Chapter 02

4.1K 74 1
                                    

Lunes ng araw ay pumasok na ako sa Threads at mabuti nalang at may pasok narin sa eskwelahan at nakapasok na ang mga bata pero sa hapon ay wala silang pasok. Masakit parin ang balakang ko pero hindi na kagaya kahapon na sobrang sakit.

Hindi muna ako nagtahi. Nasa counter lang ako nakaupo at kapag may customer na bago ay ako ang bahala kumausap. May dalawang araw pa ako bago magtrabaho. Bilin nga ng doctor ay isang linggo akong hindi muna pumasok sa trabaho pero hindi ko matiis ang shop ko kasi may trabaho din si Nanay sa restaurant ni Skan.

I inspected the works of my employees. I trusted since they had a certificate of dressmaking or whatsoever. Nahasa din sila dahil araw-araw ay pagtahi ang ginagawa namin. Parang na kaming mga machine.

"Ma'am wala na po tayong change sa box. Puro malalaking pera ang nandito."

Lumingon ako sa kanya at tinaas ang one thousand na pera. "Wala na ba tayong tag-bente diyan?"

Umiling siya. "Sinukli ko kay ate Marla nang kunin niya ang patahi kanina."

"Oh siya. Bigyan mo ako ng five thousand na buo para pumunta ako sa kabilang shop."

She gave me the five thousand bills before locking the case. Bumalik siya sa trabaho. Si Sandy o si Eren ang pinagkakatiwalan ko sa counter dahil sila na ang matagal sa Threads. Lumabas ako ng shop para pumasok din sa shop ni Sack.

Sackary was Santina's younger sister but Sack was the middle child. Supplier kami ni Santina sa shop niya. Santina was a clothes shop owner but she also knew how to make dresses. Pero gaya ko at ni Sack ay may definite din siyang tinatahi. She liked to make wedding dresses.

The bell rang above the door. Lumingon si Sack sakin at ang lawak ng ngiti niya nang makapasok ako sa shop. "Oy napabisita ka. Balita ko ay may kunting aksidente kang natyempo noong isang gabi."

"Ganun nga. Masakit parin ang balakang ko pero kaya ko naman."

"Hay naku, mga lasing naman kasi nagdradrive pa kahit hindi na kaya."

Nagkibit-balikat lang ako dahil wala akong balita dun. Hindi ko rin sinubukang tawagan si Oxford dahil ayokong makaabala pa sa kanya. Base sa estados ng katayuan niya ay busy siyang tao at hindi basta-basta.

"Kumusta ang kita ngayon? Naubusan kami ng isusukli dahil puro buo ang pera kaya ba may isusukli kayo?"

Bumuntong-hininga si Sack at umiling. "Pumunta kagabi si Skan dito sa shop ko at kinuha lahat ang ipansusukli ko. Ang sabi ko sa kanya ay huwag ubusin pero bingi talaga ang bunso naming yun."

"Naku! Wala na kaming isusukli kasi puro buo yung pera ng mga customers. Ang dami sigurong pera ang mga tao ngayon."

Napatawa si Sack at kinuha ang tasa ng kape niyang iniinom. "Baka nga. Pumunta ka sa restaurant at baka mayroong pansukli doon. Yung sakin dito ay puro five hundred at one thousand din at kanina ay pumunta si ate Santi dito at binayaran ako pero hindi ipansusukli."

Pinakita pa sakin ni Sack ang kaha niya at parehas nga kaming dalawa. Napakamot ako sa ulo dahil wala din siya. Yung pinapansukli talaga namin ay puro two hundred pesos na buo, one hundred pesos, fifty o twenty pesos. May coins din pero hindi sapat yung puro peso coins lang kasi kailangan din ng papel na pera na ipansusukli.

Magkapit-bahay lang naman ang mga businesses namin. Yung sunod kung pinasukan ay yung shop ni Santi. Pagpasok ko sa shop niya ay umupo lang muna ako sa gilid dahil may customer siyang nagpapatahi ng gown. Sinenyasan lang muna ako ni Santi na maghintay sa gilid at ayos lang sakin.

Paglabas ng customer niya ay agad siyang lumapit sakin at kinamusta ako sa aksidente ko. Ang sabi ko ay okay lang naman ako. Santi and I were bestfriends but she's a year older than I. Her other sister, Skim was my high score buddy and my very bestfriend and we grew up together like real sisters.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon