"Pwede ka bang tumayo?" Mahinahon kong pakiusap kay Ares at hinawakan ang kanyang likod.
He obediently obliged, not because I asked to but it's his godfather's glare. May parte sa akin na gustong tampalin si Oxford kasi tinatakot niya ang bata.
I nudged him with my elbow. "Tinatakot mo ang bata. Pwede naman na sa labas ka lang muna."
Masikip tuloy.
Gusto kong ituloy yun kaya lang ay baka ma-offend ko siya kapag sinabi ko sa kanya yun. But hell it's true. Sa laki niya at sa liit ng ispasyo sa shop ko ay parang sagabal siya. Sagabal ang height niya at ang laki ng katawan.
He just narrowed his eyes to me. I shrugged my shoulders and got the size of the kid. May pinaparepair si Oxford sakin na uniform ni Ares pero nagpapagawa din siya ng isa pang pares para daw kapag makipagbasag-ulo na naman ay mayroon paling kapalit.
But he'd just buy another pair of Ares' school uniform.
Nahihirapan akong yumuko para sukatan ang binti ni Ares. Nakaupo kasi si Oxford sa gilid. Hindi siya makaatras dahil sa likod niya ay may isang rack at pader na. Kaya naman nasisiko ko minsan yung hita niya. And fingers crossed not to elbowed his crotch.
I just bit my cheek not to do harm his manhood. Hindi ako makapagfocus ng maayos sa pagkuha ng sukat ng bata dahil nakatingin siya sakin na parang anumang oras ay kakagatin ko yung ano niya.
Gosh that's so insane idea.
Tumingin ako sa wall clock para icheck kung anong oras na baka kasi eleven thirty na. Pero naisip ko na si Nanay pala ang kukuha ng mga bata. Then I remembered it's Tuesday.
"Wala ba siyang pasok ngayon? Tuesday palang ah." tanong ko kay Oxford.
"They don't have regular classes today so I brought him here to fix his uniform. Pwede ba namin makuha mamaya yan? I'll pay you triple if it's mean you can work it out today."
I bit my lower lip and thought about it. But I just brought Oxford into enticement because he's gawking at my lips. Hindi ko na kinagat ang labi ko. Nakayuko parin ako kaya kinuha ko ang monoblock chair para umupo.
Tumingin ako sa kabundok na tela na gagawin kong pants. Puro nalang kami repairing kaya okay lang siguro kung tumigil muna kami sa pagrerepair para matapos yung pants na inoorder.
Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin kay Oxford. "Sige pero kunin niyo nalang mamaya kapag mag-alas singko na. Dalawang pares lang naman ng uniporme niya ang irerepair diba?"
"What about the other uniform? Yung ipapagawa ko?"
Bumuntong-hininga ako at nagkamot sa batok. "Pwedeng sa Friday mo na kunin? Matagal pa yun bago ko matahi kasi napaka-detalye ng pagkakatahi niya." ani ko.
He slowly nodded as he understood what I said. "Okay, then I just get it on Friday morning."
"Okay. Friday morning."
We had dealt with it. Binalik ko ang atensyon sa pagsusukat sa size ni Ares. The kid was tall. Lampas balikat ko na siya. Kapag nasa eighteen na siya ay mas matangkad na siya sakin. Baka kasing tangkad na niya ang ninong niya o di kaya ay lalagpas pa. And also the kid had a lot of potentials.
Baka kagaya siya sakin na pag-aagawan ng mga talent scouts para maging artista o modelo, given the fact that he's taller and more handsome than any teenage boys I had seen in our city.
Paglabas ni Ares para bumili ng pagkain sa Pinxto Alley ay iniligpit ko ang notebook ko na listahan ng mga sukat ng mga customers. Tumayo ako at tinanong ang mga kasamahan ko kung wala na silang nirerepair pang blouse o pants para ibigay ko nalang sa kanila yung ibang naiwan na trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Oxford (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series II) Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang nanay niya niya. Pinalaki siyang mag-isa ng nanay niya na may may galang at maunawin na tao kahit pa man may mg...