Kasabay ng paglapit ko kay Easton para kunin ang bata ay lumapit din si Oxford sa kanya, hindi parin inaalis ang masamang tingin nito sa kanya. Nanghihingi ng tulong si Easton sa aming dalawa ni Oxford pero mukhang hindi siya tutulungan ni Oxford dahil nang-iigting pa ang panga nito.
Pilit akong ngumiti kay Easton at hinawakan ang braso ni Kamp. "Pasensya na Easton, lahat kasi ng nakikita niya na lalaking naka-suit ay tinatawag niyang Papa."
Napahinto siya saglit sa pagsalita. He blinked but his hands were still standing up in the air. "Oh." Realization came upon him.
I slightly nodded at him then I softly grabbed my son's arm. "Halika ka na, Kamp. Nakakahiya kay Mr. Easton—"
"No! He's my Papa okay!"
Parehas kaming tatlo ay nagulat sa sinabi ni Kamp. Mas nanigas si Easton dahil mahigpit na kumapit sa kanya si Kamp.
I sighed.
This was just the episode of Kamp's stubbornness. He's just a kid and he didn't know what he's saying. Hinawakan ko siya ng mahigpit para kargahin. Napaangat ako ng tingin kay Easton, nagmamakaawa akong tumingin sa kanya para tulungan akong maialis si Kamp mula sa pagkakahawak mula sa kanyang hita.
"Kamp hindi siya ang Papa mo, huwag matigas ang ulo." Mariin kong sabi. Nagtitimpi lang ako na hindi siya masigawan dahil maraming tao sa may kalsada at yung iba ay nakatingin na samin.
Hinawakan naman ni Easton si Kamp para matanggal yung kamay ng bata sa kanyang binti pero panay ang tingin ni Oxford sa kanya at nakakuyom ang kanyang kamao. Huwag naman sana niyang suntukin si Easton sa harap ng maraming tao. Nakakahiya na.
"H-Hey kid, you see... I'm not your Daddy, okay. Just go to your Mom and be a good boy, 'kay?" Marahan na sabi ni Easton. Napatingala si Kamp sa kanya. Unti-unti ay pumalahaw ng iyak ang bata.
I heard some whispers about my child and Easton. Nahihiya ako para kay Easton dahil hindi naman niya kasalanan na lumapit sa kanya ang bata kaya pinaghihinalaan siyang walang kwentang ama sa paningin ng iba. I knew Easton was not the father of my child. It's my fault that my kid grew up fatherless.
"Halika na, uuwi na tayo." bulong ko kay Kamp at pinilit na tanggalin ang pagkakayakap niya kay Easton.
"NO!" My son cried hardly.
Bumuntong-hininga ako pero hindi ako sumukong kunin siya mula kay Easton na hindi alam ang gagawin. Nakapatong lang ang kanyang kamay sa braso ni Kamp pero hindi niya tinutulak palayo. May nakita akong awa sa kanyang mga mata.
Kamp started to move hysterically. Mas lumakas ang iyak niya at dumadami narin ang mga nakatingin. Lumabas si Sack mula sa Threads at tumulong siyang tanggalin ang pagkakayakap ni Kamp kay Easton pero hindi namin magawa dahil mas kumapit siya kay Easton.
Natakot ako sa iyak ni Kamp dahil nauubo na siya at namumula na ang kanyang mukha. Natanggal ko ang isang kamay mula sa hita ni Easton. At napasinghap nalang ako nang kunin ni Oxford ang isang kamay ni Kamp pero dahil gustong yakapin pa ng bata si Easton ay namangha ako sa ginawa niyang pagyakap sa bata. Nakaluhod siya sa harap nito at hinagod ang likod ni Kamp para pakalmahin bago tumayo karga ang bata.
It's quite surprising how Kamp suddenly held onto Oxford. He wasn't like that to somebody else. I thought he looked up at the two men he met as a father figure and that explained why he hugged Oxford without even looking back at Easton.
"Shh, shh, it's okay kiddo. He's not your Dad. He's just a stranger okay?" alo niya sa bata habang hinahagod ang likod ni Kamp.
Dumantay naman ang mukha ni Kamp sa balikat niya at doon nag-init ang dibdib ko sa ginawa niya. He looked at me and nodded then he went his gaze upon Easton who was wiping the sweats on his forehead.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...