GEORGE's POV
Bababa na ako. Kailangang patigilin ko na sa paggawa ng dessert si Chloe at ang asawa ko. Kailangang labanan ko ang tukso. Kailangan kong maging matatag. Hindi rapat madamay si Doris sa problemang wala itong kinalaman.
Mabilis akong bumaba ng hagdan patungong kusina. Buo na ang aking loob na hindi matuloy ang plano namin ni Chloe ngayong gabi, pero nagbago ito nang makita ko ang eksena sa kusina.
Nilalagyan ni Chloe ng icing ang paligid ng kanyang hiyas. Hindi niya nilalagyan ang mismong hiyas niya kundi ang paligid lamang nito. Bigla akong natulala sa aking nasasaksihan. Hindi na naman gumagana ang aking isip. Nangingibabaw na naman ang libog sa aking katawan.
George: Chloe…
Natigil sa paglalagay ng icing sa paligid ng kanyang hiyas si Chloe at napatingin sa akin. Ngayon ay natatakpan na ng kanyang suot na red negligee ang hiyas niyang napapalibutan ng icing.
Napalunok ako ng laway. Lalong nanikip ang boxer briefs ko. Isa talagang malaking tukso itong si Chloe sa kahit na sinong Adan. Napakasarap niya. Nakatatakam. Hindi ako papayag na hindi matikman ang hiyas niya ngayong gabi. Ang kanyang dessert.
Malanding tumitig sa akin si Chloe. Nang-aakit na kinagat niya ang kanyang ibabang labi.
Chloe: Hi, George. Nagugutom ka na ba?
Natutuyuan na ako ng laway.
George: Na-nasaan si Doris?
Luminga-linga ako sa paligid.
Chloe: Nasa CR. Katatapos lang namin gumawa ng dessert. Ngayon ay sisimulan na natin ang competition.
Tama ba itong ginagawa ko? Muli akong tumingin sa parte ng katawan ni Chloe na natatakpan ng kanyang suot na negligee. Natatakam ako sa kaisipang may nakatagong hiyas doon.
Nakarinig kami ng mga papalapit na yabag. Pabalik na si Doris sa kusina.
Doris: Oh, hon. Bumaba ka na pala. Siguro hindi ka na makapaghintay sa des…
Napatigil sa pagsasalita si Doris habang nakatingin sa gitnang bahagi ng aking katawan.
Doris: George?
Nakatingin pa rin si Doris sa gitnang parte ng aking katawan.
George: Yes, hon?
Nauutal na sumagot si Doris.
Doris: Ba-bakit naka-boxer briefs ka lang? Na-nakakahiya kay Chloe.
Dahil sa pinipigil na pagnanasang nararamdaman ko para kay Chloe ay parang uminit ang ulo ko sa paninita ni Doris.
George: Bakit? May problema ba sa suot ko, Doris? Buti sana kung nakahubad ako. Hindi naman.
Medyo tumaas ang tono ng aking boses nang sabihin iyon.
Doris: Pero nakakahiya 'yong ayos mo ngayon.
Alam kong bakat na bakat na sa suot kong boxer briefs ang alaga ko. Hulmadong-hulmado na sa aking suot na kapirasong saplot ang batuta ko. Naiiskandalo malamang si Doris sa ayos ko sa harapan ni Chloe.
Chloe: It's fine, Doris. Sabi ko naman sa 'yo kaninang umaga na masarap titigan ang machong katawan ng asawa mo. Bilang babae, masarap sa paningin na makakita ng lalaking may magandang pangangatawan. Dapat nga maging proud ka pa sa asawa mo.
Nakaharap na si Doris kay Chloe. Ginawaran ko ng isang malanding kindat si Chloe. Tuluyan nang nawala sa isip ko na itigil ang "dessert competition" na ito. Init na init na ako kay Chloe at kailangang mawala na ito sa aking sistema.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Gorgeous Husband
General FictionCHLOE CLAIRE SANTIAGUEL, ang babaeng lampas-langit ang pagnanasang maangkin ang katawan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan. MIGUEL GEORGE SAAVEDRA, ang lalaking mapapaligiran ng iba't ibang babaeng magkakaroon ng interes sa kanya. Mga babaeng...