CHAPTER 23

2.2K 8 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nang masigurong wala ng bakas ng kamunduhan sa loob ng kanyang kotse ay bumaba na si Andrea ng sasakyan at umakyat sa palapag ng building kung nasaan ang opisina ng asawa niya. Nakataas ang isang kilay ni Andrea nang batiin ang secretary ng asawa.

Andrea: Hi, Jessica. Is my husband busy at the moment?

Tumingin kay Andrea ang napaka-hot na secretary ni Rolando Montecillo, ang kanyang asawa at ama ni Doris.

Jessica: No, Mrs. Montecillo. You may go inside.

Inirapan ni Andrea ang magandang sekretarya na si Jessica. Kung tama ang pagkakaalala niya, ang anak niyang si Doris ang nagpasok sa babaeng ito sa kumpanya nila. Kaibigan ito ni Doris na hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Ngunit sa busilak na puso ng kanyang anak ay nagkaroon ito ng posisyon sa kumpanya. Manang-mana ang kanyang anak sa ama nitong matulungin.

Ngunit hindi gusto ni Andrea si Jessica. Malandi siya kaya naaamoy niya ang mga babaeng katulad niya sa malayo pa lang. Katulad ng best friend ng anak niya na si Chloe. Sigurado siyang makating babae si Chloe at sigurado din siyang may pagnanasa ito sa kanyang manugang. At ang babaeng ito na nasa harapan niya ay walang pinagkaiba. Sa ganda at alindog nito, sigurado siyang nilalandi nito ang mister niya.

Andrea: Thanks.

Pumasok na si Andrea sa loob ng opisina ng asawa.

----------

Sa garment area ng isang kilalang mall ay namimili sina Chloe at Doris ng mga damit. Nasa fitting room si Doris habang tinutulungan ni George humanap ng tank top si Chloe kapalit ng pinunit nitong tank top ng babae.

George: 'Yan. Bagay sa iyo 'yan.

Itinuro ni George ang halos ga-brang tank top kay Chloe.

Chloe: Mahihirapan kang hubarin 'yan sa sobrang sikip.

Ngumisi si George.

George: Ayos nga 'yon. Lumalaban.

Kinurot ni George ang tagiliran ni Chloe na ikinatili niya. May lumapit sa kanilang saleslady. Maganda ang kurba ng katawan nito at halatang nagpapa-cute kay George.

Saleslady: Ma'am, ang gwapo naman po ng mister niyo.

Medyo nailang si George dahil inakala ng saleslady na mag-asawa sila ni Chloe.

Chloe: Sabi nga nila. Hindi lang gwapo, magaling pa ito sa kama.

Sabay kapit ni Chloe sa kanang braso ni George. Hinatak na niya ito palayo. Nagulat si George sa sinabi at ginawa ni Chloe.

George: Ano bang problema mo?

Chloe: Nilalayo lang kita sa tukso. Tama na 'yong ako lang. Baka hindi mo kayanin kapag marami kami? At ayoko ng may kaagaw, George. Tandaan mo 'yan.

Napansin nilang lumabas na si Doris mula sa fitting room dala ang mga napili nitong damit. Binayaran nito ang mga binili sa cashier counter at naglakad palapit sa kanila. Biglang bumitaw si Chloe sa kanang braso ni George kahit napipilitan siya rahil enjoy na enjoy siyang amuyin ang panlalaking pabango ni George.

Doris: Let's go?

Bago pa sila makaalis ay may babaeng dumating at binati si Doris. Si Alexis.

Alexis: Doris, is that you?

Nagulat naman si Doris pagkakita kay Alexis.

Doris: Alexis?

Tumawa naman si Alexis at hinawi ang buhok.

Alexis: Yes. It's me. The fabulous Alexis.

Nang biglang tumikhim si George sa tabi ni Doris. Napatingin dito si Alexis at naglaway ang babae sa nakita. Napakagwapo ng nilalang sa harapan nito. Para itong hulog ng langit para sa mga kababaihan. Masarap. Napakasarap angkinin. Mukhang may bago na naman itong laruan.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon