CHAPTER 21

2.3K 15 0
                                    

THIRD PERSON POV

Tuloy pa rin ang paghahamunan nina Chloe at George.

George: Sige nga. Malay naman natin, di ba? Iba naman ang panlasa naming mga lalaki sa inyong mga babae. Si Doris nga, nasasarapan sa dessert niya, pero ako hindi naman.

Medyo nabigla si Doris sa sinabing iyon ni George at hindi nito mapigilang makadama ng kaunting kirot sa dibdib.

Chloe: Oh my, Doris. See? Kung makapagsabi ka namang hindi masarap ang dessert ko, eh, mismong asawa mo hindi nasasarapan sa hinahain mo.

Tumingin si Doris kay George. Nakangiti ang lalaki. Hindi alintana kung nasaktan ang misis sa sinabi nito o hindi.

Doris: George…

George: I'm sorry, Doris. Sinabi mo na rin lang naman na hindi masarap ang dessert ni Chloe, maybe we all should be honest here.

Hindi makapaniwala si Doris sa sinabi ni George. Maaaring may punto ito kung pagbabasehan ang sinabi nito, pero masakit pa rin sa kalooban ni Doris bilang asawa.

Chloe: Tingnan mo na, Doris, kinakawawa mo ako sa harapan ng asawa mo.

Nag-pout si Chloe at kumapit sa kaliwang bisig ni George. Tuluy-tuloy lang sa pagsubo ng dessert si George na parang walang pakialam kung nakalingkis sa bisig nito ang kamay ng kaibigan ng misis.

Napatingin si Doris sa kamay ni Chloe na nakakapit sa bisig ni George. May kirot itong naramdaman pero hindi rapat ito maghinala rahil maitutulak lang nitong palayo ang asawa kapag ginawa ang bagay na iyon.

Nagsalitang muli si George.

George: I know I'm your husband, Doris. Kaya alam ko ang totoo. Take it positively. Take it as a constructive criticism. Maybe you should try harder next time.

Humigpit ang kapit ni Chloe sa bisig ni George at umabot na sa hita ng lalaki ang kanyang paa.

Chloe: I'll be honest na rin with you, best friend. Maski ako hindi nasasarapan sa dessert mo. Parang may kulang. Siguro kailangan mo pang mag-practice. Malay mo, 'yong kulang na iyon ay mahanap ng asawa mo sa dessert ko.

Ngumiti si George kay Chloe.

George: Ganito na lang. Tutal, pareho kayong nag-enjoy sa dessert ko at pareho ninyong sinasabi na hindi masarap ang lasa ng dessert ng isa't isa, why can't we have a contest tonight?

Nagkatinginan ang dalawang babae.

George: After dinner, ipatikim ninyo sa akin ang mga ipinagmamalaki ninyo. Ako ang huhusga kung masarap ba o hindi. Kung malasa o nakakaumay.

Naglipat-lipat ang tingin ni George sa asawa at kay Chloe. Nakaisip ng kapilyahan si Chloe.

Chloe: Sige. Papayag ako kung sa private place gagawin ang pagtikim. One-on-one. Baka kasi maimpluwensyahan ang desisyon mo kung parehas mo kaming makikita? If you know what I mean.

Magpoprotesta sana si Doris ngunit naunahan ito ni George.

George: No problem. Pupunta ako sa kanya-kanya ninyong kwarto. Ihanda ninyo ang mga masasarap na dessert na sinasabi ninyo. What do you think, Doris?

Napilitang sumang-ayon si Doris dahil ayaw nitong madismaya ang asawa. Nakikita nito sa mga mata ni George na parang pinal na ang sinabi nito.

Doris: O-okay.

George: Chloe?

Chloe: I can't wait for it, George.

At dumiretso ang paa ni Chloe sa alaga ni George. Nagulat si George at nagkunwaring inubo at uminom ng tubig.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon