CHAPTER 18

2.5K 11 4
                                    

THIRD PERSON POV

"George, pawis na pawis ka," puna ni Doris. May pagdududa sa tinig ng boses at sa mga tingin nito.

Naiinis si George. Sumasakit pa rin ang ulo ng alaga nito sa sobrang pagkabitin at mukhang mahuhuli pa ito ng asawa sa kataksilan nito. Naiinis ito kay Doris. Kaya naman inunahan nito ng pagtataas ng boses ang misis.

"Natural! Nag-ayos ako, eh! Malamang pagpapawisan ako! Tingnan mo nga si Chloe. Pawis na pawis din!" Paasik ang tono ng pagsasalita ni George.

Nabigla si Doris sa tono ng boses ni George.

"Nagdududa ka ba sa amin, best friend?" Inosenteng tanong ni Chloe kay Doris.

"Hi-hindi naman sa ganoon." Biglang nahiya si Doris dahil pinagdudahan nito ang mister at ang best friend.

"Ibahin mo ako sa ibang lalaki, Doris. Hindi ka na nahiya kay Chloe. Pinag-iisipan mo ng masama." Halata ang panunumbat sa mga mata ni George.

"Ahm… Hindi naman sa ganoon, George." Bago pa matapos ang sasabihin ni Doris ay binuksan na ni George ang pinto ng guest bedroom at tinawag si Chloe.

"Halika na, Chloe. Ituloy na natin 'yong ginagawa natin sa ibaba. Nabitin ako, eh." Makahulugang sambit ni George.

"Ha? Ang alin, George?" Pagmamaang-maangan ni Chloe.

"Eh, 'di 'yong panonood natin ng hot movie. 'Yong "My Wife's Slutty Friend" na sobra ang thrill." Nakangiti ng nakakaloko si George kay Chloe.

"Oh, yeah. I forgot. Let's go, George." Inihagis ni Chloe ang punit niyang tank top sa ibabaw ng kama ng guest bedroom at malanding tumakbo palabas ng nakabukas na pinto. Sumunod si George kay Chloe at pabalagbag na isinara ang pinto. Ipinapakita sa asawang nasaktan ito sa pagdududa nito.

"Nabitin ako, babe, ah." Bulong ni Chloe kay George nang nasa labas na sila ng guest bedroom.

"Hindi mo na kailangang sabihin. Ako rin. Gagawa tayo ng paraan." Pabalik na bulong ni George kay Chloe.

"Siguraduhin mo 'yan. Basang-basa na talaga ako." May gigil sa tono ng boses ni Chloe.

"Oo. Ako ang bahala. Ako nga tigas na tigas na sa sobrang pagnanasa sa 'yo." At pinisil pa ni George ang tigas na tigas nitong alaga sa loob ng suot na boxer shorts.

"Halika na. Baka lumabas na 'yong magaling mong asawa?" Hinatak ni Chloe ang kamay ni George at sabay silang bumaba ng sala.

"In fairness, pwede ka ng best actor."

Nagtawanan ang dalawang magkalaguyo.

Inis na inis talaga sina Chloe at George sa sobrang pagkabitin. Nakakabaliw sa pakiramdam 'yong gustung-gusto nang ipasok ni George ang malaki nitong alaga sa basang-basang yungib ni Chloe pero hindi nito magawa. Nandoon na. Nabitin pa. Ang masama pa riyan, hindi pa nito nalalasahan ang katas ni Chloe. Ang katas ni Chloe na ang amoy pa lang ay nawawala na ang katinuan nito.

Maging si Chloe ay parang masisira ang ulo sa sobrang pagkabitin. Basang-basa pa rin ang hiyas niya at gustung-gusto na niyang makatikim ng malaking sawa. Inis na inis siya sa istorbo niyang best friend na asawa ni George.

Nasa living room na muli sina Chloe at George. Ipinagpatuloy ang panonood ng "My Wife's Slutty Friend".

Umakbay si George kay Chloe. Tanging bra pa rin ang pang-itaas dahil iniwan niya ang kanyang tank top sa ibabaw ng kama ng guest bedroom. Nanlalagkit sa pawis silang dalawa pero hindi pa rin mapigilang mag-init ni George kay Chloe. Lalong nagiging hot sa paningin ni George si Chloe rahil sa mga butil-butil na pawis ng babae sa katawan. Bumulong si George kay Chloe.

George: Okay ka lang?

Chloe: Bitin ako. Mukha ba akong okay? Ipapasok na lang, nabitin pa. Hay! Kainis!

Nagmamaktol si Chloe.

George: Grabe! Tigas na tigas na ako. Ituturok na lang, napigilan pa.

