CHAPTER 27

2K 11 0
                                    

GEORGE's POV

Habang hinihintay na matapos sina Chloe at Doris sa ginagawa nilang dessert ay nandito ako sa loob ng banyo ng kwarto namin ni Doris. Tinititigan ang aking sarili sa harap ng salamin.

Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Bumabalik na ako sa dating ako. Alam kong masaya ako kay Doris. Mahal ko siya. Alam ko sa sarili kong binuhay niyang muli sa puso ko ang pagmamahal. Pagmamahal na akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman.

Napakabait na tao ni Doris. Napakabuti ng kanyang puso. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga taong nasa paligid niya. Kahit masaktan siya ay tinitiis niya para lamang maging masaya ang mga taong mahal niya sa buhay. Si Doris ang taong hindi rapat sinasaktan. Si Doris ang taong hindi rapat pinapaiyak. Si Doris ang taong dapat ay laging pinapasaya.

Dahil iyon ang nararapat sa mga taong nagmamahal ng buong puso.

Pero bakit ako nagpapakahudas? Bakit ako pumupunta sa maling direksyon? Alam ko noong una ay pagsubok lamang ang tingin ko kay Chloe. Isang pagsubok na kayang-kaya kong tapusin. Isang pagsubok na kaya kong puksain sa isang pitik lamang. Pero hindi. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagnanasa ko sa kaibigan ng asawa ko.

Oo. Natural ang magkaroon ako ng attraction kay Chloe rahil maganda ito, sexy, kaakit-akit. Pero hindi tamang mag-isip pa ako ng higit doon. Maling isipin na may mangyayari pa sa aming dalawa. Maling isipin na ako at si Chloe ay magtatalik sa iisang gabi.

Mali. Mali.

May asawa na ako at hindi tamang nag-iisip pa ako ng makamundong pagnanasa para sa ibang babae. Best friend pa man din si Chloe ng asawa ko.

Pero nagawa na namin. Nagawa na naming magkasala ni Chloe kay Doris. Ang itinatagong pagnanasa namin sa isa't isa ay sumabog. Narating na ng mga makasalanang kamay at bibig namin ang mga pribadong parte ng aming katawan. Nailabas na namin nang panandalian ang init ng aming katawan para sa isa't isa.

Lumapat ang aming mga labi sa isa't isa na animo ay 'yon ang pinakanatural na rapat naming gawin. Umasal kami ni Chloe na parang hayop sa likod ng aking asawa. Sa mismong vacation house ng pamilya ni Doris.

Hindi pa kami nagpaawat at sinubukan pa naming magparaos kahit alam naming nandiyan lang si Doris sa tabi at pwede kaming mahuli.

Wala akong kwenta. Isang malaking disappointment.

Nilalagay ko sa alanganin ang buhay ko bilang isang pamilyadong lalaki rahil lamang sa pagnanasa na nararamdaman ko para sa babaeng hindi ko naman asawa.

Ang masama pa niyan ay mukhang kumakalat nang muli sa aking sistema ang pagiging mapaglaro, ang pagiging babaero, ang pagiging mapaghanap sa pagtatalik.

Hindi ko napigilan ang sarili kong pumatol sa pakikipaglandian ng aking biyenang babae sa telepono. Hindi ko napigilan ang sarili kong magpakita ng munting motibo sa dating kamag-aral ni Doris.

Bakit ganoon?

Maaaring nagiging mapaglaro ako ngayon dahil hindi naibibigay ni Doris sa akin ang mga hinahanap ng isang lalaki sa kanyang asawa pagdating sa kama.

Alam kong mababaw na rason iyon. Pero iyon lamang ang nakikita kong dahilan kung bakit bumabalik ako sa pagiging playboy. Kung playboy mang matatawag ito.

Kahit saang anggulong tingnan ay mali rahil may asawa akong tao. Hindi tamang nakikipaglandian at nakikipaghalikan ako sa ibang babae.

Alam ko sa sarili kong matagal ko nang tinalikuran ang pagiging babaero. 'Yon ay nang makilala ko si Doris. Mahal ko siya at ayaw ko siyang masaktan. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa puso ko ang galit na kinimkim ko ng mahabang panahon. Siya ang dahilan kung bakit bumalik ang respeto ko sa mga babae. Siya ang dahilan kung bakit muli akong naniwala sa salitang pag-ibig.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon