Epilogue

3.7K 68 0
                                    

Habang inaayos ko ang baon ng mga bata ay panay ang tingin ko sa orasan kung huli na ba ako sa pagbukas ng shop o ano. Madaling araw na akong nakatulog dahil hindi ako masyadong nakatulog sa sobrang excitement.

Ngayong araw ay bukas na ng branch ng Threads sa kabilang street. Kahit papaano ay nakabili din ako ng pwesto para sa isa kong shop. May plano pa akong bumili ng pwesto para sa isa pang branch pero hindi pa sa ngayon dahil abala pa ako sa ibang bagay.

Inaasiko ko din ng mabuti ang mga bata, sa pag-aaral nila at sa pagpapalaki. I knew I wasn't doing it alone but I loved my kids and I wanted to be with them throughout their growing process. Hands-on mom ako kahit may pinapatakbo akong shop. Pero katulong ko naman ang nanay ko sa pagbantay.

"Mama can I use my pink shoes today?"

Lumapit si Nillie sa akin at pinakita yung bagong pink shoes na bili ni tita Olga sa kanya.

"Kahapon mo pa yan sinusuot, Nillie. What about the yellow ones?"

"But Mama! It's dirty."

Huminto ako sa pag-aayos ng baon nila ng Kuya niya. "Nillie, huwag maarte diba sabi ko sayo ay huwag mo yung gamitin kasi susuotin mo pa yan mamaya?"

She pouted while looking at her pink shoes. "But I want to wear these Mama."

Bumuntong-hininga nalang ako saka walang nagawa kundi ang pumayag nalang. She jumped in happiness when I nodded to agree. Napailing nalang ako at itinabi sa lamesa ang kanilang lunch box. Hinanda ko na rin ang kanilang bags at chineck kung may mga basura pa ba o may kulang na gamit.

"Auntie Billie, can you tell Uncle to get me earlier this noon? We don't have classes this afternoon so I wanna go home early." sabi ni Ares nang bigla nalang siyang sumulpot sa gilid ko.

"Oh sige, ako na ang bahala sa Uncle mo." sabi ko.

"Thanks." he said with a small smile.

Hindi nga siya showy gaya ng sabi ni Oxford pero mabait din naman na bata. But sometimes he got annoyed because of his godfather. Palagi kasi nitong tinutukso sa kapitbahay naming kasing edad lang din ni Ares. Hindi ko nalang sila sinasaway dahil bonding din naman nila yun.

Lumipat muna kami sa apartment ni Oxford na ibebenta lang din niya kapag matapos na yung renovation sa apartment namin. Pinakiusapan ni Oxford ang landlady namin na bilhin nalang ang apartment namin agad namang pumayag dahil malaking halaga din ang naipundar namin ni Oxford para sa apartment ko.

Pero yung apartment namin ay ako mismo ang nagbayad sa lahat ng halos at ipinangalan sa akin. At si Oxford ay nag-offer na iparenovate yung apartment para maging komportable din kaming apat nina Nanay at ang mga bata.

Sinabi ko kasi kay Oxford na hindi namin pwedeng iwan ang apartment namin dahil may memorya din kami doon ni Tatay. Ayaw niyang mahiwalay sa tirahan namin sa tatlong dekada kaya agad na naintindihan ni Oxford kung bakit ayaw ko ring mahiwalay kay Nanay.

Kapag mahiwalay si Nanay sa akin ay sino nalang ang mag-aalaga sa kanya? Wala siyang kasama sa apartment saka ang mga bata ang nagpapasaya kay Nanay kaya hindi ko talaga siya iiwan.

Limang buwan ng nirerenovate ang apartment namin. Hindi ko alam kung bakit ang tagal, ang sabi ng project designer ay mahigit isang taon daw ang pag-renovate sa apartment namin kaya mayroon pang ilang buwan bago kami lumipat.

Ang mansyon naman ni Oxford ay binenta sa kaibigan niya since kasama naman namin siya sa apartment kaya sayang ang mansyon niya kung walang may titira kaya binenta nalang niya at para rin mapunta ang pera sa renovation kahit pa man pwede siyang gumastos sa renovation na hindi galing sa pagbenta ng kanyang mansyon.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon