Chapter 14

2.3K 56 0
                                    

Inihang ko ang aking damit na isususot bukas para sa lunch date namin ni Oxford. It's a friendly date like I always reminded to myself every time I wondered what's the deal between me and Oxford. Friendly date lang yun at hindi na yun lalagpas pa. Tiyak ako.

Nakita kong nagkalat ang mga laruan nina Kamp at Nillie nang lumabas ako mula sa kwarto namin at naglakad papunta sa sala. Namewang ako at tinawag ko sila.

"Kamp! Nillie! Ano naman itong mga laruan niyo, diba ang sabi ko sa inyo ay huwag niyong iiwan lang na nagkakalat sa sala? Baka umuwi na si lola niyo at makitang nagkakalat ito dito sa sala." Mariin pero marahan lang ang bawat inilabas ko na salita.

Mula sa kusina ay patakbong lumapit si Kamp sakin at nagsorry. "Sorry Mama. Nagutom po kami kaya kumain kami." paliwanag ni Kamp. Maamo ang kanyang mukha at hindi ko naman maiwasan na hindi umamo dahil sa kanyang itsura.

"Hala tawagin mo si Nillie at sabay nitong linisin ang mga laruan niyo para kapag dumating si lola ay hindi makalat itong apartment natin." sagot ko pero hindi ko binaba ang pagtaas ng kilay ko para makita niyang istrikta ako sa kanilang dalawa ng kapatid niya.

"Nillie!" Bumalik siya sa kusina para tawagin ang kapatid niya.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Ngayong Sabado ay kasama ko ang mga bata sa bahay. Si Nanay ay sasaglit sa Threads para hindi na ako pumunta pa doon. At dahil hindi naman ako umalis ng bahay ay ako ang nakatoka sa paglinis ng apartment at tanghali na akong naligo.

Kinabit ko ang tuwalya sa likod ng pinto pero hindi pa ako nagsimulang maligo dahil tinignan ko muna ang dalawang bata sa sala. Nakita ko sila na nililigpit ang kanilang kalat.

"Huwag kayong lumabas okay?"

"Okay Mama." si Kamp lang ang sumagot dahil si Nillie ay pumasok sa kwarto namin.

Saka na ako nakaligo nang ilock ko ang pinto sa front door para masigurong hindi sila lalabas. Sigurista ako kaya kahit sabihin na huwag silang lumabas dahil mga bata sila at kapag tinamaan ng kakulitan ay talagang gagawin ang ipinagbabawal.

Mabilis lang akong nakaligo dahil inaalala ko ang mga bata na baka ano na ang ginagawa sa labas kaya nagmadali ako. Agad din akong nagbihis. Shorts lang at plain white t-shirt ang suot ko saka ginamit ko ang tuwalya para ikuskos sa buhok ko at ng matuyo. Wala akong hair dryer dahil nasira ito sa kalumaan. Suklay nalang ang gamit ko habang nagpapatuyo din ng buhok.

"Mama are we going to eat now?" Nillie asked me, she's clinging on her Barbie doll I bought for her.

"Hindi pa. Magluluto pa si Mama. Anong gusto mo?"

"Fried chicken!" she exclaimed excitedly.

I shook my head, not approved by her answer.

"Kahapon chicken din ang kinain natin. Hindi pwedeng every day tayong magchichicken." sabi ko sa kanya.

Namatay ang excitement sa kanyang mukha pero sinabi ko sa kanya na next time para hindi siya mabido. Paglapit ni Kamp sa kusina ay agad din itong umupo at tinanong kung ano ang kakainin namin. May binili kaninang umaga si Nanay na pusit at yun ang lulutuin ko. Mayroon din akong leftover rice na hindi namin naubos kaya ginawa ko nalang na sinangag para ganahang kumain ang mga bata.

My kids loved fried rice. Kahit itlog at beans lang ang sahog ay ayos na. Pero dahil creative nga ako sa pagluluto ay nilagyan ko ng butter at vegetable oil ang ginamit ko. Nag-mince din ako ng broccoli para isahog. Nagsakripisyo pa akong bumili ng broccoli kahit mahal.

Kada putahe na niluluto namin ni Nanay ay may greens para kahit kunti lang ang makain ng mga bata ay may nutrisyon din silang nakukuha sa gulay. Pagkatapos kong lagyan ng pagkain ang plato ng mga bata ay kumuha din ako ng plato para sakin.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon