Yung kaba ko ay umaabot na hanggang sa utak ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagbanggit ni Nanay sa pangalan ng pinsan ko. Alam ko na darating ang araw na magpapakita siya dahil sinungaling siya na hindi siya magpapakita.
Pero ano ang pakay niya? Bakit ganito nalang ang kaba ko na parang lalabas na ito mula sa aking loob.
"Ano bang pakay niya 'nay? Hihingi ba siya ng pera?"
"Hindi anak, pero kaninang umaga siya pumunta dito para tanungin kung nasaan ang bata. Ang sabi ko lang ay nasa eskwelahan at sinabi ko sa kanya na huwag tayong guluhin." sagot niya.
Si Nillie mismo ang tinutukoy ni Nanay na bata dahil ito ang anak ni Mariza. Pero kapag magtangka siyang kunin ang bata sakin ay makikipaglaban ako. Marami din akong witness sa ginawa niyang paglubay ng bata.
"Kukunin niya ba si Nillie sa'tin? Baka nakakalimutan niya na ni ayaw niya ngang silipin ang bata noong balot na balot pa ito ng lampin." Mariin kong sabi, nangangalaiti ako sa galit. Parang gusto ko siyang suntukin.
"Hindi ko alam pero ang sabi niya ay dadalaw daw siya dito bukas dito para kausapin ka." Inabot ni Nanay ang braso ko. "Kausapin mo siya anak. Papapuntahin ko dito si Skim kung gusto mo ng kasama pero ayokong humarap ulit sa kanya dahil baka matantiyahan ko siya. Kanina ay hindi lang ako nakabawi ng sabihin niya sakin na hindi niya anak si Nillie—"
"Ano?!" I shouted.
Shock, mad, hate, and sadness became one inside of me. I almost teared up in front of my mother when I heard something that made my heart clenched.
"Anong sabi mo 'nay?! Anong hindi anak?!" Nag-hihisterya na ako sa harap niya.
"Shh, huminahon ka Billie. Pati ako nga ay nagulat sa sinabi niya yun dahil hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin alam ito, Billie." Matigas niyang sagot.
Namumula na ang pisngi ko sa sobrang galit kay Mariza. Kung alam ko lang ang address niya ay baka sumugod na ako sa kanya at sampalin ko siya ng ilang beses, at suntukin ng ilang beses hanggang sa mapagod ako at gumaan ang pakiramdam ko.
"Paano niya yun nasabi 'nay? Wala ba siyang ibang sinabi? Bakit?"
Ilang ulit na bumuntong-hininga si Nanay para pakalmahin ang sarili niya. Wala siyang sakit sa puso pero alam kong nahihirapan ang puso niya dahil panay ang hinga niya ng malalim.
"Billie, maniwala ka sa hindi, yun ang sabi niya sakin. Tinanong ko siya kung gusto niyang bisitahin ang bata, ang sagot niya sa akin ay bakit daw niya bibisitahin ang hindi niya kaano-ano. Nalito ako sa sinabi niya kaya pinaulit ko ang sinabi niya, at yun ang sagot niya, na hindi niya anak si Nillie, na hindi daw natin kadugo ang bata."
Tumalikod ako kay Nanay dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Mabuti nalang at wala si Oxford sa apartment namin. Talagang hinintay pa ni Nanay umalis si Oxford dahil yun pala, seryosong bagay ang pag-uusapan naming dalawa.
"Hindi ko alam kung ano ang tingin sa'tin ni Mariza kung bakit niya ginawa yun. Yung bata pa naman ang ginamit niya para lang magkapera, illegal ang ginawa niyang yun hindi ba? Paano kung may naghahanap ang tunay na kadugo ni Nillie?"
Umiling ako. Hindi ko alam.
Iniisip ko palang na may tunay na mga magulang si Nillie at baka hinahanap nga siya ay sumisikip ang dibdib ko. Bakit nagawa ni Mariza ang lokohin kami?
Pinunasan ko ang aking luha bago humarap kay Nanay.
"Anong oras daw ba siya pupunta dito 'nay?" tanong ko.
"Hindi ako sigurado pero ako lang muna ang pupunta sa shop bukas. Dito ka muna hanggang hapon para hintayin mo si Mariza. Hindi tayo sigurado kung anong oras siya darating dito para makipag-usap sayo." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...