CHAPTER 39

824 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Nakasimangot ang mukha ni Katie habang kumakain sila ng lunch ng kanyang best friend na si Rachel sa loob ng university canteen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng bayaw na si George noong nakaraang Sabado.

Masaya na sana si Katie na bumigay sa kanyang pang-aakit si George at humantong sila sa pagtatalik sa loob ng guest bathroom ng kanilang malaking bahay pero bago pa man niya maabot ang rurok ng kaligayahan ay narinig niya mula sa bibig ni George ang pangalang Jessica.

Masamang-masama ang loob ni Katie rahil ang ibig sabihin ay iba ang babaeng iniisip ni George habang nakikipagtalik ito sa kanya. Katie felt offended.

Ngunit na-realize din ni Katie kinagabihan nang araw na iyon na kasalanan din niya ang nangyari. Kung hindi sana niya inakit ang asawa ng kanyang adopted sister ay hindi sana ito bibigay sa tukso at hindi sila magtatalik sa loob ng guest bathroom kung saan iniungol nito ang pangalan ng ibang babae habang kasiping siya.

At hindi sana sasama ang pakiramdam ni Katie mula noong araw ng Sabado hanggang ngayong araw ng Lunes sa loob ng kanilang university.

Napansin ni Rachel na hindi maganda ang timpla ng mukha ni Katie kaya tumigil ito sa pagkain at kinausap ang kaibigan.

Rachel: Mukhang hindi yata maganda ang mood mo ngayon, bes. Kumakain ka nga pero parang hindi mo naman nae-enjoy 'yong food mo.

Tinapunan pa ng tingin ni Rachel ang pagkaing nasa plato ni Katie.

Rachel: Gusto mo sa akin na lang 'yan?

Pabiro lamang na sinabi iyon ni Rachel pero nagulat ito nang iatras ni Katie ang kanyang plato sa ibabaw ng mesa papunta rito.

Rachel: Ano ka ba, bes? Joke lang 'yon. Hindi ko pa nga tapos itong kinakain ko.

Bumuntung-hininga si Katie at nangalumbaba sa harapan ni Rachel.

Rachel: Ano ba ang problema? Don't tell me na nag-away na naman kayo ni Adrian.

Si Adrian ang boyfriend ni Katie na sinagot lamang niya para may gumawa ng kanyang mga assignments dahil matalino ang lalaki.

Hindi mahal ni Katie si Adrian at madalas ay naiinis siya sa presensya nito lalo na kapag nali-late itong dumating para gawin ang kanyang assignments. Masyado pa itong mabait na sobrang ikinaiirita ni Katie.

Para kay Katie ay hindi exciting si Adrian at madalas ay nabo-bored siya kapag kasama ito. Kadalasan ay gumagawa siya ng dahilan para hindi sumama sa pag-aaya nitong mag-date silang dalawa rahil feeling niya ay aantukin lamang siya habang kasama sa date ang lalaki.

Ngunit si Adrian na yata ang pinakapasensyosong taong nakilala ni Katie sa kanyang buhay dahil kahit ilang beses na niya itong pinakitaan ng kagaspangan ng pag-uugali ay hindi man lamang ito nagalit kahit isang beses sa kanya bagkus ay mas nagiging sweet pa ito sa kanya.

Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Katie at Adrian. Nakilala niya ang lalaki noong second semester ng kanyang ikalawang taon sa College. Sixteen years old si Katie nang mga panahong iyon.

Maagang nagsimula sa pag-aaral si Katie. Five years old siya nang tumuntong sa Elementary kaya naman pagdating niya nang ikalabing-isang taong gulang ay nasa First Year High School na siya. Fifteen years old naman siya nang pumasok sa isang university at ngayong eighteen years old na siya ay graduating student na siya sa isang sikat na university sa bansa.

Adopted daughter si Katie ng mag-asawang Rolando at Andrea Montecillo. Lumaki si Katie na hindi kasundo ang kanyang adoptive mother at lagi nitong ipinaparamdam sa kanyang mas paborito nito ang kanyang kapatid na si Doris.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon