CHAPTER 8

2.6K 14 0
                                    

CHLOE's POV

Tiningnan ko si George na parang sinasabi na, "Ituloy mo na." Pero bigla niya akong itinulak pababa. Sobrang baba na hindi na makita ang ulo ko lagpas sa ibabaw ng dining table.

"Hon, nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo na akong mag-isa." Mukhang nagtatampo ang boses ng best friend kong istorbo. Hmp!

"Ah… Uhm…nauhaw kasi ako, Doris. Alam mo naman…nabitin ako." Nandito ako ngayon sa ilalim ng dining table. Hindi nakikita ni Doris, pero kitang-kita ko sa harap ng mata ko ang naghuhumindig na pagkalalaki ni George. Mukhang gusto nang magwala ng alaga niya. Parang dapat nang ipasok sa hawla. Sa basang hawlang nasa pagitan ng mga hita ko.

"Pasensya na, George. Alam mo naman ang sitwasyon, 'di ba?" Pahinging paunmanhin ni Doris. "Sana hindi ka galit."

"Ano ba namang…ahhh…galit? H-hindi ako g-galit." Napaungol si George sa pagitan ng kanyang pagsasalita. Paano ba naman, eh, pinisil ko ang bukol ng kanyang junior sa labas ng kanyang boxer briefs. Ipinatong niya ang isang kamay niya sa aking kamay. Hindi ko alam kung napansin ng manhid kong best friend. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay abot-kamay ko ang alaga ni George. Akala ko ay aalisin niya mula sa pagkakapatong sa alaga niya ang kamay ko, pero hindi pala. Diniin niya ang pagkakapatong ng kamay niya sa kamay ko. Dahil ako ay isang malanding babae, wala na akong nagawa kundi ipaikot ang aking mga malilikot na daliri sa bukol ng mainit-init na sawang nagwawala sa loob ng boxer briefs ni George. Lintik na boxer briefs 'to. Sagabal. Mahahawakan ko na sana in the flesh ang batuta ni George.

"May problema ba, hon? Bakit parang nahihirapan kang huminga?"

Hay naku! Wala namang problema sa amin ni George. Siya itong may problema. Hindi na lang matulog at hayaan kaming magpainit ng asawa niya. Istorbong babae.

"N-nahihilo lang siguro ako. B-baka rapat matulog na tayo, Doris? Halika na." Bago makalayo si George ay hinigpitan ko pang muli ang kapit sa bukol ng alaga niyang halos lumuwa na ang ulo sa sobrang laki. Nakakapanginig-laman ang sitwasyon namin. Imagine, kinakausap niya ang asawa niya habang nilalaro ko ang tayung-tayong bakat ng alaga niya.

Muling napaungol si George sabay tanggal sa kamay kong sumasakal sa alaga niya. Narinig ko ang papalayong yabag ng mag-asawa palabas ng kusina.

Argh! Magbabayad ka, George! Binitin mo ako! Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa sahig. Kinapa ko ang aking hiyas mula sa loob ng aking kapirasong thong. Mmm… Basang-basa na ako. Lagot ka sa akin, George, kapag nasolo kita. Argh! Nakakalibog!

----------

GEORGE's POV

Gusto kong magmura! Argh! Argh! Nanginginig ako sa libog! Nandoon na! Madidilaan ko na sana ang labi ni Chloe. Malalasahan ko na sana ang laway niya na alam kong sobrang tamis. Maipapasok ko na sana ang dila ko sa loob ng bibig niya. Kung hindi lang talaga… Naku. Argh!

Nakahiga na ako ngayon dito sa aming kama katabi ang magaling kong asawa. Pabaling-baling ang ulo ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. Nag-iinit pa rin ako. Nalilibugan pa rin ako. Hindi pa humuhupa ang init sa katawan ko. Kailangan ko nang mailabas itong malapot na likido sa loob ng nag-iinit kong katawan.

Napatingin ako sa natutulog na pigura ng aking asawa. Hindi ko mapigilang mapailing. Bago ko siya nakilala ay kabi-kabila ang mga babae ko. Hindi mabilang ang mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Kulang na nga lang pikutin nila ako, eh. Buti na lang maingat ako. Tapos ngayon, itong asawa ko, tutulugan lang ako kahit alam niyang tigang na tigang na ako. Alam niyo naman siguro 'yong pakiramdam na 'yon, mga pare, 'di ba? Nakakainis! Nakakadismaya! Nakakabitin! Napahimas ako sa bukol ng sawa kong gusto nang warakin ang boxer briefs ko sa sobrang pagwawala. Ano ba namang buhay 'to? Naturingan akong lalaking may asawa, eh, parang daig ko pa ang single na lalaki na walang rasyon ng katas ng babae. Sayang naman kung maglalaro lang ako mag-isa kasama ni junior. Init na init na ako at naghahanap na si junior ko ng kalaro.

Kakalabitin ko na sana si Doris nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang text message:

"Hi, handsome. Still up? ;-)"

Unregistered number. Hmmm… Sino ang magte-text sa akin sa alas dos ng madaling-araw? Siguradong hindi ito isa sa mga katrabaho ko. Naka-save lahat ng number nila sa contacts ko. Hmmm… Pero may isang taong pumasok sa isipan ko na maaaring mag-text ng ganito sa akin. Tiningnan ko ang humihilik kong asawa at inabot ko ang phone niya na nakapatong sa bedside table katabi ng lampshade. Inisa-isa ko ang lahat ng mga numerong nasa contacts ng asawa ko. At hindi ako nagkamali. Si Chloe ang nag-text sa akin. Napangisi pa ako nang maisip na sa sobrang kalibugan niya sa akin ay hinanap pa talaga niya ang numero ko. Iba na talaga kapag gwapo.

Ibinalik ko na ang phone ng asawa ko sa ibabaw ng bedside table. Tiningnan ko ang message na galing kay Chloe. Hmmm… Papatulan ko ba 'tong babaeng 'to? Sigurado akong kapag nag-reply ako sa kanya, hindi isang normal na palitan ng messages ang magaganap. Hindi makukuntento si Chloe sa ganoon. Panigurado, kalandian ang hanap niya. At ang target niya ay ang asawa ng best friend niya. Pilya talaga. Mali. Malandi talaga.

Napatingin ako sa asawa ko. Sa tulog na tulog na asawa ko habang ako rito ay init na init na at gusto nang magpasabog. Tama bang makipagpalitan ako ng messages kay Chloe pagkatapos ng nangyari kanina sa kusina? Malapit na kaming maghalikan. Malapit na kaming magtikiman. Alam kong bitin siya. Gayundin ako. Pareho kaming nag-iinit at takam na takam na sa isa't isa.

Napatingin ako sa namumukol kong harapan. Alam ko ang dapat kong gawin.

"Hi, sexy. You are?"

"Taong mahilig sa sawa. ;-) Ikaw?"

Hmmm… Taong mahilig sa sawa pala, ah. Lagot ka sa sawa ko.

"Taong mahilig sa tahong. Saan mo nakuha ang number ko, taong mahilig sa sawa? ;-)"

"Sa asawa mo. Type kasi kita, eh. Masama ba?"

Malandi ka talaga, Chloe. Asawa ng best friend mo, inaahas mo. Pero hindi ako magpapatalo. Gusto mong maglandian, pagbibigyan kita.

"Hmmm… Sabi mo nga, sa ASAWA ko. So…ano sa tingin mo?"

"Tingin ko? Hmmm? Thrilling."

Malandi ka talaga, Chloe. Bibigyan kita ng thrill.

"Ganoon ba? Siguro basang-basa ka na ngayon habang ka-text ako. Tama ba?"

"Wow! Paano mo nalaman? Alam mo bang nakapasok na ang isa kong daliri sa loob ng kweba ko?"

Lintik! Naalala ko na naman ang ayos ni Chloe kanina sa kusina. Bakat na bakat ang mga pasas niya sa suot na bra. Ang mga bundok niyang tinatawag ang mga kamay ko para ito ay lamasin. Ang mga pisngi ng pang-upo niyang tinatawag ang mga kamay ko para ito ay sampal-sampalin. Napaka-sexy ng kurbada ng kanyang baywang. Kaysarap niyang yakapin. Alam kong masarap siya sa kama. Lintik! Tumitigas pa lalo si junior.

Gusto mo ng landiang usapan, pagbibigyan ko 'yang basang-basa mong hiyas.

----------

to be continued…

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon