Chapter 17

2.4K 63 1
                                    

Bumuntong-hininga ako sa asal ni Kamp. Minsan kapag may bisita kami ay hindi siya tumatakbo nalang papunta sa kwarto namin. Uminom ako ng gatas at binaba ang mug.

"Pasensya ka na sa inasal niya. Hindi siya ganun. Siguro ay natakot lang ng kunti sa tatu mo." biro ko.

Unti-unti siyang napalingon sa akin na may pagtataka pero ilang saglit lang ay napalitan ito ng blankong ekspresyon. Kinuha niya ang mug niya. Hindi niya yun hinipan at itinungga niya yun agad sa bibig. He jerked his lips from the rim of the mug. His expression was tumbled back with bitterness.

"Maybe." he answered after a couple of minutes then he threw his shirt overhead and then he buttoned it but he left two buttons open.

"Bakit hindi mo ginamit ang banyo. Sana naman nagbanlaw ka. Baka magkasakit ka, Oxford."

Yung buhok niya kanina ay medyo nabasa pero natuyo na ito dahil sa pagkuskos niya sa tuwalya sa ulo niya.  Medyo basa ang ibabang parte ng pants niya pero yung sapatos na suot ay hindi masyado kasi leather naman ang sapatos niya at hindi basta-bastang napapasukan ng tubig o kahit pa man ipis ang pumasok ay hindi talaga ito makakapasok.

Nang umupo si Oxford sa harap ko ay hindi ko agad maialis ang tingin sa kanya dahil sa kanyang seryosong mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero sa mga sandaling yun ay nag-alala ako sa kanya kung ano ang iniisip niya.

Naputol lang ang pagmasid ko kay Oxford nang lumabas ulit si Nillie na may nakahawak na ng troll doll niya. I smiled at her and I called her. Nagtago siya sa may dingding pero kalahati ng katawan niya ay nakikita ko. Napalingon ulit si Oxford.

"Hi." It's Oxford.

Nahihiyang ngumiti si Nillie pero nakasilip siya mula sa dingding.

"Nillie, come say hi to Mr. Oxford." I encouraged her to come out from hiding behind the wall.

"She's so shy." Oxford continued.

Grinning, I stood up. "Ngayon lang yan mahihiya pero kapag makita ka niya araw-araw ay baka hindi ka na niya tantanan." sagot ko.

Napahinto ako nang sagutin niya din ako. "You mean, I could come here at your apartment whenever I want? Is that an invitation? Because I'd come here again whenever I have the free time to come over."

Umiling lang ako saka pilit na pasiglahin ang mukha ko at peke akong napatawa. Iba ang pagkakaintindi niya. Kinabahan ako sa sagot niya dahil kapag dumalaw siya ay baka iba na ang isipin ni Nanay.

Lumapit ako kay Nillie. Yumakap agad siya sa hita ko at sinuklay ko ang buhok niya. "Ba't ang gulo ng buhok mo anak, kunin mo ang suklay mo doon at panali para taliin natin ang buhok mo." sabi ko habang sinasapo ang kanyang buhok.

Sinunod naman niya ang sinabi ko dahil tumakbo siya hawak parin ang laruan niya. Pagbalik ko sa lamesa ay bumalik ako sa pwesto ko. Sinundan ako ng tingin ni Oxford. Bumalik na naman ang init sa mukha ko nang mahuli siyang nakatingin sakin pero hindi siya nag-iwas ng tingin.

"Motherhood suits you, Billie. Sayang at hindi kita nakilala ng mas maaga pa." he prompted and his tone was different and his eyes blew some shadow in it.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at pinagkrus ang aking mga braso.

He copied what I did. He also crossed his arms against his chest. "Nothing. Just thought about it." he answered but based on his tone. I knew there's meaning behind it.

Nang kunin ko ang aking mug ay naramdaman ko na hindi na masyadong mainit ang aking gatas kaya tumungga ako sakto naman na pagbaba ko ng tasa ay lumabas si Nillie na may dalang suklay. Pinunasan ko ang itaas ng labi ko.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon