JUSTIN's POV
Nandito kami ngayon ni Josh sa Condo ni Ken 3days na siyang hindi nagpapakita sa amin. Ni hindi siya pumupunta sa chapel kung saan nakaburol si Elaine.
"Ken?! Ken?!" Pagkalapag namin sa pintuan ng condo ni Ken.
Ilang minuto na at wala pa ring Ken ma lumalabas sa pintuan.
"Josh, baka kung ano ng ginawa ni Ken sa sarili niya." sabi ko ayaw kong mag isip ng masama pero worst case scenario baka gawin niya yun sa sobrang lungkot niya sa pagkawala ni Elaine!
Nagkatinginan kami ni Josh at narealize niya rin siguro na posiblemgangyari ang iniisip ko!
"Ken?! Ken buk---"
"Anong ginagawa niyo rito?" Napatingin kami kay Ken at sa hawak nitong Alak. Knowing Ken wala siyang kahit na anong bisyo, hindi siya umiinom, hindi siya nagssmoke.
Pero siguro nga dahil sa sakit ng nararamdaman niya ngayon eh kailangan niyang uminom.
"Ken, Hindi ka ba pupun---"
"Umalis na kayo." Sabi lang nito at binuksan ang pinto ng unit niya. Pumasok kami sa loob at sobrang dilim doon ang dami ring nakakalat na bote sa sahig.
Binuksan ko ang mga ilaw. Hinawi naman ni Josh ang mga kurtina bago hinarap si Ken.
"Ken, 3 days ka nang hindi nagpapakita hinahanap ka na ngga tao sa chapel at nag aalala na kami sayo. Ayaw mo ba siyan--"
"Ayoko umalis na kayo."
"Ken, this is the last time na makiki--"sabi ko pero hindi naman niya ako pinatapos.
"Ayoko nga Justin! Naiintindihan mo ba?!"
"Ken ano ka ba? Hahayaan mo bang hindi mo siya makita sa huling pagkakataon?" Tanong dito ni Josh
"Hindi niyo ko naiintindihan! Wala kayo sa sitwasyon ko! A-Ayoko siyang makitang n-nakahiga ng ganon! A-Ayokonh hindi siya sumasagot kapag kinakausap ko siya. Ayoko maalala siya ng ganon naiintindihan niyo ba!?"
"Ken, hindi matutuwa si Elaine kung makikita ka niyang ganito. Ken, may anak ka pa, nawala man si Elaine pero may iniwan sayo. At hindi mo yun maalagaan ng maayos ang baby niyo kung magpapaka miserable ka!" Sabi ko.
"Siguro nga, wala kami sa sitwasyon mo, Siguro nga hindi namin nararamdaman ang eksaktong nararamdaman mo ngayon, pero hindi ibig sabihin nun, hindi ka namin naiintindihan. Ken, kailangan mong magpakatatag para sa anak mo. Nasa ospital pa siya ngayon. Kailangan mong magkatatag para sa kanya. Huwag mong hayaang mawala pa sayo ang huling iniwan sayo ni Elaine."
"3:00pm ang libing. May ilang oras ka pa para mag ayos. Uuna na kami sayo. Dre, Hihintayin ka namin dun." Sabi ni Josh at tinapik sa balikat si Ken. Ganun din ang ginawa ko baho namin siya tuluyang iniwan sa unit niya.
----------------------
3:45 pm. Katatapos lang ng libing ni Elaine at gaya ng inaasahan hindi pumunta si Ken.
"Napakatigas naman ng puso niyang si Ken! H-hindi man lang talaga siya pumunta rito para makita si Elaine!" Naiinis na sabi ni Vien.
"Mahal, intindihin muna natin siya. Siguro hindi lang talaga niya matanggap ang nangyari." Pagpapaintindi ni Stell sa asawa.
"Vien, tama si Stell, masakit sa ating lahat ang nangyari, pero iba si Ken, hindi natin alam kung gaano kalaki ang impact ng pagkawala ni Elaine sa buhay niya."
"Kailangan nating samahan at damayan si Felip. Lumabas na rin sa media yung nangyari,and na approve naman yung requests natin na pansamantalang i cancel ang lahat ng events natin para sa Grieving natin for Elaine." Sabi ni Pablo.
