CHAPTER 4

2.2K 9 0
                                    

GEORGE's POV

Naaalala ko pa noon na minsan ay aamuy-amuyin ni Chloe ang dibdib ko sa tuwing manonood kami ng sine kasama si Doris. Nandiyang pipisil-pisilin niya ang hita ko malapit sa alaga ko sa ilalim ng mesa kapag kumakain kami sa restaurant kasama ang best friend niya. Nandiyang kukurutin niya ng madiin ang pang-upo ko kapag hindi nakatingin si Doris at sasabihing, "Yummy!" Nandiyang pupunasan niya ang pawis na dumadaloy sa braso ko from my workout at isusubo sa bibig niya. Nandiyang muntik-muntikan nang magdikit ang mga labi namin sa tuwing bebeso siya sa akin.

Lahat ay hindi ko pinansin dahil tiwala ako sa sinabi ni Doris na fun and flirty ang personality ng best friend niya. Alam ko ring wala siyang boyfriend noong mga panahong iyon at nangangailangan ng atensyon ng isang lalaki. At nagkataong ako ang lalaking pinakamalapit sa kanya at sa akin niya ibinubuhos ang lahat ng atensyon niya. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako naaapektuhan sa mga actions ni Chloe. Lalaki ako. At hindi basta-bastang babae si Chloe. Siya ay isang napaka-hot at napaka-sexy na babae. Pero kailangan kong magpigil, dahil ako ang mas nakakaunawa sa sitwasyon. At dahil na rin kay Doris.

Pero may mga panahon talagang hindi ko maiiwasang hindi makapagpigil kay Chloe.

Tulad ng araw ng aming kasal ni Doris. Iba ang disenyo ng dress na suot ni Chloe. Kaiba sa ibang bridesmaid. Hindi niya isinuot ang dress na pinagawa ni Doris para sa mga abay. Halos lumuwa ang dibdib ni Chloe sa suot niyang dress. Parang gustong kumawala ng ibabang bahagi ng pang-upo ni Chloe sa sobrang ikli ng suot niyang dress. Lahat ng mata sa simbahan ng araw na iyon ay nakatuon kay Chloe. Sa pawisang cleavage ni Chloe. Pagnanasa at kalibugan ang makikita sa mata ng mga kalalakihan. Inggit, pang-uuyam, at selos sa mata ng mga kababaihan.

Habang hinihintay ko ang bride na makarating sa altar ay panandaliang naglakbay ang aking utak. Kung si Chloe ang aking bride ay siguradong sa honeymoon na ang aming tuloy at hindi sa reception. Nakikita ko kay Chloe ang isang babaeng uhaw sa pakikipagtalik. Siya ang babaeng hindi mahiyain sa kama. Siya ang babaeng ibibigay ang lahat ng pantasya sa kama ng isang lalaki. Siya ang babaeng matibay ang stamina sa digmaan sa kama. Siya ang babaeng talented pagdating sa kama. Siya ang babaeng hulog mula sa itaas para magpaligaya sa mga lalaki. Alam ko itong lahat dahil nakikita ko kay Chloe ang mga babaeng nakatalik ko noong panahong puro libog pa ang nasa isip ko. Noong mga panahong butas ng isang babae ang tanging mahalaga sa akin.

Tumingin ako sandali kay Chloe. Hindi ko alam, pero sa sandaling pagkakatingin ko sa kanya ay nakita kong kumislap ang kanyang mga mata...at kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Pero sandali lamang iyon. Hindi ko alam kung nililinlang lamang ako ng mga ilaw ng simbahan. At nakita ko na si Doris na papalapit sa akin. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Chloe. Pagdating sa reception ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako kung bakit hindi ako nilalapitan ni Chloe para makipagsayaw. Nakasayaw na niya halos lahat ng lalaki sa reception. Bakit hindi pa niya isinasayaw ang groom? There's no doubt na ako ang pinaka-hot sa lahat ng mga lalaking naroon nang gabing iyon. Nang lapitan niya ako para isayaw ay pinigilan ko ang sarili kong ma-excite. Hindi ako excited na ipulupot ang kamay ko sa malambot na baywang ni Chloe. Hindi ako excited na maramdaman ang init ng katawan niya malapit sa akin. Hindi ako excited na maamoy ang mabangong hininga niya na parang nang-aakit na halikan ko siya.

Hindi. Hindi talaga.

Makalipas ang ilang minutong pagsasayaw ay nakita kong muli sa mukha niya ang nakita ko roon noong kami ay nasa simbahan. Ang kislap sa kanyang mga mata. Mapanuksong kislap. Kislap ng pagnanasa. Ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi. At pagkatapos ay bumulong siya sa akin, "Enjoy your honeymoon." At bago siya lumayo ay pinahabol niya ang mga katagang, "Dream of me."

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko noong mga panahon na 'yon. Alam kong mapagbiro si Chloe. Pero iba ang pakiramdam ko nang gabing iyon. Parang totoo. Parang inaakit niya ako.

Parang nilalandi niya ako.

Nagkatotoo ang sinabi ni Chloe. Noong unang gabi nang magtalik kami ni Doris ay si Chloe ang nasa isip ko. Ang mapang-akit niyang labi. Ang makinis niyang legs. Ang malulusog niyang dibdib. Ang malambot niyang baywang. At ang nakakapang-init ng laman niyang pang-upo.

Na-guilty ako nang gabing iyon. Kaya sinubukan kong bumawi kay Doris. Lumipas ang ilang buwan at nakalimutan ko na si Chloe.

Ngunit hindi ko siya maaaring iwasan habang buhay. Best friend siya ni Doris, na aking asawa. At ngayon nga ay magkakasama kami rito sa vacation house na pagmamay-ari ng pamilya ng aking asawa.

Nasa ganito akong pag-iisip nang biglang magsalita ang asawa ko at sinabing aalis na siya para mag-grocery. Tapos na pala kaming kumain. Hindi ko namalayan dahil ginugulo ang isip ko ng mga ikinikilos ni Chloe sa muli naming pagkikita ngayon. Pero hindi ko naman kailangang mag-isip. Alam ko namang walang kaso kay Chloe ang mga ginagawa niya rahil ganoon talaga siya.

Para ma-refresh ang utak ko, umakyat ako ng kwarto at nagpalit na ng swimming trunks. Kailangan ko talagang mag-swimming, ma-relax, at mawala panandalian ang mga iniisip ko. Isinuot ko ang bago kong swimming trunks. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi maikakailang magandang lalaki talaga ako. Habang nakatingin ako sa salamin ay nakikita ko ang aking namumukol na mga muscles sa braso at dibdib. Ang kumpletong set ng abs ko. Ang malalaki kong mga hita na halos hindi na magkasya sa aking bagong swimming trunks. Ang V-shape muscle ko na patungo sa aking malaking alaga ay prominente sa torso. At ang aking pride and joy na bakat na bakat sa aking maliit na saplot.

Napaisip ako. Kung isusuot ko ito ay para na rin akong nakahubad sa harap ni Chloe. Ano na lang ang iisipin ni Chloe sa asawa ng best friend niya? Na inaakit ko siya ng aking matipunong katawan. Na ipinangangalandakan ko sa kanya ang mala-Adonis kong katawan. Na pinapatulo ko ang laway niya sa aking katawang pang-kama. Hindi. Hindi pwede ito. Kailangan kong magpalit. Kailangan kong magpalit ng swimming trunks na mas malaki at mas disenteng tingnan. Tutal, binili naman ito ni Doris para sa akin. Para maipakita sa kanya ang kakisigan ko. Ngunit sa kanya lang. Tama. Magpapalit ako.

Nahanap ko na ang isa sa mga lumang trunks ko nang marinig ko ang malakas na "splash" sa aking bintana. Ang tunog ay nagmumula sa pool area sa labas ng vacation house nila Doris. Malamang ay nagsisimula nang mag-swimming si Chloe. Sa aking kuryosidad ay sumilip ako sa bintana. Hindi ko inaasahan ang aking nakita.

----------

to be continued...

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon