ELAINE'S POV
"Hello? Oo Marsie on the way na ko. Magta-taxi na lang ako. Una na kayo sa Venue tatawag na ang ako " kausap ko ngayon si Vien. Dapat ay pupunta pa ako sa bahay nila Eirine, pero dahil natraffic ako papunta sa bakeshop ay kinulang na ako sa oras.
Nagdesisyon na lang ako na dederetso na lang ako sa Araneta pagkagaling ko rito sa bakeshop.
Nang icheck ko ang oras ay 6:00pm na. 7:30 ang concert kaya sakto lang ang magiging dating ko roonn dahil 15 mins lang ang byahe papunta roon.
Habang nag-aabang ako ng taxi. Nag text ako ng Vien na otw na ako. I was checking gmy phone para sana itext si Felip na papunta na ako pero naagaw ng atensyon ang isang tunog ng sasakyan mula sa malayo.
Mula sa kinatatayuan ako ay nakita kong pagewang gewang sa daan ang kotseng ito. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayan that car was approaching in front of me. Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko nagawang umiwas pa at naramdaman ko ang isang malakas na impact na pakiramdam ko ay tumilapon ako sa hindi kalayuan.
"HALA YUNG BABAE TULUNGAN NIYO!"
"OY NABANGGA YUNG BABAE TUMAWAG. KAYO NG AMBULANSIYA!"
"YUNG BABAE! NABANGGA HOY! HALA! BUNTIS YATA SIYA!"
Samu't saring sigawan ang naririnig ko. Hinawakan ko ang tiyan ko dahil nag aalala ako sa pwedeng mangyari sa baby ko!
"A-anak ko," nakikita ko pa rin na nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. Nakita kong malayo ang cellphone ko mula sa kung nasaan ako ngayon.
"F-Felip."
KEN's POV
Nang mag-umpisa ang concert ay napuno ng sigawan at hiyawan ang buong Araneta. Mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko matanaw kung nandito na ba si Elaine sa loob. Hindi ko alam kung nagtext na siya dahil nakalimutan kong kunin ang cellphone ko sa loob.
Pero dahil malayo mula rito sa kinatatayuan namin ang VIP seat na alloted para sa pamilya namin, inisip ko na lang na kasama na siya ni Eirine at Vien.
Hindi ko lang masyadong pinapansin pero iba ang nararamdaman ko kanina pa, bago pa lang mag umpisa ay parang ang bigat na ng dibdib ko. Inisip ko na lang na siguro dahil bukod sa maraming tao ngayon at ngayon ako magpo-propose kay Elaine. Sa harap ng mga taong nagmamahal sa amin.
"Ok guys our next song is LIHAM" sabi ni Pablo.
Nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay
Nagbabalat kayong himala ohKung alam ko lang kung saan nakaupo sa Elaine sa audience ngayon. Gusto ko sana marining niyang kinakanta ko to para sa kanya.
Liham sa pag-ibig ko
Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yoSimula pagkabata, wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang.
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Maging sa hinaharap o nakaraaan ikaw lang at akoHindi ko maiimagine ang buhay ko sa mga susunod na panahon kung wala siya sa tabi ko.
Oh aking mundo woah yeah
Ligaya ng aking mundoSiya lang ang tanging nagdadala ng saya sa buhay ko. Siya at ang magiging anak namin.
Dahil sa mga lightnings na nakapalibot sa buomg area ay nakita ko na si Eirine at Vien. Kasama si Spencer. Pero nakita ko na may kausap si Eirne sa cellphone at bigla silang tumayo para umalis sa pwesto nila.
ELAINE's POV
May malay akong dumating sa hospital. Nagkakagulo ang mga tao. Ang mga medic, nurses, lahat.
Pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon ang baby sa tiyan ko at si Felip. Sa tantya ko ay hindi pa tapos ang concert. Marahil nagtataka na sina Eirine at Vien kung bakit wala pa ako doon. o baka papunta na rin sila dito dahil baka may tumawag na sa kanila pra ibalita ang nangyari sa akin.
"Wala bang kamag-anak na kasama ang pasyente?" dinig kong tanong ng doktor. Nararamdaman kong kailangan ng consent ng kamag-anak dahil sa lagay ko, kahit na nahihirapan akong magsalita at gumalaw ay pilit konghinawakan ang kamay ng doktor para makausap ko ito.
"D-Doc, p-please,ka-kahit anong mangyari, i-iligtas niyo po ang baby ko." nawawalan na ako ng laks pero ito ang gusto kong sabihin ng paulit ulit sa doktor dahil ito ang importante sa akin.
"D-Doc I-Im willing to s-sacrifice m-my life, j-just please s-save my child." sabi ko. Guato ko pa sanang labanan ang hilo na nararamdaman ko. Gusto kong hintayin ang pagdating ni Felip pero unti unti nang nanlalabo ang paniningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
--------------------------------------------------
I was preparing some snacks nang biglang narinig ko ang busina ng sasakyan ni Felip.
"Dada?!" Tinignan ko mula sa hagdanan ang kabababa lang na si Felizze at nginitian ito. Muling bumusina ang sasakyan ni Ken kaya naman dali dali nang bumaba si Felizze para salubungin at pagbuksan ng pinto ang Dada niya.
"Dada! Wow! Flowers!"
"For my Princess"Sabi nito at nakita kong inabot ni Ken ang maliit na bouquet ng flowers kay Fellize. Hinalikan niya ito sa noo. Bago binuhat at pinuntahan ako dito sa kitchen..
"At para sa Mahal kong Reyna." Sabi nito at inabot sa akin ang mas malaking bouqet of flowers na katulad na katulad rin ng kay Fellize.
"Dada! Let's Play later okay?" Sabi no Fellize sa Dada niya.
"Klein Fellize? What did Mama told you?" Tanong ko sa kanya habang hinahango ang cookies na ibi-nake ko.
"Dont make him pagod po .Make Dada rest after got to work." Laylay ang balikat ng sabihin nito ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil malapit na itong maiyak.
"Hey, Ok lang Love, wala naman akong ibang oras na makalaro itong prinsesang ito kundi paggaling ko lang ng trabaho. Ok lang, come here baby." Tawag nito sa anak at agad namang nagpakalong si Felize kay Felip.
"Hep. Hep.Before anything else. Kumain muna kayong dalawa." Sabi ko at inihain ang cookies at orange juice sa harap nila.
"Thank You Mama! I Love you!" Sabay pa nilang sabi.
"Aakyat na ko sa taas, diyan lang kayo ha." Tumango lang ang dalawa.
Muli ko silang tinignan habang ineenjoy nilang dalawa ang pagkain ng meryenda. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko bago ako tuluyang umakyat sa taas.