Chloe: Basta gawan mo ito ng paraan.

Nagtataray si Chloe, pero lalo lamang natu-turn on si George sa kanya.

George: I will, babe.

Inilabas ni George ang dila nito para lawayan ang ilalim ng kanang tainga ni Chloe.

George: Nakakagigil ka!

Sa guest bedroom ng vacation house nila Doris ay naiwang nakatulala si Doris. Nahiya sa sarili nito rahil pinagdudahan ang asawang si George at ang best friend na si Chloe. Maling-mali. Inabot nito ang punit na tank top ni Chloe sa ibabaw ng kama at lumabas ng guest bedroom.

Pagkababa ni Doris ay nakita nitong nakaakbay si George kay Chloe habang pinapanood ang "My Wife's Slutty Friend".

Mukhang sweet na sweet ang mga ito, pero ayaw ni Doris na mag-isip ng masama. Hindi maganda ang nangyari nang pagdudahan nito ang dalawa kanina.

Doris: George, Chloe, pasensya na kung pinagdudahan ko kayo. Mali ang pag-iisip kong may namagitan sa inyong dalawa.

Napansin ni Doris ang pagngiti ni George, ngunit may kakaiba sa mga mata nito. Kung anuman iyon ay hindi matukoy ni Doris. Ganoon din sa mga mata ni Chloe, kasabay ng pagngisi nito.

Tumayo si Chloe at niyakap si Doris.

Chloe: Wala iyon, Doris. Hindi ako nagdamdam. What are friends are for kung hindi kita patatawarin, hindi ba?

Tumayo rin si George at yumakap kina Doris at Chloe. Idiniin nito ang umbok sa labas ng boxer shorts sa matambok na pang-upo ni Chloe. Mas lalo namang idiniin ni Chloe ang kanyang pang-upo sa umbok ng shorts ni George.

Bumulong si George sa kanang tainga ni Doris.

George: Mahal na mahal kita, Doris.

Sa narinig ay nainis si Chloe at mas hinigpitan ang kapit ng kanyang pang-upo sa alaga ni George sa pamamagitan ng pag-control ng muscles sa kanyang pang-upo. Ganoon na lamang ang pagpipigil ni George na huwag umungol sa harap ng asawa.

Nailang naman si Doris dahil naka-bra lang si Chloe kaya umatras ito mula sa pagkakayakap nina Chloe at George. Lumayo na rin si George mula sa pagkakayakap kay Chloe matapos pasimpleng haplusin ang maumbok na pang-upo ng best friend ng misis nito.

Doris: Tatahiin ko na lang muna itong tank top mo, best friend. Ano ba kasi ang nangyari rito?

Malanding tumawa si Chloe.

Chloe: Ito kasing si George, eh. Hinablot.

Ngumisi si Chloe kay George at napataas ang mga kilay ni George. Mukhang may naisip na namang kalokohan ang dalawa.

George: Anong ako? Sinabi ko namang umalis ka sa tapat ng shower dahil aayusin ko, pero parang wala kang naririnig. Kaya hinatak kita.

Chloe: Pwede namang sa braso ko. Ang sabihin mo, gusto mo lang makita ang mga pakwan ko.

Ngumisi si Chloe.

George: Baka ikaw ang may pagnanasa sa akin? Sinabihan mo nga akong hubarin ko na ang sando ko rahil pawis na pawis na ako.

Ngumisi si George kay Chloe. Naiilang na naman si Doris sa paraan ng pag-uusap ng dalawa kaya pinatigil na ang mga ito. Sinabi ni Doris na tatahiin na ang damit ni Chloe sa kusina. Naiwan sa sala ang magkalaguyo.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin mapakali sina Chloe at George sa sobrang pagkabitin kaya sinilip nilang dalawa kung nasa kusina pa si Doris. Naroon pa ito at patuloy sa pananahi. Nagkatinginan ang magkalaguyo at mukhang may iniisip na namang kalokohan.

Chloe: Ano ba 'yan? Dumating pa 'yong asawang babae. Hindi tuloy naka-score si mister sa kabit niya.

Malakas ang boses ni Chloe. Tiningnan niya si Doris sa kusina. Mukha namang hindi ito apektado sa narinig at tuluy-tuloy lang sa pagtatahi ng kanyang napunit na tank top. Tank top na pinunit ng asawa nitong si George. Iniisip marahil ni Doris na ang sinabi ni Chloe ay patungkol sa pinapanood nilang hot movie.

Unti-unting gumapang ang kanang kamay ni Chloe patungo sa hita ni George, patungo sa batong nasa pagitan ng mga hita nito.

Pigil ang ginawang pag-ungol ni George.

----------

to be continued…

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon