Mga lagpas bente minuto yata ang tinagal ko sa loob ng kwarto bago ako nagdesisyong lumabas para silipin ang mag-ama. Pagbalik ko doon ay nakita kong nakatayo na si Oxford at hinihele ang anak niya na nasa braso. That sight made my heart skipped a beat.
Nakadantay ang mukha ni Kamp sa isang balikat niya at nakatalikod siya paharap sa labas ng bintana. Si Ares ay nakita kong pahiga na sa sofa pero hindi siya natutulog kundi ay nagcecellphone lang.
Kahit mahina ang mga yapak ko ay napalingon ko parin si Oxford dahil sa katahimikan. Sobrang tahimik na kasi kaya narinig niya ako na papalapit sa kanya.
"Where is your room?" Mahina niyang tanong.
"Nandun." turo ko sa isang maliit na pasilyo sa kaliwang bahagi ng apartment.
Inunahan ko na siyang lumakad para hindi siya malito kung nasaan ang kwarto namin ng mga bata. Binuksan ko ang pinto at hinayaan siyang makapasok sa maliit naming kwarto. Tumingin muna siya sa silid namin. Mabuti nalang at walang nagkakalat na mga gamit namin o damit na sa sahig.
Malinis ang buong kwarto dahil bago ako umaalis ng apartment ay naglilinis muna kami para hindi magulo at mas masakit sa ulo ang umuuwi kang may kalat kaya hindi talaga kami nag-iiwan ng apartment na makalat.
Dahan-dahang binaba ni Oxford si Kamp sa kama. Tinukod niya ang isang tuhod sa ibabaw ng higaan para mabalanse ang pagyuko niya. Inayos niya ang kumot sa dalawang bata. Napahinto pa siya ng masilayan ang mukha ni Nillie. Parang may dumaan na kung anong hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mukha nang makita niya si Nillie.
Hindi ko alam kung ano yun pero parang may mali.
Pero kahit ganun ay unti-unti yung nalusaw. Sinuklay niya ang mga buhok ng dalawang bata. Pati si Nillie ay sinasama niya sa paghaplos sa pisngi o kung ano pa ang ginagawa niya kay Kamp.
Bumuga ako ng hangin saka umupo sa paanan ng kama. "Oxford." bulong ko.
He replied a hum.
Hindi niya inalis ang tingin sa dalawang bata.
"Hindi sa pinapaalis ko na kayo... pero nag-aalala ako kay Ares. Baka makatulog siya at mahirapan kang gisingin ang bata. Mukha kasi siyang pagod dahil galing pa naman sa eskwelahan. Hindi ba pwedeng magpahinga lang muna kayo—pwede naman kayong bumalik bukas kung gusto mo at... payag akong ipasyal mo ang bata basta tatawagan mo ako kung may problema."
Hindi siya sumagot sa huling sinabi ko. Ewan ko kung nagbibingi-bingian lang siya o ano pero nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Ayoko ding maging bastos sa kanya pero kapag hindi siya sumagot sakin ay sasabog na naman ang inis ko sa kanya.
Umayos siya ng upo at lumingon sakin. Tinignan niya muna ako bago sumagot. "Will be back tomorrow. And uuwi din kami but... lemme have at least sixty second before I go out from this room. I want to see my son and his sister first before we go home."
"Okay." Marahan kong sagot sa request niya.
Naisip ko na bumalik lang muna sa sala para may kasama si Ares doon pero nahuli ni Oxford ang kamay ko kaya hindi ako nakatayo.
"Stay." he requested.
I obliged.
Binalik niya ang kamay na nakahuli sa akin sa noo ni Kamp. Sinuri niya ng mabuti ang itsura ng anak. Parang minememorya niya ito. Panakang tinitignan din si Nillie at sinasapo ang kulot na buhok nito.
Pagkatapos tignan ni Oxford ang mga bata ay tumayo narin ito. Sumunod naman ako sa pagtayo para maihatid sila ni Ares sa labas ng apartment. Pero bago yan ay inayos ko muna ang paang nakadantay kay Nillie. Napangiti ako dahil sa kalikotan ni Kamp sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...