"Mahal, kailangan namin puntahan si Ken eh---"
"I know sige lang, sasama na lang muna ako kay Eirine."
"Babe, puntahan mo na lang rin muna si Ken, si Spencer na lang ang kasama namin ni Vien papuntang hospital para kunin si Felize."
"Okay. Tawagan mo na lang ako." Sabi ni Pablo sa asawa.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang may dumating na sasakyan. At hindi kami pwedeng magkamali sasakyan yun ni Ken.
Unti-unting nagiging emosyonal si Ken habang papalapit ng papalapit sa puntod ni Elaine
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Paghagulgol nito. Napaluhod siya sa lupa habang haplos haplos ang lapida ni Elaine. Maya maya pa ay umiiyak itong tumingin sa langit.
"B-Bakit? Bakit kailangan mo tong gawin ha?!M-Masama ba ako? May malaki ba akong kasalanang nagawa kaya ginawa mo to ha?"
"Buong buhay ko! Buong buhay ko puro hirap ang naranasan ko! Dumanas ako ng hirap bata pa lang ako, Lumaki ako na malayo ako sa magulang ko, pero kahit kailan hindi ako nagreklamo! Hindi ko kinuwestyon yun.!"
"Itong babae na to lang ang nakaramay ko sa lahat ng hirap at lungkot! Itong babae na to lang ang nagpasaya sakin sa tuwing nararamdaman kong mag isa lang ako! Pero bakit pati siya...b-bakit pati siya kailangan mong kunin sa akin! Ang damot mo namaaan!! Ang damot....damot mooo!" Manghihinang sabi nito.
"Love, sorry ha..p-pasensya ka na.. hi-hindi kita kayang makita sa ganitong sitwasyon.. p-patawarin mo kooo....."sabi nito. At nag uumpisa nang bumuhos ang ulan. Nauna na sina Spencer,Eirine at Vien para pumunta ng ospital. Pero kaming apat mas pinili namin na samahan si Ken dito.
After 6 months, unti unting sinubukan ni Ken ang bumalik sa dati. Pero nag iba na siya. Hindi na siya ang masahin na Ken na nakilala namin. Sa harap ng camera, ng A'tin ay pilit niyang ipinapakitang okay siya. Pero once na mag off cam na, at wala nang fans ang nakakaita sa kaniya. Nagiging malungkot na siya ulit.
"Ken! Kain tayo! Treat ko san mo gusto?" Pagyaya ko sa kanya. Kasama ko siya ngayon sa kotse dahil pupunta kami sa bahay dahil ininvite siya ni Mama.
"Justin, sigurado akong kakain tayo sa inyo pag dating natin dun." Walang expression na sabi nito.
"Ahm, okay.S-si Felize? K-kamusta siya?" Tanong ko rito.
"Ayos naman, si Ate ang nag aalaga tsaka si Mama sa weekend pa ako makakauwi dun." Sabi niya.
Sa totoo lang, unti unti na naming sinasanay ang sarili namin sa bagong Ken na kasama namin. Mahirap ang pinagdadaanan niya. At kahit sino sa amin ay hindi alam kung hanggang kailan siya magkakaganito.
Nang makarating kami sa bahay ay may inabot ang kasambahay namin na envelope sa akin.
" Ser Jah, may lalaki hong pumunta dine' at sinabing yan daw ho ay para sa inyo. Alam niyo daw ho yan." Sabi ni Ate Lisa. Nang makita ko kung kanino galig ang envelope ay nagpaalam muna ako kay Ken.
"Ken, diyan ka muna ha, akyat muna ako sa taas, Ma? Akyat lang ako.!" Sabi ko tsaka pumanhik sa kwarto ko. Inilock kong maigi ang pintuan at isinara ang kurtina sa may bintana.
Nang marecieve ko ang parcel ay agad ko nang tinawagan ang private investigator na hinire ko.
"Sir Justin, Positive, isa nga siyang Spy from the other Company." Sabi nito.
"Okay. Sige salamat." Sabi ko at matiim na nakahawak sa envelope na hawak ko.
See you on Justin's POV: My Suspicious Love
