KEN'S POV
"Nurse! nasaan yung buntis na naaksidente ha?"
"Sir nasa Operating Roo--" hindi ko na pinatapos ang ssabihin ng nurse at tumakbo kaagad papunta ng Operating Room.
Ang naaubtan namin doon ang Medic, dala-dala nito ang bag ni Elaine.
"Ako po yung Boyfriend nung buntis na nasa loob. Ligtas na ba siyia ha?"
"Hindi ko alam, sa tingin ko ay inooperahan pa siya, may malay siya kanina nung dinala rito sa ospital."
"Ano po bang nangyari?" tanong ni Stell.
"Ayon sa witness sa lugar ay naghihintay ng taxi yung girlfriend mo. Pero habang naghihintay siya ng taxi ay may mabilis na kotse na bumangga sa kanya.
Nanlumo ako sa mga naririnig ko, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko. Dapat talaga hinintay ko na lang siya bago pumunta ng concert. Sana hindi to nangyari! Nanghihina akong napaupo sa hallway habang ipinapanalangin na maging ligtas ang mag-ina ko.
Pero napatayo ako bigla ng may biglang, doktor na lumabas galing ng Operating Room.
"Doc, kamusta po yung mag-ina ko? Ayos lang po ba sila? pwede ko po ba silang makita?"
"Ligtas na ang anak mo, pero kailangan parin siyang ilagay sa incubator, dahil kulang pa siya ng almost two weeks, pero mukha namang masigla ang anak mo, She's safe now." Nabawasan naman ang pag-aalala ko kaya naman tinanong ko naman ang lagay ni Elaine.
"Si Elaine po, yung girlfiend ko. Okay lang po ba siya? Pwede ko po ba siyang makita? Kailan po siya magigising?" sunod-sunod kong tanong sa doktor. Pero kinabahan ako ng makita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.
Tinanggal nito ang suot niyang headcap.
Kinakabahan ako sa pwedeng sabihin ng doktor pero kailangan kong malaman ang lagay ni Elaine."About that, Im really sorry, hindi namin siya nailigtas, maraming dugo ang nawala sa kanya. At isa pa, tumaas rin ng sobra ang BP niya during the operation." para akong nabingi sa mga narinig ko.
'Hindi Pwede to.'
" Naghahanap kami ng relative niya para sa hingan ng consent but unfortunately wala pang dumarating,Actually She's in concious nung dinala siya rito, and the patient insisted herself na unahin ang kaligtasan ng bata---"
"Kaya yun lang ang ginawa niyo!? Anong klaseng doktor ka?" naramdaman ko naman ang pagpigili sa akin ni Josh at Pablo.
"Dre.."
"Trabahong mong iligtas sila pareho! Pero bakit yung bata lang ang iniligtas mo!? ha! Anong klaseng hospital ba to?!"
"Ken, tama na." rinig kong sabi sa akin ni Stell.
"Im sorry, we did our best--"
"Hindi! Hindi niyo ginawa ang best nyo! Dahil kung ginawa niyo yun nailigtas niyo sana siya!"
"Ken tama na, Dre," sabi ni Pablo. Narinig ko naman ang pag iyak ni Erine at nang ibang kasama namin pero ayoko pa ring maniwala.
Maya-maya pa ay may may lumabas na mula sa Operating room, mga ilang nurses at staff at tulak tulak lang isang strecher. May nakahiga rito at nakabalot ng tela ang buong katawan nito.
"Im Sorry." yung lang ang sabi ng doktor bago tumulyang umalis.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa katawang iyon. Pero tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig man ang kamay ko ay pilit ko pa ring inalam kung siya ba talaga yun.
Mas lalong nadurog ang puso ko nang makumpirma kong siya nga. Mas lalo naman naging emosyonal si Eirine sa likod.
"H-Hindi! No! Hindi to pwede." sabi ko at pilit ko siyang binuhat.
