Chapter 08

2.2K 50 1
                                    

Halos matawa ako kay Kamp nang ipakita niya sakin ang picture ni Easton sa magazine ng Forbes. Halos lahat ng makikita niya sa isang magazine o sa TV ay tinatanong niya sa amin ni Nanay kung yun ba tatay niya.

"Halika ka nga dito, Kamp Ysmael." sabi ko saka nanghahalukipkip siyang lumapit sakin. Nakanguso siyang tumabi sakin.

Tumagilid ako ng pwesto, nasa likod ko si Nillie dahil natutulog siya at ayoko siyang maistorbo sa pagtulog niya. Kapag pa naman naiistorbo siya sa kanyang tulog ay matindi ang tantrums niya kaysa sa Kuya niya.

Kinuha ko mula kay Kamp ang magazine. Yung seryosong mukha ni Easton ang nasa magazine pero nang-aakit ang kanyang mga mata na hindi naman tumabla sakin. Pero kapag siguro si Oxford ang nasa cover ay mapapangiti yata ako.

Pinilig ko ang aking ulo.

Huminga ako ng malalim at nakangiting binalik ang atensyon sa anak na pokus ang mga mata kay Easton.

"May Papa ka pero hindi ito ang Papa mo. Hindi lahat ng makikita mo Kampy na ganitong lalaki ay tatawagin mo nalang na Papa."

"But where's my Papa?"

"Nasa malayo pa—siguro naman ay pwede ka ng matulog. Itong lalaki sa picture hindi mo ito Papa, remember that okay?" Baka kasi hanggang sa panaginip ay maalala niya ang mukha ni Easton at sabihing Papa ulit.

He frowned, bulging his lips. "Pero bakit yung Papa ni Caleb ay umuuwi pero yung samin ni Nillie hindi."

Bumuntong-hininga ako at niyakap siya atsaka hinalikan ang kanyang noo. "Eh kasi po hindi pa time ni Papa na dumating siya. Kapag okay na siyang umuwi, magpapakita din siya." I knew this was lie, but I couldn't find a right word to say to my child. "Be patient." I gently pressed my forefinger on the tip of his nose.

"Okay." he said almost like a whisper.

Pinatulog ko na siya at hindi ako umalis sa tabi nila nang hindi ko masiguro na hindi pa natutulog si Kamp. Tinago ko ang Forbes magazine, mahal ang pagkabili ko nun pero sa ibang pagkakataon ko na siguro yun babasahin. Umupo ako sa tabi ng bintana. Binuksan ko ang lumang laptop ko na binili pa ni Nanay sakin noong senior year ko na sa kolehiyo.

Agad ko itong kinonekta sa wifi at diretso ako sa Google. I typed Oxford G. Bullecer. Sinubukan ko lang dahil kung si Easton ay nasa Forbes magazine, baka malaking tao din si Oxford. Nahinuha kong tama ang hinala ko dahil pagpindot ko palang sa pangalan niya ay marami ng lumabas na mga artikulo na tungkol sa kanya.

I chewed my lower lip and raised my brows to read closely the facts about Oxford Bullecer. Oxford Daniels Gascon Bullecer, Oxford jewelry owner, pinsan niya ang Phoebian at ang isa pang tao na si Phinneas. Yung Phoebian at Phinneas ay magkapatid , magpinsan sila ni Oxford sa Bullecer side.

Tinuon ko ang aking mga mata sa laptop ko para basahin ang lahat tungkol kay Oxford. Namangha ako dahil lahat ng mga kaibigan niya ay mga bilyonaryo. Nakita ko rin si Noe, isa pala siyang owner ng isang publishing house. Ang haba din ng apelyido niya na ang hirap kong mabasa.

Pero seryoso kong tinuon ulit ang aking tingin kay Oxford. Maraming babaeng nalink sa kanya at isa na dun ay ang anak ng senador na socialite, mayroong larawan na hinahabol ni Oxford ang babae. Morena ang babae. Cassidy Reyes ang pangalan ng babae at hindi pa ako—inistalk ko siya. Anak mayaman at may sinasabi ang pamilya. Isa siyang modelo kaya pala ang ganda ng balat sa larawan pero kapag anak mayaman ay talagang maganda yung balat.

Napatingin agad ako sa sarili kong balat. Maputi nga ako, matangkad, pero may mga nunal ako sa balat, hindi buhay kasi may nunal naman na umuumbok at yun ay tawag na buhay. Ang balat ko ay parang papel na tinulduk-tuldukan, hindi naman madami at nabibilang ko lang pero nakaka-insecure. Mabuti nalang at wala akong freckles sa mukha pero may mga nunal naman ako sa braso at may peklat ako sa kanang binti sa gilid ng itaas ng tuhod ko.

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon