CHAPTER 31

2.4K 13 2
                                    

DORIS' POV

Nakauwi na kami ng aking asawang si George dito sa aming malaking bahay galing sa aming bakasyon kung saan kasama namin ang aking best friend na si Chloe.

Isang bakasyon na biglaan naming pinlano ni George pagkatapos ng aming honeymoon.

Ang biglaang bakasyon na sana ay extension ng aming honeymoon ni George.

Isang biglaang bakasyon na naging resulta ng isang kaganapang nangyari noong honeymoon namin ni George.

In the end, that vacation didn't serve its original purpose.

Pagkatapos nang gabing iyon kung kailan nagkulong buong magdamag ang aking asawang si George at ang aking best friend na si Chloe sa loob ng guest bedroom ng vacation house na pagmamay-ari ng aking pamilya ay may napansin akong pagbabago sa kanilang mga kilos sa tuwing alam nilang nasa paligid lamang ako.

Minsan ay hindi makatingin ng diretso sa akin si Chloe. Minsan naman ay sobrang sweet ni George. Though sweet naman siya rati, pero mas naging sweet siya. Extra sweet.

Sigurado ako. May nangyari sa pagitan nina George at Chloe sa loob ng guest bedroom.

Hindi inaamin sa akin nina George at Chloe, pilit nilang itinatanggi, pero malakas ang aking pakiramdam na may inililihim silang dalawa sa akin.

Tandang-tanda ko pa nang pabulaanan ni George ang aking hinala.

George: Huwag kang masyadong nag-iisip, hon. Walang nangyari sa amin ng kaibigan mong si Chloe. Pagkatapos kong tikman 'yong dessert na kanyang inihanda ay nakatulog na agad ako rahil sa pagod. Hindi ko magagawa ang magloko sa 'yo, hon. Kaibigan mo si Chloe. Nandito tayo sa vacation house ng iyong pamilya. Sa tingin mo ba ay magagawa kong magloko sa 'yo? No, hon. Mahal kita. Hinding-hindi kita magagawang saktan.

Pero babae ako. Nababasa ko sa mga kilos ni Chloe na may hindi ito sinasabi sa akin. At paniguradong hindi nagkataong nagsimulang maging kahina-hinala ang kilos nito pagkatapos nang gabing iyon kung saan kasama nito si George sa iisang kwarto buong magdamag.

Well, hindi ko naman masisisi si George kung maghahanap siya ng panandaliang ligaya sa piling ng ibang babae.

Sabihin na nating masyadong cliché kung sasabihin kong lalaki lang si George at may pangangailangan ang kanyang katawan bilang lalaki. Pero iyon ang totoo.

May pangangailangan si George na rapat ay aking tinutugunan bilang kanyang asawa. Bilang babaeng kanyang piniling pakasalan.

Ngunit binigo ko si George.

Akala ko ay magiging maayos na ang lahat kapag pinakasalan ko na si George. Akala ko ay makakausad na ako mula sa nakaraan. Akala ko ay tuluyan na akong makakalimot.

Ngunit puro akala lang ang lahat.

Dahil noong unang gabi ng aming honeymoon ni George ay mukha ng isang lalaki ang biglang lumitaw sa aking isipan.

Noong unang gabi ng aming honeymoon ni George ay hindi ang aking asawa ang laman ng aking isipan.

Ibang lalaki.

Ang lalaking aking unang minahal.

Pigil na pigil ako nang gabing iyon na iungol ang pangalan ng lalaking aking unang minahal.

My Best Friend's Gorgeous HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon