GOOD NEWS FROM CHLOE & GEORGE

986 3 0
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang mga bida ng kwentong "My Best Friend's Gorgeous Husband" ni Mr. WOM na sina Chloe at George.

Chloe: Hey, readers of "My Best Friend's Gorgeous Husband". A gorgeous day to all of you.

Nag-pose si Chloe sa harap ng camera katulad ng kanyang ginagawa bilang isang modelo.

Napatawa na lang si George sa mga pinaggagagawa ni Chloe.

George: Sige lang, Chloe. Mag-pose ka lang diyan. Anyway, guys, nandito kami ni Chloe para magpasalamat sa lahat ng mga patuloy na nagbabasa ng kwentong lalo na ang mga datihang readers ng "My Best Friend's Gorgeous Husband" na hindi kami iniwan.

Tumigil sa pagpo-pose sa harap ng camera si Chloe at nakangiting tumango-tango.

Chloe: Yes. Around 2014 or 2015 unang isinulat ni Mr. WOM ang kwentong ito. His first story, actually, but alam naman natin kung ano ang nangyari sa kanyang previous accounts. Kaya naman maingat na si Mr. WOM ngayon and hopefully magtuloy-tuloy na.

Tumango si George kay Chloe at muling humarap sa camera.

George: At dahil sa suporta ninyo sa kwentong ito kaya naman naisipan ni Mr. WOM na magsulat ng special chapter bago ang final chapter ng "My Best Friend's Gorgeous Husband".

Pabirong nanlaki ang mga mata ni Chloe.

Chloe: True?

Pagkatapos ay lumingon si Chloe kay George.

Chloe: Kunwari hindi ko alam.

Natawa si George sa kalokohan ni Chloe at umiling bago muling humarap sa camera.

George: At ang character na magiging focus ng special chapter ay ang team na magwawagi sa Poll.

Biglang sumimangot si Chloe.

Chloe: Hay naku. Naiinis ako sa Poll na 'yan. Wala na. Naagawan na ako ng trono. Si Margie na lang tuloy ang nag-iisang Queen of Poll.

Biglang naging alanganin ang ngiti ni George sa harap ng camera.

George: Ikaw talaga, Chloe. Nag-mention ka pa ng ibang character from other story.

Marahang tumawa si Chloe.

Chloe: Naku. Okay lang 'yan. Love natin 'yang si Margie. Ang pinaka-pure sa lahat ng main characters ni Mr. WOM. Walang-bahid dungis. Kaya walang kaduda-dudang consistent number one sa Poll ng story nila.

Hindi na maipinta ang mukha ni George sa sobrang hiya.

Chloe: Shout-out to Margie of "Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)". Ang Queen of Poll.

Kumaway pa si Chloe sa harap ng camera.

George: Napakadaldal mo talaga, Chloe.

Humarap si Chloe kay George at biglang natawa nang may maalala.

Chloe: Madaldal pala, ha? Sabihin ko kayang may special appearance ka sa final chapter ng "Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)"? Ay! Nadulas ako.

Napa-face-palm si George sa kadaldalan ni Chloe.

George: Lagot ka kay Mr. WOM. Ni-reveal mo na.

Nakangiting umiling si Chloe kay George.

Chloe: Hindi 'yan. Ako ang first female character ni Mr. WOM kaya vibes kami niyan. May sentimental value 'to.

Proud pang ngumiti si Chloe sa harap ng camera.

Chloe: At saka nandoon si Riza sa "Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)". Ang Revelation Queen. Wala pa sa kalingkingan 'yong sinabi ko sa mga ibubulgar ni Riza.

Nakayuko na si George at hindi na makatingin sa harap ng camera.

Si George ang nahihiya rahil sa kadaldalan ni Chloe.

George: O siya, guys. Tapusin na natin 'to. Marami nang nasasabi ang kasama ko. Basta pick one among Jessica, Chloe, Mommy Andrea, Katie, Alexis, and, of course, my wife Doris kung sino ang gusto ninyong manalo sa Poll at mabasa sa special chapter.

Hindi nagpaawat si Chloe sa kanyang kadaldalan.

Chloe: Vote for me, guys. For sure bed scene ang special chapter kapag ako ang nanalo.

Malakas na tumawa si George.

George: 'Yan ang inaabangan sa 'yo ng readers.

Umirap si Chloe kay George.

Chloe: Naiinis ako. Hindi pa kami nagmi-meet ni Jessica sa story ay naunahan na ako sa Poll. Siguro kapag Team Jessica ang nanalo ay love story ninyo ang focus sa special chapter.

Nagkibit-balikat si George.

George: Pwede.

Pagkatapos sabihin iyon ay pinanlakihan ni George ng mga mata si Chloe.

George: Sige na. Tapusin mo na 'to. Overtime na tayo. Sinasamantala natin ang pagiging first main characters ni Mr. WOM. Lagpas na tayo sa word count.

Malakas na tumawa si Chloe.

Chloe: Actually ito na 'yong Chapter 37. Chos! Okay, readers. Thank you ulit sa support at abangan ang update ng "My Best Friend's Gorgeous Husband" every second Thursday and every fourth Thursday of the month.

----------

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon