiin at dapat palang kunin sa susunod na araw ay ipinasok ko muna sa loob ng opisina para hindi magkalat sa labas ng opisina.

Narinig ko ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng Threads. Saktong nakasabit na ang bag ko sa aking balikat nang sunduan ako ni Oxford. Bumaba siya mula sa kotse niya. Kinuha ko ang susi ng shop at pinatay ang ilaw sa loob bago lumabas.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon