Chapter 30

2.5K 58 3
                                    

Dahan-dahan kong inabot ang kamay ni Oxford na nakalahad sa akin. Ayokong tanggihan siya para hindi siya mapahiya. Hindi din kaya ng konsensya ko ang magpahiya ng tao. Dati pa man ay yun na talaga ang isa kong katangian dahil ayoko ding pinapahiya ako.

Bahagya akong tinulak ni Farren para magsimulang humakbang. Lumingon ako sa kanya para humingi ng tawad.

"Babalik nalang ako dito mamaya." sabi ko sa kanya.

She nodded as she waved her hand. "Okay lang. Kita nalang tayo mamaya dahil pinapauwi ka na pala ni Nanay mo." Diniinan niya yung 'nanay' para gayahin yung tono ni Oxford.

I hissed at her.

Humarap ako kay Oxford nang bahagya niyang hilain ang aking kamay. Nagpaalam na ako kay Farren na uuwi ako sa apartment. Yung tasa ko ay naiwan ko pa sa loob ng apartment niya.

Nang makapasok na kami sa may gate ng apartment namin ay mahina lang ang boses ko nang magtangkang basagin ang katahimikan.

"Sana hinayaan mo nalang si Nanay ang tumawag sakin para kunin ako kina Farren." sabi ko sa mahinang boses.

Hindi siya nagsalita. Inignora niya lang ang sinabi ko kaya nagpatuloy ako.

"At bakit mo tinawag na nanay ang nanay ko?" tanong ko na may pagtataka.

Huminto siya sa paglakad kaya huminto din ako dahil magkasabay lang kaming dalawa. "Sinabi niya yun." sagot niya.

I cocked my head sideways.

"Tanungin mo nalang siya kung ayaw mong maniwala."

Tapos ay nauna na sakin na maglakad.  Bigla na naman siyang nagsungit sa kadahilanang hindi daw ako naniniwala na sinabi ni Nanay na tawagin din niyang Nanay niya.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglakad kasunod niya. Kung gusto ko ng magandang relasyon sa kanya para kay Kamp ay kailangan maging pasensyosa din ako sa kanya para hindi kami magkagulo.

Binuksan ni Oxford ang pinto at pinauna muna akong pinapasok bago siya sumunod. So mag-isa lang siyang pumunta sa apartment at hindi kasama si Ares.

"Nasaan si Ares?" tanong ko nang makompirma na hindi niya kasama si Ares.

He sat first on the couch—it created a creek sound because he put his weight on it. "At my parents'." Tipid niyang sagot.

Pagbanggit niya sa parents niya ay napaisip ako. Umupo sa kabilang sofa. Nakita ko si Nanay na pumasok mula sa likod ng apartment. Pagkakita niya sakin ay tinuro niya ang lamesa para sabihing handa na ang pagkain. But the kids weren't awake yet.

"By any chance, sinabi mo na ba sa kanila na may anak ka?" Marahan kong tanong.

He clasped his hands while staring at me intently. Napaayos ako ng upo dahil ang lalim ng tingin niya sakin.

"I haven't but I am going to, maybe tonight. I'll arrange a dinner with them. Then, tomorrow, we're going to meet them." he said without pouring any signs of nervousness or worries.

Ang kalmado lang niya nang sabihin sakin yun. Paano kung hindi tanggapin ng parents ni Oxford si Kamp? Alam ko na hindi ako mayaman pero at least may trabaho naman ako at kaya kong buhayin ang bata. Nakakapraning kapag makaharap ko ang parents ni Oxford. Sa tingin ko ay haharap ako sa mga taong mapanghusga.

Kinagat ko ang aking pisngi. Bumuntong-hininga ako saka nagdesisyong tumayo. There's no room for holding onto the nervous-wreck in me. I should have to accept who those people were. Ang mahalaga lang ay si Kamp, yung tanggap siya ng pamilya ng ama niya.

Wala akong pakialam kung wala silang pakialam sakin basta ang mahalaga ay si Kamp, hindi nila tratuhin ng hindi magandang pag-uugali.

"Mukhang napaaga ka yata ngayon. Kumain ka na ba, Oxford? Hindi pa kami nag-agahan pero sakto lang ang dating mo."

Oxford (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon