CHAPTER 34

1.3K 12 0
                                    

CHLOE's POV

Walang tigil kong pinipindot ang doorbell sa labas ng gate ng malaking bahay ng aking best friend na si Doris at ng asawa nitong si George.

Nabanggit sa akin ni Doris noong nasa week-long vacation kami kung saan ang lokasyon ng nabili nilang bahay ni George. Hindi naman ganoon kalayo mula sa tinitirhan kong condominium unit.

Pumunta ako rito para personal kaming magkausap ni George tungkol sa nangyari sa amin nang gabing iyon sa vacation house ng pamilya ni Doris.

Hindi pwedeng doon na lang matapos iyon. Nag-iinit pa rin ang aking katawan dahil kay George. Kailangan kong maramdaman ang katas ni George sa loob ng pintuan sa pagitan ng aking dalawang hita.

At isa pa ay kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang Jessica na iniungol ni George nang gabing magkatalik kaming dalawa.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagdo-doorbell at wala akong pakialam. Umaasa akong wala si Doris dito sa kanilang bagong bahay ngayon at sana ay bumisita ito sa mga magulang nito.

Siguro naman ay na-miss ni Doris ang mga magulang nito rahil sa three-month honeymoon nila ni George na sinundan pa ng week-long vacation kung saan kasama rin ako.

Maya-maya pa ay bumukas na ang gate at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang si Doris ang nagbukas niyon.

Paano ko makakausap si George nito?

Doris: O, Chloe. Ikaw pala 'yan. Bakit naman sunud-sunod ang pagpindot mo sa doorbell? Nagmamadali tuloy akong lumabas ng bahay.

Nakangiti si Doris sa akin pero naroon din ang pagtataka sa mukha nito.

Chloe: Ah, I'm sorry, Doris. Na-miss lang talaga kita agad. At saka gusto ko rin talagang mabisita itong bagong bahay ninyo ni George.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Doris at niyaya ako nitong pumasok sa loob ng malaking bahay.

Si Doris na ang nagsarado ng gate at sabay kaming naglakad patungo sa main entrance door ng bahay.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko kung gaanong kalawak ito. Kaunti lang ang mga gamit pero may touch of class.

Naroon sa living room ang malaking portrait ng isa sa mga wedding shots nina George at Doris.

Ang hot talaga ni George kahit saang anggulo. Mas gaganda pa sigurong tingnan ang portrait na iyon kung hubo't hubad si George sa larawang iyon.

Matindi talaga ang aking pagnanasa kay George. Kahit katabi ko lang ang best friend kong si Doris ay ang hubo't hubad na katawan pa rin ng kanyang gorgeous husband ang nasa aking isipan.

Doris: Gusto mo ba ng maiinom, Chloe? Pasensya ka na. Wala pang masyadong stocks sa refrigerator dahil hindi pa ako nakakapag-grocery.

Nakangiti akong umiling kay Doris.

Chloe: No. I'm fine, Doris. At saka nag-merienda na ako kanina bago pumunta rito.

Inalok akong umupo ni Doris sa isang mahabang couch sa sala at sabay kaming naupo roon.

Chloe: Nandito na rin pala sa bago ninyong bahay ang iba ninyong gamit, Doris. Naasikaso ninyo agad kahit kababalik pa lang natin mula sa bakasyon. I'm impressed.

Naaaliw na tumawa si Doris at umiling.

Doris: No, Chloe. Si Daddy ang nag-asikaso ng lahat mula sa pagbili ng bahay hanggang sa pag-aayos ng mga documents pati sa pagpapalipat ng ibang personal na gamit namin ni George dito.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon